Plan Thirty Her Plan Tensyon. Parang isang scene sa movie na umiikot ang kamera sa apat na bidang nakaupo sa magkaharap na couch. Peste. Nagsiurong ba ang dila nilang dalawa at mga mata na lang ang kaya nilang paganahin? “May baraha kayo, Heather?” biglang baling ni Xena sa akin nang marahil ay mapansing puno na ng tensyon ang silid. “Can you get a deck? ‘Yong walang mark ah. You know what I mean.” Saka makahulugang binalikan ng tingin si Savier. Umalis ako sa tabi ni Savier na sinundan naman ni Renee na katabi ni Xena. Nagpunta ako sa kwarto namin. Naghalungkat ako sa cabinet ko ng normal na cards na hindi ko ginagamit at iyong walang daya. Mayroon din kasing mga baraha si Savier na nakahalo sa akin na may mga marka. “Ano bang iniisip n’yang si Xena?” usisa ko kay Renee habang naghah

