Kumain kami sa isang Filipino buffet restaurant dahil gusto ni Dannah ng filipino food. "Des she's not my gf if that's what you think". Bulong ni Kiel sakin habang kumukuha kami ng pagkain. "Ano?.. pwede ba..?" Nainis ako sa kanya dahil gusto pa niya ideny kahit obvious naman. Lumayo na lang ako sa kanya at dumikit kay Dannah. Tinabihan ako ni Kiel sa upuan gaya ng parati naming pwesto sa tuwing kumakain kami. Nasa tapat namin si Dannah. Halinhinan niya tuloy kaming tinitignan. Pansin ko din na tahimik siya hindi gaya kanina na panay ang salita niya. Siguro dahil kumakain o napagod na ang bibig niya kasasalita. "Totoo yung sinasabi ko.. sige naging kami pero hindi na ngayon.." Nagulat ako ng sabihin niya yun sa harap ni Dannah. "Ano ka ba?" Agad kong sabi sa kanya. Napatingin ako kay

