Chapter 16: ANG REBELASYON...!!!
Wala naman akong balak maki-alam sa kanila ate, pero mahirap ang walang alam. Ngayon ko na realize kong hindi ako nakarating dito, akala ko ok lang pero hindi. Mararanasan mo ang pag-tawanan kapag wala kang alam, personal man na buhay ito ni ate ang sakin lang baka maka-tulong pa ako.
"Ah kuya Lando..?" Tawag ko dito, hindi pa naman siya nakakalayo.
"Bakit Aidan.?" Tanong nito..
"Nais ko sanang maka-usap ka.." sabi ko dito na lumapit na siya sakin.
"Ano naman Aidan..?"
"Tungkol sa inyo ni ate.." pag-aalangan ko.
"Aidan..!!!" Sabay kaming napatingin sa tumawag sakin...si ate Ai, parang galit..
"......Uwi na..!!" Sigaw ulit nito...
"Sa susunod na lang siguro kuya, mainit nga talaga ang ulo ni ate..hehe." paalam ko dito.
"Sige, alam mo naman kong saan mo ako makikita.." umalis na ito..
"Diba sabi ko sayo wag kanang makipag lapit don..!!" Singhal na naman nito, bakit ba ang init ng ulo nito kay kuya Lando at pati ako ay nada-damay.
Hindi na lang ako sumagot, baka mas lalong magalit ito kapag nagtanong pa ako. Sumonod na lang ako sa pagpasok nito sa loob ng bahay, malalaman ko rin ang tungkol sa mga ito sa sarili kong paraan.
"Bukas nga pala ang rest day ng ate Laura mo, wag kang pasaway ha. Kung may gagawin siya dito sa bahay bukas sa taas ka lang, o kahit ano basta iwasan mo siya.." sabi nito na naghahanda na para sa hapunan namin..
Nagtataka ako sa sinabi ni ate, bakit ko iiwasan si ate Laura. Nag away ba sila? Bakit di ko man lang napansin, kaya ba mainit ang ulo nito? Isa pa ito sa mga naglalaro sa isip ko, anong meron din sa kanila..
"Bakit ate..?" Gusto kong malaman kong bakit ko iiwasan si ate Laura..
"Basta, sumunod ka na lang sa sinabi ko. Kunin mo na yong mga sinampay natin madali..!!" Galit na nga, umiiwas pa sa tanong ko..
Maaga kaming naghapunan, tapos maaga ring nagpahinga. Pagod ba talaga si ate? Hindi ko masabi,
Dahil sa maaga pa naman, 7pm ang nakita kong oras sa cellphone ko. Kaya lumabas ako sa kwarto, pagkatapat ko sa pinto nila ate dinikit ko ang aking tinga sa dingding ng pinto.
Wala akong ingay na narinig, baka tulog na si ate. Dahang dahan akong bumaba at lumabas na nang bahay, binaybay ang daan patungo sa tindahan nila Mie.
Malayo pa lang ako ay nakita ko na sila Mie at Lisa nakaupo sa tapat ng tindahan, mukhang nag-kaka-sayahan sila. Babalik na sana ako ng bahay ng makasalubong ko si kuya Lando, galing yata ito sa labasan dahil may dalang plastik bag.
"Oh Aidan, mabuti at nandito ka halika saluhan mo kami." Sumama na lang ako dahil sa nahihiya akong tumanggi.
"Anong meron kuya Lando.?" Tanong ko dito..
"Kakauwi lang ni tatay, galing Saudi kaya may konting salo-salo." Sagot nito at nakita na nila ako..
"Aidan dali.." tawag sakin ni Mie..
Tumabi ako dito, dahil madaldal na eh magaan kasama. Kulang sila ng isa, asan kaya si Janine..
"Wala yata si Janine, " tanong ko na kay Mie..
Nakita ko si kuya Lando na pumasok sa bahay nila.. "ah, nandito kanina pero umuwi na.." sagot nito..
"Bakit kayo nandito sa labas, sabi nang kuya mo dumating ang tatay ninyo diba dapat andon kayo sa loob.." sabi ko..
"May bisita si tatay sa loob, nag inuman na. Kaya dito muna kami,." Sagot ulit nito..
"Oh ito na ang pagkain at beer.." biglang sulpot ni kuya Lando sa gilid ko..
May dala nga itong kanin at ulam, tapos isang kahon ng beer na may lamang tatlong bute
"Iinum ka ulit kuya Lando..?" Sabi ko dito ng ilapad sa dulo ng upoan ang dala nito at doon na rin ito umopo..
"Oo naman, satin itong dalawang buti at sa kanila Lisa at Mie ang isa.." agad na sagot nito..
"Pero kuya kaka-inum lang natin kagabi,." Sagot ko.
"Isang bote lang yon Aidan,hehe.." sabi nito at kinuha na ang isang bote para buksan..
"Iinum din ba kayo Mie, Lisa.?" Tanong ko sa dalawa..
