Plan Twenty Seven Her Plan “Do you think it’s safe to go to school today, Sunshine?” narinig kong tanong ni Savier mula sa banyo. Nagsisipilyo siya’t katatapos lamang maligo habang ako’y naghahanda ng almusal namin. Dahil nga pareho kaming walang pera, simpleng piritong itlog at instant pancit canton lang ang nagawa kong ihanda. Hindi naman ganoon ka-saklap pala ang mag-astang mahirap for once. “Bakit naman hindi?” “Nah, I’ve got a better idea. Let’s ditch half of the time.” Nakalabas na siya nang lumingon ako. Nakasabit sa balikat niya ang bathroom towel at nalalaglag naman ang butil ng tubig mula sa leeg niya pababa sa abs. Napalunok ako. Hindi naman ako malanding tao pero kapag nakikita ko talaga siya, hindi ko mapigilang mapatanga. Iniling ko ang ulo ko para palisin ang kagaguha

