“sino ba naman hindi magagalit sa ginawa mo bro, binigla mo ‘yung tao.” wika ni Stepen sabay tapik sa kaniyang braso. Dahilan upang maputol ang pag babalik tanaw niya
“oo nga bro, hindi biro ang ginawa mo sakaniya noon, tapos magigising nalang siyang isang araw kasal na pala kayo, samantala hindi mo manlang hinintay ‘yung araw na mapatawad kaniya. Binigla mo siya bro at nag padalos-dalos ka, kaya huwag kana mag taka kung bakit galit na galit siya sa’yo” wika ni Clark habang naiiling.
“at heto pa, kaya nagagalit sa’yo si Sam dahil ang buong akala niya ay asawa mona si Mica. Kaya dapat bago ka nag disisyon na asawahin ng biglaan si Sam. Dapat pinaliwanag mo muna sa kaniya ang totoo” ani ni Stepen, kaya napaisip siya kung tama ba ang ginawa niya. Masyado ba siyang nag padalos dalos? Eh ang gusto lang naman niya ay hindi na makakawala sa kaniya si Samantha
*
“Madam, alam na namin kung nasaan naka tira si Susan Gomez. At heto ang buong information niya” wika ng isang Agent at inilapag sa babasaging lamesa ang hawak nitong brown envelope.
“Good Pacardo, makaka alis kana” malamig na wika ni Donya Leonora Smith sa lalaki. Nang maka alis ang agent ay kinuha ng matanda ang Brown envelope at binasa iyon pagka tapos ay isa-isa niyang tinignan ang mga litratong naroon at duon ngaya’y nakita narin niya sawakas ang litrato ng nag-iisang apo niya.
Ang akala noon ng donya ay tuluyan na siyang hindi mag kakaroon ng apo kahit kailanman. Dahil may deperensya sa matris ang napang asawa ng kaniyang anak. at nang pumanaw na dahil sa brain cancer ang asawa ni Edwardo ay hindi na muli itong nag asawa pa. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ay meron pala itong lihim na pinapahanap.
Pagka tapos pumanaw ng kaniyang anak na si Edwardo, ay inasekaso kaagad ng donya ang pag hahanap sa taga pag-mana ng anak. Maging nang kaniyang mga yaman at ari-arian ay sa kaniyang nag iisang apo lamang niya iiwan. Dahil wala na si Edwardo na siyang mag maman.
kaya sa kaniyang grand-daughter niya iiwan ang lahat ng yaman nilang dalawa ng anak. laking tuwa niya nang malaman na meron pala siyang apo. Kaya lahat ng meron sa kanila ni Edwardo ay iiwan niya lahat para sa nag-iisang apo.
Unang larawan na kaniyang nakita ay dalawang batang babae na masyadong magka mukha at marahil ay iyon ang kambal na mga anak ni Susan at ang huling larawan na kaniyang nakita ay hindi mapigilan ng donya ang pangingilid ng kaniyang luha. Dahil ang huling larawan ay nakaka sigurado siyang ito na nga ang kaniyang apo.
Naka ngiting hinahaplos ni Leonora ang litrato ng magandang apo. Kahit hindi sabihin sa kaniya ay natitiyak niya na ang babaeng nasa laraaan ay ito ang kaniyang apo. Dahil para itong Female version ni Edwardo. Naka ngiti ang babae sa larawan kaya lumabas ang dalawa nitong malalim na dimple, ang singkit nitong mata na satingin niya ay sakaniya namana ng apo ang mata maging ang matangos nitong ilong.
“Gimmi ihanda mo ang kotse” saad ng donya nang pindutin niya ang intercom ng kaniyang Butler. Gusto na niyang makita si Samantha, gusto na niyang maka harap ang kaniyang apo
*
Nagising si Samantha nang maka rinig siya ng iilang katok mula sa pinto. Napa kunot nuo siya at tinignan ang pambisig na relo niya at nang makitang mahigit alas onse na pala ng gabi, ay hindi niya mapigilang mapa taas ng kilay. Nag tataka rin siya kung bakit naka tulog na pala siya sa sala, tsaka naman niya natampal ang sariling nuo ng ma-alala niya na naka tulugan na pala niya ang pag babasa. bagot na bagot siya kanina kaya naisipan niyang mag hanap ng babasahin sa library ng binata.
Tumayo siya at tinungo niya ang pinto upang mapag buksan kung sino man ang nasa labas
“Hi good evening are you Samantha?” wika ng isang lalaki habang akay sa kabilang braso ang lasing na lasing na binata.
“Oo, anong nangyare d’yan?” aniya, habang napa tingin kay Fritz na ngayon ay kumakanta na wala sa tono dahil sa sobrang kalasingan nito.
“nag paka lunod sa alak, puwede moba kaming papasukin? Ang bigat-bigat ng mokong na ‘to eh” wika naman ng isa pang lalaki na akay ang kanang braso ni Fritz.
Kilala niya ang dalawang lalaki na kasama ni Fritz at ito sina Stepen at Clark, ang matalik na kaibigan ni Fritz na laging kinukwento sa kaniya noon ng binata. Napansin niyang naningkit ang mata ni Clark habang naka titig ito sa kaniyang mukha. At upang itago ang pagka ilang niya sa titig ng lalaki ay niluwagan niya ang siwang ng pinto at umatras siya upang maka pasok ang tatlo
“Nang hihinayang, nang hihinayang ang puso ko. Sapiling ko‘y lumangoy kana...ayoko shana, na siya ay mawawala ma-mawawasak lamang ang aming mundo oh oh...Lumiko kaman ay maiiwan— haaayst where is my Samantha” lasing na wika ni Fritz habang patuloy parin ito sa pag kanta habang wala sa tono. At nag remix na ang kinakanta nito kaya diniya mapigilang mapa-ngiwi. Pagka tapos ilapag ng dalawang lalaki ang lasing na kaibigan sa mahabang sofa at kanina pa sila naririndi sa pangit na boses ni Fritz, para itong kambing na hirap na hirap sa pag ere
“salamat sa pag hatid sa kaniya” ani ni Samantha sa dalawa
“maliit na bagay—
Hindi na naituloy ni Stepen ang sasabihin ng mag salita ang kaibigan nito
“you looks familiar, nag kita naba tayo noon?” wika ni Clark, habang naniningkit parin ang mata nito.
“g*go ngayon lang natin siya naka meet, kahit lagi siya kinu-kwento saatin ni Fritz” ani ni Stepen at binatukan ang kaibigan.
“aray! Bakit kailangan pang mambatok, hindi nga bro parang nakita kona siya” pag pupumilit parin ni Clark, habang naka busangot ang mukha nito at hinihimas ang ulo nitong nabatukan
“Pardon Ms. Samantha, lasing na talaga ‘tong mokong na 'to, hindi na kami mag tatagal, dahil ihahatid kopa ang isang 'to” wika ni Stepen at hinakbayan na ang lasing na kaibigan.