Plan Twenty Seix Her Plan Isinukbit ko ang backpack ko ng maayos bago lumabas ng kwarto. Bumababa na rin si Savier na dala ang itim niyang maleta. Hindi kami nag-iimikan. Basta kinuha’t lang niya ang maleta ko at hinawakan ang kamay ko ng mahigpit. Nasa pintuan na kami ng mansyon nang makasalubong namin sina Renee at Xena na papasok naman. Tumigil si Savier at iniabot kay Xena ang keychains na sobrang dami ng susi. “Nariyan na ang lahat. Damit lang ang kinuha ko.” Nakita kong nagtagis ang mga bagang ni Xena at matalim ang tinging iginawad sa kalmadong si Savier. “Iwanan mo si Maryan, Savier. Makakaalis ka na.” Tumingin si Savier sa mga mata ng kaibigan niya. Nakita ko ang determinasyon sa kanyang mga mata. Lumunok ako, paulit-ulit na nananalangin sa lahat ng santo na sana’y hindi siya

