CHAPTER 12

1740 Words
ISANG malakas na sampal ang pinakawalan ni Fritz sa pisngi ni Mica. Dahil sa sobrang galit at pagka gulat sa kaniyang nakita. kung paano sinaktan ng babae si Samantha. Kaya nakalimutan niyang babae parin si Mica. Kaninang natutulog siya ay bigla na lamang siyang nagising dahil sa malakas na pag sigaw, kilalang-kilala niya ang may-ari ng sigaw na iyon. Kaya sa sobrang pag-aalala na baka kung napano si Samantha ay mabilis siyang bumangon at patakbong lumabas ng kuwarto. Kahit sobrang sakit parin ng ulo niya dulot ng hangover Pagka baba pa lamang niya ng hagdan ay halos mag dilim ang kaniyang paningin, nang makitang sinasabunutan ni Mica si Samantha. pagkatapos ay malakas nitong itinulak ang umiiyak na babae at Kitang-kita rin niya kung paano tumama ang ulo ni Samantha sa gilid ng lamesa. “Samantha!”malakas na tawag niya sa pangalan ng babaeng mahal. Nakita niyang nanlaki ang mga mata ng kaniyang ina lalo na si Mica, subalit ayaw muna niyang harapin ang dalawa dahil si Samantha ang inaalala niya. Kaya nang akmang lalapitan na sana siya ni Mica ay isang malakas na sampal ang pinakawalan niya sa pisngi ng babae. Kahit anong pigil niya sa kaniyang sa sarili na huwag itong saktan, ay hindi na niya napigilan pa lalo na nang makita niya ang maraming dugo sa palad ni Samantha. Natigilan at gulat na gulat naman si Mica sa ginawa ng lalaki, hindi niya akalain na nagawa siyang saktan ni Fritz ng physical “D*mn you Mica! Mag dasal kana. dahil oras na may mangyare sa kaniya ay mapapatay kita!” tiim bagang na sigaw ni Fritz sa babae, dahilan upang ito ay mamutla at matigilan. “Fritz anak— “umalis na kayo! Sa pamamahay ko” ani nang binata habang hindi naka tingin sa dalawa. Kaagad niyang binuhat si Samantha at nag madaling isinakay ito sa kotse. At pina harurot iyon, dahil sa takot na kung mapano ang asawa Nang maka rating sa malapit na hospital ay kaagad na binuhat ni Fritz ang wala paring malay na si Samantha. Hindi niya alintana ang mga matang naka tingin sa kaniya dahil kay Samantha lamang ang buong atensyon niya. Nag palakad lakad siya sa labas ng Emergency room at hindi rin nag tagal ay lumabas narin ang babaeng doctor na umasekaso kay Samantha. Kaya kaagad itong nilapitan ni Fritz at nangi-nginig ang kaniyang boses ng tanungin niya ang doktora “Doc! Kamusta ang asawa ko?” nag aalalang tanong niya sa babae, subalit bago ito sumagot ay tinignan muna siya nito mula ulo hanggang paa. Bago tumikhim at namumula ang mga pisngi nito bago sumagot. “maayos na siya, wala naman napinsala sa loob, maliban sa natamo niyang maliit na sugat sa kaniyang ulo. Mabuti na lamang ay naagapan siyang dalhin dito. kundi ay posibleng magka roon siya ng Brain Damage o internal bleeding sa kaniyang utak” marami pang sinabi ang doktora, pero ang mahalaga lamang sa kaniya ay ang unang binanggit nitong maayos na si Samantha. Pagka tapos niyang mag pasalamat sa Doktora ay umalis narin ito sa kaniyang harapan. Kaya nang mapansin niyang mag-isa na lamang siya ay napa tingin siya sa kaniyang sarili. dahil nag tataka siya kung bakit ganuon na lamang mamula ang pisngi ng babae ng pasadahan siya nito ng tingin. At kanina pa niya napapansin na pinag titinginan siya, aminado namang guwapo