“Si–sige mag-iingat ka'yo salamat ulit” ani ni Samantha at hinatid na sa pinto ang dalawa. Napa buntong hininga na lamang siya nang maisarado na niya ang pinto. tsaka humakbang pabalik kung nasaan ang kanina pang kumakanta na lalaki. Naka pikit ito habang kumakanta na wala sa tono, habang pina panuod niya ito ay hindi niya mapigilang mapa ngiti dahil mali na nga sa tono ay mali rin ang lyrics ng kinakanta nito
“Ang halik mo... my Samantha, namimis ko. bakit iniwan mo ako...” pag-awit ni Fritz, kaya kaagad na sumeryoso ang mukha ni Samantha
“tsss, tinatanong mo kung bakit kita iniwan? Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo? G*go ka kasi kaya kita iniwan” sagot ni Sam sa mga binibitawang awit ng lasing na lalaki na nasa kaniyang harapan.
“haayst bakit koba ‘to sinasagot, para naman akong tanga nito”mahinang bulong ni Sam sa kaniyang sarili. Pagka tapos ay tumalikod siya at nag tungo sa kusina upang kumuha ng maliit na palanggana na may maligamgam na tubig. Kahit galit siya sa lalaki ay hindi parin niya itong magawang tiisin
Nang makuha niya ang mga kailangan ay bumalik na siya sa sala kung nasaan si Fritz. Napaka laking lalaki ng binata kaya hindi niya ito kayang dalhin sa itaas kung nasaan ang kwarto nito. Kaya naman ay nilagay muna niya sa gilid ng lamesa ang maliit na palanggana na may lamang maligamgam na tubig. Tsaka siya pumunta sa kuwarto ng binata upang kumuha ng pamalit nito at maliit na bimbo upang gamitin sa pag punas sa katawan nito.
Kumakanta parin ang lalaki habang ito ay naka pikit, kaya napapailing na lamang siya at naupo sa tabi nito. Halos mapa hinto si Samantha sa kaniyang pag hinga nang makitang mag mulat ng mata si Fritz.
Namumungay ang mga mata nito habang naka tingin sa kaniya tsaka napa kunot nuo bago ito nag salita “si–sino ka? Kamukha mo ang Samantha ko” ani ng lalaki, kaya napairap na lamang ang dalaga at nang akmang hahawakan na niya ang botones ng polo shirt nito ay bigla na lamang pinalo ni Fritz ang kaniyang kamay
“a–anong ginagawa mo? Huwag mo akong hubaran.. Na–nakikita mo ito? I'm a married man with my Samantha, kaya huwag mo akong hahawakan. Baka magalit na naman ‘yun saakin” wika ng lalaki, habang napapa pikit na ang mga mata nito dahil sa kalasingan.
“Fritz, kailangan mong mag palit at pupunasan kita para maginhawaan ka—
Hindi na naituloy ni Samantha ang kaniyang sasabihin ng bigla na lamang huliin ng binata ang kaniyang kamay, tsaka ito nag salita at pinipilit lamang nitong imulat ang mata kahit halata namang gusto na nitong pumikit.
“kaboses morin ang Samantha ko, my lovely wife... Alam mobang pareho kayong maganda?” wika ng binata, tsaka ito ngumiti
Hindi naman mapigilan ni Samantha ang pamumula ng kaniyang pisngi dahil sa sinabi ng lalaki. Parang sirang plakang nag paulit-ulit sa kaniyang pandinig ang binanggit nitong Wife, my Lovely Wife
'Bakit, Fritz bakit mo sinasabi ang mga iyan? Mahal moba talaga ako or Minahal monga ba talaga ako?' wika ng kaniyang isipan.
