Chapter 15: GUILTY....!!!!
"Aw.....ang sakit ng ulo ko..." Yon agad ang naramdaman ko pagkagising, sa tingin ko mataas na ang araw dahil sa mainit na dito sa kwarto ko..
Nandito na ako sa kwarto? Hindi ko man lang yon napansin, pansin kong iba na rin ang damit ko at wala akong pang-baba maliban sa brief ko.
Sino kaya ang nagdala sakin dito at nagpalit sakin ng damit, baka si ate Ai. Lagot na panigurado galit sakin si ate. Bakit ba naman kasi nadala ako sa mga kasama ko, si kuya Lando kasi eh..
Bumangon na ako at biglang higa ulit dahil umikot ang paningin ko at parang masusuka pa, hayyyst...kung alam ko lang na ganito ang epikto sakin ng alak di na sana ako uminom..
Pumikit na lang ako sa kama, baka maya-maya mawawala din ito. Medyo gumaan ang pakiramdam ko pero nandon parin ang sakit at pagkahilo ko ngunit makakaya ko na sigurong tumayo.
Dahan dahan ang ginawa kong pagbangon, hindi na ako nahilo kaya tuloy-tuloy na akong bumangon at kumuha ng short tapos bumaba na. Wala akong makitang tao sa baba, asan kaya si ate. Tumungo na lang ako sa kusina para makapag timpla ng kape, nahihilo na naman ako at masusuka.
Agad kong hinigop ang kape, "warkkk...p*tang-*na ang inittt..!!"
"Blag..tugs...!!!" Natapon ko ang kape,..
"Oh, anong nangyari..!!" Napalingon ako sa likod ko, andon si ate galing sa likod bahay. Naglalaba pala ito dahil may bula pa sa magkabilang kamay nito..
"Na-natapon ko ang kape ate..ma-mainit kasi...." Sagot ko..napa-hawak ako sa aking sintido dahil sumakit ulit ang ulo ko..
"Dapat tinawag mo ako para ako na ang gumawa, upo ka na dyan.." sabi ni ate at nilinis niya ang nagawa kong kalat sa sahig, tapos siya na ang nagtimpla ng kape..
"Bakit ka ba uminom ha..!?" Umpisa agad nito na pagka-bigay niya ng tasa sakin..
"I-isang baso lang naman ate.." mahinang sabi ko dito at napayuko..
"Eh ano kong isang baso, uminom ka pa rin.. hindi kita dinala dito para pasakitin ang ulo ko Aidan..!!" Bulyaw nito sakin..
"So-sorry na ate, promise hindi na ako iinum ulit.." takot na pagka-sabi ko..
"Wag kanang sumama sa kanila maliwanag..!! Lalo na don sa Landong yon naintindihan mo.!?" Malaki na talaga ang boses nito,
"O-opo ate.." tutol man ako sa gustong mangyari nito, sayang lang kasi dahil may bagong kakilala na ako dito mawawala pa..kaya sumagot ako dito ng nakayuko pa rin..
Napabuntong hininga ito, at tumayo na..
"Sorry bunso kong sinigawan na kita, nag aalala lang ako sayo.. sisisihin ko ang sarili ko kapag may mangyari sayong masama, ikaw na lang ang pamilya ko.." may pag alala na sa boses nito. At doon ako napatingin dito.. nakaka-awa ang mukha ni ate para itong iiyak..
"Sorry din ate, promise ko talaga di na ma-uulit yon.." lumapit na ako dito at niyakap siya..
"Ok, ubusin mo na yang kape mo at tulungan mo akong maglaba sa likod. Iniwan mo lang ang mga duming damit mo don.." sabi nito ng kumalas sa yakap ko..
"Salamat ate.." nakangiti kong sabi dito..
"Wag mo na lang ulitin yon bunso para wala tayong problima ok.." Tapik nito sa braso ko, tapos umalis na ito sa kusina.
Nage-guilty tuloy ako sa ginawa ko, walang may nagtulak sakin na uminom kagabi ako ang may kusa dahil gusto kong subukan. Sorry ate pinag alala pa kita, tama si Lolo masama talaga ang tumikim..
Nahimasmasan ako dahil sa kape, kahit merong panakanakang sakit sa sintido ko ay kaya ko naman. Sumonod na ako kay ate sa likod at naabutan ko itong nag-sasabon na.
"Ikaw na ang mag-banlaw,.." utos ni ate..sinunod ko naman,..
Madal kaming natapos ni ate Ai, kunti lang naman kasi ang labahan nito at sakin. Sabay pa kaming nag-sampay ni ate.
Halos magka sunod lang pala kami ni ate na gumising, na-puyat din kasi ito at dahil sa rest day rin niya. Sabay din kaming nagluto, napakabait talaga nang ate ko.
Pagkatapos naming kumain ay nagkanya kanya na kaming akyat sa taas para magpahinga muna dahil ipapasyal niya ako mamayang hapon.
