Nagsimula na yung kasal ni Mama at Tito Felix. Ginanap yun sa garden ng hotel. Kitang kita ko na masaya si Mama. Hindi ko mapigilan maiyak. Masaya ako para kay Mama pero nalulungkot ako para kay Papa. Iniisip ko na lang na siguro ay masaya siya ngayon sa bagong buhay ni Mama. Masaya si Mama, kitang kita ko sa mga mata niya kung gaano siya kasaya ngayong kasal nila ni Tito Felix. Naging maayos at masaya ang lahat hanggang sa matapos ang seremonyas ng kasal. Pagkatapos ng kasal pumasok na kami sa function room ng hotel para sa reception. Tinabihan ako ni Kiel sa table. "Okay ka lang". Tanong niya sakin. Hinawakan niya yung kamay ko. Siguro nakita niyang panay ang iyak ko kanina sa wedding ceremony. "Oo" nginitian ko siya. Magkasama kaming kumuha ng pagkain sa buffet. May nakita kamin