“Ma–mahal na mahal ko ‘yun, siya lang ang babaeng minahal ko at minamahal ko. Kaso galit siya saakin, galit siya dahil g*go ako. Napaka g*go ko para sa–saktan siya nang ganoon. Nagawa ko sakaniya iyon, hindi para sa sarili ko. kundi para rin sa kaniya para.. Para hi–hindi na siya ma—
“ma—ma ano? ”kunot nuong tanong ni Samantha, gusto paniya marinig ang iba pang sasabihin ng lalaki. Subalit ganun na lamang ang pag simangot niya dahil nabitin siya sa iba panitong sasabihin, dahil tuluyan na itong naka tulog.
Napa buntong hininga na lamang si Samantha at inumpisahang hubarin ang suot na polo shirt ng binata. Nang matanggal na niya ang suot nito ay salit niyang tinitigan ang makisig na katawan ng dating nobyo. Ang katawan na labis niyang hinahangaan noon, katawan na lagi niyang minamasahe satwing nakikita niyang pagod na pagod ang lalaki. Katawan na minsan ng umangkin sa kaniya at ang katawan na dahilan kung bakit hanggang sa mga oras na iyon ay matinding kasabikan ang dumadaloy sa kaniyang sistema. Sobra niyang namis ang mga bisig nito, mga bisig kung saan lagi siyang kinukulong ni Fritz
“Samantha” sambit ng lalaki at nag patuloy na ito sa mahinang pag hilik. Nangilid naman ang mga luha ng dalaga dahil sa kaniyang narinig. Kahit pala sa pag tulog ay binabanggit parin ng lalaki ang kaniyang pangalan.
Habang pinupunasan niya ang katawan ni Fritz ay patuloy naman sa tahimik na pag luha ang dalaga.
Kahit ilang beses pa niyang itanggi sa kaniyang sarili ay hindi parin mababago ang katotohanang napaka lakas parin ng epekto ni Fritz sa kaniya.
'Hindi, hindi puwedeng mangyare ‘to, dapat hindi ako maapektuhan ng mga simabi niya. Lasing lang siya, oo tama lasing lang siya' wika ng kaniyang isipan
Kina umagahan, maagang nagising si Samantha, dahil naka sanayan na niya ang pag-gising ng alas singko nang umaga, upang mag handa ng almusal. Pagka tapos gawin ni Samantha ang morning routine niya sa pagka gising ay nag tungo kaagad siya ng kusina. dahil naalala niyang hindi papala siya kumakain mula kahapon at kagabi. Hinintay niya ang pag-uwi ni Fritz, upang ito ay kausapin. Subalit umuwi naman itong lasing kagabi, kaya naka ligtaan na niya ang kumain bago matulog. Pagka tapos niyang punasan ang katawan ng lalaki kagabi ay pinalitan narin niya ito ng komportableng suot, tsaka ito iniwan at lumipat siya sa kabilang kwarto.
Mahigit alasyete na ng umaga ay hindi parin nagigising si Fritz, kaya napag disisyunan na niyang mauna nang kumain dahil gutom na gutom na talaga siya.
Napaka tahimik ng buong paligid at tanging tunog lamang ng kubyertos na gamit niya sa pagkain ang nag sisilbing ingay sa malaking bahay na iyon. Hindi paman nakaka lahati ni Samantha ang kaniyang pagkain ng maka rinig siya ng pag doorbell.
Humigop muna siya ng kape bago bumuntong hininga at tinungo ang pinto upang mapag buksan ang nasa labas
“haayst umagang-umaga” naiinis niyang bulong bago pinihit ang siradura ng pinto. Akmang ibubuka na sana niya ang kaniyang bibig, subalit kaagad rin iyon napa tikom ng mapag sino ang taong kumakatok. Hindi isa, kundi dalawang babae ang nasa harapan niya. At hindi siya puwedeng mag kamali dahil kahit isang beses pa lamang niya nakita ang isang babae na kasama ng isang ginang ay natatandaan niya ito. Walang iba kundi si Mica ang babaeng asawa ni Fritz na ipinag palit sa kaniya ng lalaki.
