Plan Twenty Two Her Plan “Good afternoon to the both of you. Pamilyar kayong dalawa sa akin. By any chance, nag-aral na ba kayo rito?” Nagkatinginan kami ni Savier. Siya ‘yong nakakaimbyerna at malandutay na lalaking Dean ng Jensens High. Dati laging inuupakan ni Savier ang mga kaaway niya sa harapan nitong dean na ‘to ‘tapos sabay kaming magka-cutting. Wala naman siyang nagagawa eh. Hindi rin naman niya kami mapatalsik. Nagkibit na lamang ako ng balikat habang si Savier ay nagpakita ng badge sa kaharap namin. “I’m Savier Choi from ZAFT and this is Cloud Heather, a Mafia first class. We’re here to ask you about Andy Marasigan regarding the Dark King murder crime.” Ang kaswal na ekspresyon ng Dean ay naging malungkot. Contrite. Na para bang maging siya’y nakikisimpatya sa nangyari sa k

