Plan Twenty Nine Her Plan “Pati ba naman ang mga taga-Underground pakikialaman n’yo pa?” “Kung hindi naman kasi matitigas ang mga bungo n’yang taga-Underground at nagpipilit pang pumasok sa crime scene eh. Crime scene nga, hindi pwedeng magulo ang mga nando’n.” Hindi maipagkakailang seryoso talaga si Gino. Bigla na lang akong nakatanggap ng call na pinapupunta kami sa Mafia building. Hayan, he want us here just to rant about the Underground people trying to break in at the abandoned building na pinangyarihan ng insidente ni hanging dead girl. “Sandali,” putol ni Savier sa mga pag-angal ni Gino. “You’ve been on it for the past weeks. May progress ba sa investigation?” “We’re trying to figure out the traps pero wala pa ring ipinadadala ang ZAFT do’n. Iyong sa amin kasi, ilag sila sa pr

