Kinakabahan ako habang nasa elevator papunta sa condo ni Kiel. Hindi siya pumasok sa school kanina at nung tinext ko siya sinabihan niya kong pumunta sa condo niya. Ano kaya nangyari? Naiisip ko yung ginawa ni Dannah sa sarili niya at nadamay pa si Kiel. Hindi ako mapakali sa isiping yun. Iniisip ko na baka naulit uli yun. Ilang beses akong nagdoorbell pero walang nagbubukas ng pinto. Hanggang sa buksan yun ni Kiel. Nakatapis lang siya ng tuwalya. Nagulat siya na nandoon ako. "Kiel what happened? Bakit mo ko pinapunta dito". Agad kong tanong. "Pinapunta?" Pagtataka niyang sabi. Bumungad si Dannah na nakabalot ng kumot ang katawan. Sa ayos ng dalawa gets ko na yung nangyayari. "Amore we're not done yet let's finish it" kumapit siya sa bewang ni Kiel. "Oh Desiree you're here" she sm