"Oo, bakit masama ba..?" Sagot ni Lisa at kinuha ang isang bote ng beer..
"Pero Ang babata niyo pa at mga babae pa kayo.." tama nga si ate, dapat nakinig ako sa kanya. Aktong tatayo na ako ng bigla silang nagtawanan.
"Bakit..?" Takang tanong ko..
"Nagbibiro lang ako Aidan, ako lang ang iinum. Kapag pinainum ko yang kapatid ko lagot ako kay tatay...hahaha.." ano daw..
Kaya umayos ako ng upo, tumigil na rin naman sila ng kaka-tawa..
"Ito Aidan kumain na lang kayo.." alok nito sakin, kumuha na rin ako ng kutsara at sabay nang nakikain sa dalawa.
"Kumusta na ang ate mo Dan.?" Biglag tanong nito, tumayo si Mie at tumabi kay Lisa kaya kaming dalawa na lang ni kuya Lando sa kabilang upoan..
"Ayon galit sakin, kuya ano ba talaga ang meron sa inyo...?" Di ko na natiis na tanungin siya, abala na naman kasi ang dalawa sa pagkain.
"Ang totoo niyan Dan, matagal na akong nanligaw sa ate mo. Akala ko kami na, pero bigla siyang nagalit sakin dahil nakita niya kami ng klasmyt kong babae na magkasama sa mall. Mula non hindi na ako pinansin o kausapin ng ate mo.." paliwanag nito sa tanong ko..
"Sa tingin mo ba may gusto sayo si ate?" Tanong ko ulit..
"Siguro, hindi ko alam. Nong mga panahon na magkasama kami eh mabait naman sakin ang ate mo, tinanggap niya ang panliligaw ko. Nito lang nakaraang buwan nagalit siya bigla dahil nga sa nakita niya.." sabi nito at tinungga ang isang baso na may lamang beer..
"Wala pa akong alam sa mga ganoong bagay kuya kaya wala akong masabi," sabi ko dito..
"Aidan di ka na kumain, tulongan mo naman kaming ubusin 'to.." Aya ni Mie.
Lumapit ako sa dalawa at kumain na rin, samantalang si kuya Lando ay tuloy-tuloy lang sa pag inum nito..
Pagkatapos nang kainan ay nagpaalam na ako sa tatlo baka nagising si ate eh mag alala pa yon kung bakit wala ako sa bahay..
Isang oras siguro ang inilagi ko sa kanila Mie, kaya nagmamadali akong umuwi. Mahirap na kapag nalaman ni ate na lumabas ako.
"Saan ka galing..!!" Ito agad ang bumungad sa akin pagkapasok ko sa bahay.. nandon siya sa sofa nanuod ng tv at may tasa sa mesa.
"Ah, may binili lang sa tindahan ate.." katwiran ko dito.
".....akyat na ako sa taas.." pagpapatuloy ko sa sinabi ko ng hindi ito sumagot, tuloy-tuloy lang ako sa hagdan na nakayuko..
"Isa siyang manloloko Aidan,.." biglang bigkas nito nang nasa paanan na ako ng hagdan..
Nilingon ko siya, at nakita ko sa kanyang mga mata ang sakit at lungkot..
"Halika.. may sasabihin ako sayo.." kaya lumapit ako dito at tumabi..
"Makikinig ako ate..." Ang tugon ko dito..
"Saan ba ako magsisimula,hehe ahmm...siguro mga pitong buwan na mula ngayon nang magkakilala kami ni Lando." Umpisa nito kaya naghintay lang ako, tumawa pa ito pero alam kong pilit lang ang pagtawa niya..
"Unang approach pa lang niya sakin ay natuwa ako, madaldal. Mapagbiro at mabait, tsaka gwapo hehe. Inamin niya agad sakin na may nararamdaman daw siya para sakin, hindi ako naniwala bunso pero iba ang sinasabi nito.." turo niya sa dibdib nito, alam kong ang puso nito ang tinutukoy niya.
"Nag paalam siya sakin na manliligaw siya, nag alangan ako bunso dahil minsan na rin akong nasaktan ng isang lalaki. Nakasakit pa ng iba, natakot ako.. kaya umabot ng limang buwan ang panliligaw niya sakin." Bakit umiiyak si ate..sa palagay ko may gusto siya kay kuya Lando, dahil kong wala bakit ito umiiyak..
"Natakot man ako, lahat yon nawala dahil sa kanya. Pinasaya niya ako kahit sa mga maliliit na bagay lang, palagi niya pa akong dinadalaw sa mall. Napakabait niya at gentleman, dahil don nahulog ang loob ko sa kanya..pero..." Huminto ito sa pagsasalita.
"Bakit ate...? Dahil ba sa nakita mo..?" Tanong ko agad dito..
Pero hindi siya sumagot sa tanong ko, bagkos tinitigan niya lang ako ng mariin.