Parang nalunok ni Samantha ang kaniyang dila dahil sa labis na pagka bigla lalo na‘t hindi ito nag-iisa. dahil kasama ng babae ang ina ni Fritz na si Madam Farah Aguilar. Sa isiping asawa ni Fritz si Mica ay hindi niya alam kung paano mag sasalita gayung naroroon siya sa bahay ng lalaki
“ kilala kita, what are you doing here” mapanganib ang tonong wika ni Mica sa kaniya, habang nag tatagis ang bagang nito at nanlilisik ang mga matang naka tingin sa kaniya. Habang ang kasama nitong ginang ay nanatiling seryoso lamang ang expression ng mukha nito.
Hindi niya alam kung paano mag sasalita o sasagutin ang tanong sa kaniya ni Mica. Hanggang sa bigla na lamang siya nitong itulak dahilan upang bumagsak ang pang upo niya sa sahig.
“aray! ”daing niya, dahil napa lakas ang pag tumba niya.
Habang ang dalawa naman ay tuloy-tuloy sa pag pasok at hindi na napigilan ni Samantha ang mapa sigaw ng malakas lalo na nang sinadyang tapakan ni Mica ang kaniyang kamay. At dahil naka heels ito ng six inches ay halos bumaon iyon sa kaniyang palad. Naluha narin siya dahil sa sobrang sakit lalo na ng makitang dumugo ang kaniyang palad. Pakiramdam ni Samantha ay parang pinako ng biglaan ang kaniyang palad sa matigas na bagay.
Nangi-nginig ang kaniyang kanang kamay dahil sa sobrang sakit at halos gusto na niyang pumikit nalang upang hindi niya makita ang maraming dugo sa kaniyang palad.
“tatanga-tanga kasi, nasaan si Fritz at bakit ka nandito?” ani ni Mica, habang naka taas ang kaliwang kilay nito.
Sa isip ni Samantha ay asawa ni Fritz ang babae kaya naiintindihan niya ito, kung bakit ito nagagalit sa kaniya. Kaya hindi niya gustong labanan ito, kaya nanatili na lamang siyang tahimik na umiiyak. Dahil sa sobrang sakit ng kaniyang kamay
“Tita, kaya siguro hindi na nag papakita saakin si Fritz dahil may ibang babae na pala itong binabahay. At punyeta ang dating girlfriend paniya ha” ani ni Mica sa ginang, tsaka binalingan siya ng nakaka diring tingin ng babae.
Pinilit tumayo ni Samantha, habang nangi-nginig parin ang kaniyang kamay at patuloy sa pag durugo iyon. Hindi paman siya nakaka tayo ng maayos ng bigla siyang nilapitan ni Mica at hinawakan ng mahigpit ang kaniyang buhok. Gusto niyang ilayo ang kaniyang ulo sa babae at alisin ang kamay nitong naka sabunot sa kaniya. subalit hindi niya magawa dahil sobrang sakit ng kaniyang palad.
“aray tama na!, wala akong ginagawang masama—
“wala? Halos hindi na nag papakita saakin si Fritz, dahil may isang haliparot pala siyang tinatago dito!” gigil na wika ni Mica habang patuloy parin ito sa pag sabunot sa buhok ni Samantha. At nang mapagod ay malakas nitong itinulak ang umiiyak na si Samantha at dahil sa sobrang lakas ng pag tulak ni Mica at sa mahinang katawan ni Samantha ay tumama ang kaniyang ulo sa gilid ng lamesa. Dahilan upang siya ay tuluyang mang hina at bago paman maipikit ni Samantha ang kaniyang mata ay nakita paniyang sinampal ni Fritz si Mica
“Samantha!—D*mn you Mica! Mag dasal kana dahil oras na may mangyare sa kaniya papatayin kita!”malakas at galit na sabi ni Fritz ang huling narinig ni Samantha bago siya tuluyang mawalan ng malay.