at hunk siya. Pero ang lantarang pamumula ng mga babae habang naka tingin sa kaniya ay parang may ibang pahiwatig ang mga mata ng mga ito. “Sh*t! ” mura niya, nang makita niya ang kaniyang sarili na naka suot lamang ng Kulay puting manipis na sando, habang siya ay naka Boxer short lamang. At walang sapin sa paa Sa sobrang pag mamadali niya kanina ay hindi na niya napansin ang kaniyang kasuotan at nakalimutan narin niyang mag suot ng kahit na anong pang sapin sa paa. Kaya ngayon ay hindi na siya mag tataka kung bakit napaka raming kababaihan na napapatingin sa kaniya, habang namumula rin ang mga pisngi ng mga ito dahil sa kilig. Isang Fritz Aguilar, isang famous handsome business man ay nakitang naka Boxer short sa loob ng hospital. * Samantala sa kabilang dako naman ay huminto ang kulay itim na magarang limousine sa tapat ng luma at may kaliitang bahay, kung saan naka tira si Samantha Nag tatawanan naman, ang dalawang kambal habang masayang nag kukwento ang mga ito sa kanilang ina, nang biglang may kumatok sa kanilang pinto kaya nagka tinginan ang mag-kapatid “buksan niyo, baka ang ate Samantha niyo na ‘yan” mahinang wika ni Susan sa dalawa “ako na” pag prisinta ni Mira at tinungo na ang pinto. Sa pag aakala na ang ate Samantha niya ang nasa labas, ay hinanda ni Mira ang matamis na ngiti upang salubungin ng magandang balita ang kaniyang ate. Subalit nang mabuksan nito ang pinto ay kaagad rin nawala ang ngiting naka paskil sa labi ng dalagita at napalitan ng pag tataka ang mukha nito. Isang naka ngiting matandang babae ang napag buksan ni Mira. habang may mga walong bodyguards naman sa likod ng matanda “si–sino ho sila? ”magalang na wika ni Mira “anak sino ‘yan? Ang ate Samantha mona ba ‘yan?” ani ni Susan, nang mapansin na hindi parin bumabalik ang anak. “hindi po Nay” tugon ni Mira, kaya tumayo narin si Mara upang puntahan ang kakambal “sino po sila?” magalang na wika ni Mara ng makitang hindi ang ate nila ang dumating. kundi isang matandang babae “nand'yan ba ang nanay Susan niyo? Sabihin niyong nandito si Mrs Smith” malumanay ang boses na wika ng matanda sa dalawang bata. Kaagad namang tumalima si Mara at bumalik sa kuwarto nang ina. Upang sabihin kung sino ang nasa labas. “Nanay hindi po si Ate ang dumating” “kung hindi ang ate mo sino? Si Calla ba?” kunot-nuong wika ni Susan. Umiling naman si Mara bago sinagot ang ina “hindi po Nay, Mrs Smith raw po” Buhat sa narinig ay biglang napa singhap si Susan at kahit nang hihina ang buong katawan, ay pinilit nitong bumangot kaya kaagad itong tinulungan nang anak. “pa–papasukin niyo” garalgal ang boses na wika ni Susan sa anak na kaagad namang sinabi ni Mara. Malakas ang pag kakasabi niya, sapat lang upang marinig ng kakambal nito. “tuloy napo ka‘yo” wika ni Mira at tumagilid upang bigyan ng daan ang hinding nakikilalang bisita Nang maka pasok ang Donya sa maliit na bahay na iyon, ay kaagad na niyang nakita si Susan na naka upo sa wheelchair nito. Kitang-kita ng Donya ang pag hihirap ni Susan, nalaman rin niyang may malubhang sakit ito ayun narin sa nabasa niyang information tungkol sa babae “Donya Leonora” naluluhang sambit ni Susan sa matanda, na aalala pa niya kung gaano kabait sa kaniya ang buong pamilya ng Smith. Ito rin ang nag paaral sa kaniya at tumulong upang mabawi niya ang lupain ng kaniyang namayapang ama. Mahigit limang tao siyang nanilbihan bilang labandera sa pamilya Smith, hanggang sa nakilala niya ang nag-iisang anak ng mga Smith na si Edwardo. na nag mula pa sa London at iyon ang unang beses na makita niya ang binata. Mula pa noon ay sobrang gustong-gusto na ni Susan ang anak ng kaniyang amo, kahit sa larawan lamang niya ito nakikita. kaya kahit alam niyang may nobya na ito ay sinad'ya parin niyang ilapit ang kaniyang sarili kay Edwardo. Hanggang sa may mangyari na sa kanila at naging magka relasyon sila sa loob ng apat na buwan. Walang ibang nakaka alam sa patago nilang relasyon at patuloy parin niyang pinapaubaya ang kaniyang sarili sa lalaki. Kahit alam niyang may-iba itong mahal. At dahil bulag si Susan sa pag mamahal niya sa lalaki, ay hinayaan niyang mag pagamit parin dito. Hanggang sa mag bunga ang kanilang lihim na relasyon at huli na ang lahat sa kanila. dahil sa araw ng pag amin niyang buntis siya ay iyon rin ang araw ng kasal ni Edwardo sa babaeng tunay nitong minamahal. “Susan kamusta kana? ” wika ng Donya. Dahilan upang matigil sa pag babalik tanaw si Susan mula sa nakaraan. “eto ho, lumalaban parin” tugon ni Susan at pinilit na ngumiti. Hindi niya alam kung bakit naroroon ang donya. May hinala na siya at kung tama man ang iniisip niya ay mas lalong matutuwa siya para sa kaniyang panganay na anak. “Susan, hindi na ako mag papaligoy-ligoy pa. May nabanggit saakin si Edwardo, ilang araw ang lumipas bago siya pumanaw. alam mona ang ibig kong sabihin Susan. Napa rito ako para makilala siya” wika ng Donya. Napapaluhang tumatango na lamang si Susan, kahit nagulat siya sa narinig na wala na si Edwardo ay hindi niya ipina halata sa Donya. Pinahid muna niya ang kaniyang mga luha bago hinarap ang mga mata ng matanda “kaya kaba umalis ng mansyon, dahil pinag bubuntis mo ang unang apo ko? ” ani ng donya Umiling naman si Susan bago pilit na ngumiti “Samantha ho ang pangalan niya, umalis po ako dahil ayaw kong maka gulo, huli kona kasing nalaman na buntis ako at sa araw pa ng kasal ni Edwardo” sagot ni Susan at tumigil muna sa pag sasalita dahil lumapit ang dalawang kambal na may dalang inumin at tinapay. Nang maka alis na ang kambal ay pinahid niya ang isang luhang dumaan sa kaniyang pisngi tsaka nag patuloy. “kina lulungkot ko hong sabihin Donya Leonora, wala pa ho si Samantha, hindi parin siya nakakauwi mula kahapon. Kaya na-aalala narin ako sa batang ‘yun” ani ni Susan, kaya napa tango na lamang ang matanda Samantala gigil na gigil si Mica habang pinag babato niya ang mga kagamitan sa loob ng kaniyang kwarto. Galit na galit siya lalo na‘t first-time niyang mapag buhatan ng kamay. “ahhh! Mag babayad ka Fritz sa lahat ng kahihiyan at pasakit na ginawa mo saakin!” malakas na sigaw ni Mica, habang namumula na dahil sa sobrang galit. Dinampot niya ang kaniyang Cellphone na naka lagay sa ibabaw ng kaniyang kama at tinawagan ang isa sa mga tauhan niya. “Hello, Marlon may ipapagawa ako sa inyo!” ani ni Mica sa kausap at dahil sa sobrang galit ay hindi na niya pinag-iisipan ang kaniyang kilos at masamang balak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD