Plan Twenty One Her Plan Dear Spice, Naaalala mo ba noong tinutugis pa natin ang Death Panel? Noong tinatakot pa natin sila gamit ang mga baraha? Noong panahong nakilala si Cloud, thy veil? Naaalala ko kasi iyon ngayon. Pakiramdam ko kasi’y ako ang dahilan kung bakit hindi umuusad ang kasong hawak namin. Naaalala mo? Ang Ace ay para sa mga pinapatay ko. Ang King ay para sa mga biktimang pababayaan kong natatakot. Ang Queen ay para ipaalam sa kanilang nakuha ko na ang gusto ko. At ang Jack naman ay para ipaalam na nagagalit ako. Naisip ko, maaari ko kayang muling gamitin ang mga barahang ito upang ipabatid sa mga taong hindi ako nauunawaan ang nais kong iparating? *** “Anong ginagawa mo rito?” Tinignan nila Denden, Sae at Fifie si Erinne mula paa hanggang ulo. Tumatawa lang si Xena

