Tapos na yung last subject ko. May schedule pa ng klase si Kiel. Sabi niya samahan ko siyang bumili ng cellphone pero ayoko siyang makita malamang ipagkanulo na naman ako ng isip ko at rumupok na naman ako sa kanya. Ang sama ng loob ko. Sumama din yung pakiramdam ko siguro dahil sa puyat. Nagpasya na lang akong umuwi. Habang naglalakad sa campus nasalubong ko si Greyson yung bunsong kapatid ni Kiel. May kasama siyang babae. Unang kita ko pa lang naisip ko na agad yung babeng nasa picture na gf ni Kiel. Mas maganda siya sa personal. Bakit kaya siya nandito? Pansin kong pinagtitinginan siya dahil bukod sa foreigner siya napakaganda pa niya. Yung gandang ganda ko sa sarili ko pero parang bigla akong nanliit sa kanya. "Ate Des..." Tawag sakin ni Greyson nang makita niya ko. "She's Kuya's