***
Paano ako ma-kakatulog nito kong ma-ingay ang mga tao sa kabila, bakit kasi hindi na lang niya hiwalay-an ang asawa nito kong hindi na siya masaya na kasama ito..
Sarap lang sigaw-an, gago rin kasi ang lalaki hindi man lang marunong pa-unahin ang asawa nito para walang away..haayyy..!! Nakaka bad trip naman..
Kung sa hinaharap at nakapag asawa ako na kagaya sa kabilang bahay mas ora mismo lalayasan ko agad ito..
"Pwede ba Nick i-tikom mo yang bibig mo, pagod ako sa trabaho kailangan ko nang pahinga..!!" Inis na sagot nito sa asawa..
Ang linaw-linaw talaga sa pandinig ko, puyat ako kagabi at aalis kami mamaya ng kapatid ko tapos ito ang gagambala sa pagpapahinga ko.
"Bakit ha, Troy.!! Saan ka napagod? Ang aga mo ngang umuwi kagabi tapos ngayon pagod ka..!!?" Dada na naman ng asawa.. pwede bang patulogin muna nila ako..
"Isang linggo akong nagtrabaho, kaya pagod ako hindi mo ba alam ang salitang 'rest day..!!'..."
Rest day pala eh, bakit ang ingay nila, rest day ko rin ngayon... hindi ko na talaga kaya, kaya lumabas na ako sa kwarto at bumaba sa sala. Dito na lang ako magpapahinga, dahil kong pakikinggan ko ang bawat nga-nga nong dalawa baka pati ako ay makisali na rin..
May kataasan naman ang sofa at kaya sakto lang sa likod ko pero ang dalawa kong hita ay naka-ere kaya sa kabilang upoan ko na lang pinatong ito at doon maayos na akong pumikit at nagpahinga..
***
"Ate, hey...gising na.." bakit siya dito natulog, ganito pala kong matulog si ate. Nakanga-nga ang bibig at may tunog pa, tapos nakabukaka ang dalawang hita kita ko pa tuloy ang singit nito at panty.
Wala namang malisya sakin, kapatid ko siya. "Ate..hoy...!! Gising na aalis tayo ngayun diba..!!" Malakas na ang pagka yugyog ko dito at dumilat na ang mata nito..
"Hayy... Alam mo bang kakatulog ko lang..!!" Sagot nito at bumangon, masama yata ang timpla nito ngayon. Ano kaya ang nangyari..
"Ang pangit yata ng araw mo ate.. at bakit ba dito ka natulog..?" Tanong ko na dito..
"Eh, ang ingay kasi sa kabilang bahay. Gabi-gabi na lang at linggo-linggo, pati rest day ko dinamay pa nila.." sabi nito, kaya pala..
"Sino naman ate..?" Parang sila ate Nicky yata ang tinutukoy nito..
"Yang mag asawa sa kabilang apartment bunso, palagi na lang kasi silang nag aaway.." tumayo na ito at umakyat sa taas,.
"Ako na ang maunang maligo ate, dala ko na ang tuwalya ko.." sabi ko dito nang nasa hagdan na ito.
"Sige,.."umakyat na ito at pumasok na ako sa banyo..
***
Kakauwi lang namin galing sa pamamasyal ng may sumalobong kay ate, si kuya Lando.
"Ai, pwede ba tayong mag usap sandali.." sabi nito ng makalapit na samin at sumabay sa paglalakad.
"Noh, umalis ka na." Tanggi ni ate..
"Ayaw daw eh sumagot naman.." ani kuya Lando na nakangiti.
"Ayaw ko ngang makipag usap sayo..!!" Singhal na sabi ni ate at hinarap si kuya Lando,
Ano kaya ang meron sa dalawa kong mag-bangayan parang merong pinag-huhugutan. Naging sila kaya? Siguro..malalaman ko rin yon.
"Eh anong tawag diyan..hehe nakikipag usap kana.." inaasar ba niya si ate..
"Grrr...tara bunso.." hila sakin ni ate,
"Ai, sorry na.. mali naman kasi ang hinala mo eh..!!" Habol ni kuya Lando..nakikinig lang ako.
"Anong mali, nakita ko hindi ako bulag.. at tsaka hindi naman naging tayo kaya pwede ba wag kang umastang boyfriend ko na humihingi ng sorry..!!" Pagkasabi non umalis na ito at naiwan kami ni kuya Lando..
"Ai,.. sandali...!!" Pero hindi na ito nilingon pa ni ate, pati ako nakalimutan.
"Kuya Lando, hayaan niyo po si ate..pagod yon.." sabi ko na lang dito at sumonod na sa ate ko..
"Siguro tama ka, ahh Aidan..." Tawag sakin ni kuya Lando. Nilingon ko ito..
"Bakit po..?" Tanong ko..
"Ah wala...wala... Si-sige sundan mo na ang ate mo.."