CHAPTER 13

1079 Words
Habang sa Santa Cruz Hospital naman ay nagising si Samantha, dahil naramdaman niyang may humahaplos sa kaniyang pisngi Dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mata at ang guwapong mukha kaagad ni Fritz ang una niyang nasilayan. Saglit silang nagka-titigan nang mag tama ang kanilang mga mata. Ilang minuto rin ang tinagal ng titigan na iyon. Hanggang sa siya na ang unang bumawi ng tingin, dahil hindi niya kayang basahin ang mga pinag halong emosyon sa mga mata ng lalaki. Nilibot niya ang kaniyang paningin at napansin niyang nasa hospital siya. “Fritz anong–aray!” biglang daing niya ng akmang ikukuyom na sana niya ang kaniyang kamao. Subalit nang maalala niya ang malalim na sugat sa kaniyang palad ay kaagad niyang tinignan ang kamay niya. Na naka balot iyon ng kulay puti, kaya pala hindi niya maigalaw ng maayos ang kaniyang kamay. “Fritz, gu–gusto konang umuwi. Anong oras na nag-aalala na saakin si Nanay at ng mga kapatid ko” malamig na wika ni Samantha habang hindi naka tingin sa lalaki. “sige, ihahatid kita— “hindi na kailangan, ipahatid mo nalang ako sa tauhan mo” putol ni Sam sa sasabihin ng lalaki, ayaw na niyang guluhin pa siya ni Mica at mas lalong magagalit sa kaniya ang babae kapag naka rating pa dito na nag pahatid siya kay Fritz “No, sa ayaw at sa gusto mo ako ang mag hahatid sa‘yo kung gusto mong umuwi sa inyo. Kung tatanggi ka ay sa bahay ko tayo uuwi” ani ng lalaki, kaya binalingan niya ito ng matalim na tingin at walang nagawa kundi ang sumunod nalang sa sinasabi nito. Gusto muna ayusin ni Fritz ang gulo sa kanila ni Mica at sa kaniyang mga magulang, kaya pumayag siya sa gusto ni Samantha na umuwi muna ito. lalo na‘t napag isip-isip rin niya, ang mga sinabi sa kaniya ng mga kaibigan kagabi. Siguro nga tama ang mga ito, dahil sa padalos dalos niyang disisyon kaya nagagalit sa kaniya si Samantha. Susuyuin parin niya ang babae pero hindi na niya idadaan sa puwersahan dahil ayaw niyang mas lalo siyang kamuhian ng babaeng mahal niya. Pagka tapos sabihin ng doctor na puwede ng lumabas si Samantha ay inayos muna ni Fritz ang bill nila sa hospital. Pagka tapos ay naka alalay parin siya kay Samantha hanggang sa maka sakay ito sa kaniyang kotse. “Sam” basag ni Fritz sa katahimikan na namamayani sa kanila, habang sila ay nasa biyahe na. “ummm? ”paungol na tugon nito “I'm sorry sa nangyareng gulo kanina— “tapos na ‘yon” malamig na wika ni Samantha “kung gusto mong gawin akong kabit mo, sorry pero hindi ko pinangarap ‘yan. At lalong ayaw ko ng gulo Fritz, napaka tahimik na ng buhay ko...Kaya sana hindi na ulit mangyare iyon. Kausapin morin si Mica at sabihin mo sa kaniyang wala tayong relasyon—aray ano ba?! Gusto mobang mag paka-matay? ”inis na ani ni Samantha at bigla na lamang siya kamuntikang mapa subsob, dahil bigla na lamang hininto ni Fritz ang sasakiyan. Mabuti nalamang ay naka pag seatbelt siya, kundi ay tumilapon na sana siya sa harapan dahil sa biglaang pag preno ng lalaki. “f*ck! Ano bang pinag sasabi mo Samantha? Ikaw lang ang asawa ko at mag asawa na ta'yo. Kaya walang dahilan para sabihin mo ang mga ‘yan. You are not my mistress Samantha, dahil Asawa kita!” tiim bagang na wika ni Fritz at napa palo pa ito sa manibela. Kung ganon ay tama nga si Clark, iniisip ni Samantha na mag-asawa sila ni Mica at hindi iyon totoo dahil hindi natuloy ang kasal nila noon ni Mica Flashback “Fritz, oh my god! Anong ginagawa mo? itapon monga ‘yan, malapit na mag simula ang kasal, dapat nasa loob kana.” wika ng pinsan niyang si Patricia at inagaw ang hawak niyang beer cans at itinapon iyon sa malapit na basurahan Sa araw ng kaniyang kasal ay labing isang cans beer na ang naubos niya at mula pa kagabi ay nag pagka lunod na siya sa alak. Hindi niya matanggap sa kaniyang sarili na ikakasal na siya sa babaeng hindi niya mahal. Nangako siya sa kaniyang sarili lalong-lalo na kay Samantha, na ito lamang ang nag-iisang babae na ihaharap niya sa altar at pinapangarap niyang makasama at maging-ina ng kaniyang magiging anak. At hindi si Mica iyon “sigurado kabang kaya mo?” nag aalalang wika ni Patricia. Ngumiti siya ng mapait kasabay ng pag tulo ng kaniyang luha at para siyang kawawang paslit na gustong mag pasaklolo sa kaniyang pinsan. “ka-kaya ko” mahina niyang tugon at pinahid ang kaniyang mga luha “sh*t anong klaseng amoy ‘yan bro, ang lakas ng amoy ng alak, nag pagka lasing kana naman ba?” mahinang wika ni Stepen ang ang siyang bestman niya, Napapangiwi pa ito dahil sa kaniyang amoy. Habang nasa loob na sila ng simbahan at hinihintay ang pag lapit ni Mica. Naka ngiti ito sa lahat at mukhang napaka saya nito sa kanilang kasal Habang hindi naman mapakali si Fritz dahil pakiramdam niya ay babaliktad na ang kaniyang sikmura at namalayan na lamang niya na nasa harapan na pala niya si Mica kasama ang mga magulang nito. “please alagaan at ingatan mo ang unica iha ko ” wika ni Mr Alvararo, bago binigay ang kamay ni Mica sa kaniya Habang nasa harapan na sila ng altar at nag sisimula palang mag salita ang pastor ng bigla na lamang lumabas ang kanina pang pinipigilan ni Fritz. Sa harapan ng lahat ng taong naroroon ay kitang-kita ng lahat kung paano sukaan ni Fritz ang wedding gown ni Mica. “oh my god!” halos mag kakasabay na sabi ng ilang mga bisita. At napa singhap ang lahat dahil sa nangyareng iyon. “Fritz hon, what's wrong with you? ” nangi-ngilid ang mga luhang wika ni Mica dahil sa labis na kahihiyan, habang naka titig sa mapapang asawa nito na kasalukuyang nag pupunas ng bibig at halatang nang hihina na ito dahil sa dami ng naisuka nito. “I–I'm sorry Mica, I'm really sorry hindi ko gustong ipa hiya ka at sirain ang araw na ito. I'm sorry pero hindi ko kayang mag pakasal sa‘yo. I love Samantha” nang hihinang wika ni Fritz at pinilit ang sariling ihakbang ang mga paa palabas ng simbahan End of Flashback
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD