“Ewan ko saiyo, umiral na naman ang kasinungalingan mo”mahinang bulong ni Samantha at inirapan na lamang ang katabi, kahit ano pa ang sabihin sa kaniya ni Fritz ay hindi na niya ito papaniwalaan at hindi na siya mag titiwala pa dito. Tama na ang minsang napaniwala siya nito noon at hindi nayun mauulit pa.
Habang nasa biyahe ay muling nakaka binging katahimikan ang namayani sa kanila. Hanggang sa si Fritz muli ang bumasag sa katahimikan
“nasa backseat ang bag mo”
Buhat sa narinig ay nilingon ni Samantha ang katabi at tinaasan niya ito ng kilay
“ano kamo?” paninigurado niya.
“ang bag mo nasa backseat” pag-uulit ng lalaki pagka tapos nitong bumuntong hininga
Kaagad naman kumilos si Samantha at inabot ang kaniyang sling bag upang kunin ang kaniyang Cellphone at sa isiping hinahanap siya ng kaniyang anak ay inaasahan na niyang tatadtarin siya ng maraming mensahe mula sa kaniyang kaibigan. At hindi nga siya nagka mali. Pag open pa lamang niya ng kaniyang cellphone ay sunod-sunod na text messages at missed calls galing sa kaniyang kapatid na si Mira at sa kaniyang matalik na kaibigan na si Calla ang natanggap niya.
Nawala na sa isip niyang katabi pala niya si Fritz, dahil naka focus ang kaniyang atensyon sa hawak na aparato at si Samara lamang ang naiisip niya. kaya habang naka tutok siya sa kaniyang cellphone ay hindi na niya napapansin ang pasimpleng pag tingin ng lalaki sa kaniyang Cellphone
Naisipan ni Samantha na unang tawagan ang kaibigan, upang kamustahin ang kaniyang anak. dalawang ring palamang ay kaagad ng sumagot sa kabilang linya
“Jusmiyo! Bruha ka, bakit ngayon kalang? Bakit hindi ka namin makontak gaga, nahirapan akong mag patulog kay Samara. Ayaw matulog hanggat hindi naririnig ang boses mo. tsaka sobrang alalang-alala kami sa’yo. Tumawag kana ba sa mga kapatid mo?” mahabang litanya ni Calla ng sagutin nito ang tawag.
“pasensya kana Calla, e kukwento ko sa‘yo mamaya—
Hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin nang marinig niya ang boses ng kaniyang anak sa kabilang linya
“Ninang si Nanay ko po ba ‘yan?” matinis na boses ni Samara. ang narinig niya sa kabilang linya dahilan upang siya ay mapangiti
“Oo, Samara”rinig niyang tugon ng kaibigan at ilang sandali lamang ay narinig na niya ang malambing na boses ng kaniyang anak.
“Nanay ko” masiglang sabi nito.
“Hi baby ko, kumain kana ba? Anong ginawa ng baby ko?”malambing niyang tugon sa kaniyang anak
“katatapos kulang po Nanay, bago lang po kami naka uwi ni Ninang at kumain po kami sa Mall, good girl po ako Nanay kaya dapat po meron po akong gift pag uwi mo” magalang at bibong wika ng kaniyang anak
“ano bang gusto ng baby ko?—ano ba Fritz dahan-dahan lang ang cellphone ko—Hoy! Akin na ‘yan” inis na sabi ni Samantha at pilit inaagaw sa kanag nito ang kaniyang Cellphone. Subalit ibinulsa lamang iyon ni Fritz at bigla na lamang nito binilisan ang takbo ng sasak'yan.
Kitang-kita niya ang pag tiim bagang ng lalaki at ang mahigpit na pag hawak nito sa manibela. tsaka lamang niya naalala na kausap pala niya ang kaniyang anak.
“ano ba Fritz! Akin na ‘yan, kailangan kopang maka usap si Calla” aniya at hindi na niya napigilang pag taasan ito ng boses.
“Si Calla lang ha” ani ng lalaki habang naka taas ang kilay nito.
“tssss pakealam moba? Akin nanga, hindi mo ako inuwi kahapon kaya kailangan kong maka usap si Calla” naiinis na sabi ni Samantha at pinukol nang matalim na tingin ang lalaki
Kaya napa buntong hininga na lamang si Fritz, dahil ayaw niyang mas lalong magalit ito sa kaniya. Kaya naman ay inilabas muli niya ang Cellphone ni Samantha at inabot iyon sa babae na kaagad naman nitong kinuha tsaka napa buntong hininga nang makita nitong naka patay na ang tawag. Kaya tinawagan ulit ni Sam ang numero ng kaibigan at sa isang ring lamang ay sumagot na kaagad ang nasa linya.
“Nanay” tawag ng kaniyang anak
“baby bukas nalang ako pupunta d’yan ha, mag paka bait ka d’yan I Love you” paalam niya sa kaniyang anak
“opo Nanay, super miss na miss napo kita I Love you too Nanay ko” malambing na tugon ng anak. Kakausapin pa sana niya si Calla upang sabihin dito na bukas nalang niya susunduin ang kaniyang anak. Subalit hindi na niya naka usap ang kaniyang kaibigan ng bigla na lamang hablutin ni Fritz ang kaniyang Cellphone
“sinong baby mo, Boyfriend moba? May pa I love you kapang nalalaman. Ano siya sanggol para tawagin mong baby!” galit na sabi ni Fritz, habang naka tuon parin ang pansin sa harap
“Bakit ba? At ano bang pakealam mo kung boyfriend konga ang kausap ko—
“F*ck! Mag-asawa na ta'yo Samantha, Akin kalang kaya tigilan mona ang pakiki pag usap mo d’yan sa lintik mong boyfriend”
“huwag mo akong minumura Fritz! Hindi kita asawa at Hinding-hindi tayo magiging mag-asawa si Mica ang asawa mo!” sagot niya sa lalaki dahilan upang matahimik ito.
“oh bakit na naman tayo huminto? ” nag tatakang wika ni Samantha, dahil bigla na lamang itinabi ng lalaki ang sasakiyan sa gilid ng kalsada
“we need to talk right now, right here ” seryosong ani ng lalaki habang hindi naka tingin kay Samantha
“puwes sabihin mona! Dahil kanina pa tayo pahinto-hinto” naiiritang tugon ng dalaga.
“Hindi ko asawa si Mica, hindi kami kinasal” mahinang wika ni Fritz sapat lang upang marinig ng katabi.
Napanganga naman si Samantha sa kaniyang narinig, gusto niyang maka siguradong hindi totoo ang sinabi nito pero hindi niya alam kung paano. Ngunit nasa kasuluk-sulukan ng kaniyang puso ay umaasam na sana totoo ang sinabi nito. Hanggang sa mapadako ang kaniyang mata sa kamay ng lalaki. Meron itong suot na wedding ring kaya ang kaninang bahagi ng kaniyang puso na umaasa ay naka ramdam ng pagka dismaya. Dahil sa kaniyang nakita, Naisip niyang muli na namang nag sinungaling si Fritz sa kaniya
“tsss sinungaling” mahinang sagot niya
“I'm telling the truth Sam, hindi ko siya asawa, dahil ikaw lang ang asawa ko—
“Puwede ba Fritz tama na! hindi mona ako maloloko pa, hindi madali saakin paniwalaan ka. dahil minsan kanang nag sinungaling saakin” ani ni Samantha at sobrang inis na inis na siya sa lalaki dahil pinag pipilitan talaga nitong asawa siya nito at hindi nito asawa si Mica
“D*mn may rason ako, kung bakit ko nagawa ang mga iyon sa'yo noon. Hindi ko sinira ang pangako ko sa'yo. na ikaw lang ang babaeng papakasalan ko. Maniwala ka naman Sam, I'm sorry kung nasaktan kita noon, but please give me another chance.” saad ni Fritz at hindi na niya napigilan ang isang butil ng kaniyang luha na dumaloy sa kaniyang pisngi
Hinayaan ni Fritz ang kaniyang sarili na mag pakasawa sa napaka raming babae, naging Womanizer siya pagka tapos ng kahihiyan na nangyare sa araw ng kasal nila ni Mica.
Bumagsak ang kompanya ng kaniyang mga magulang at siya ang sinisisi ng mga ito. At dahil meron naman siyang sariling business at sa tulong narin ng kaniyang mga kaibigan ay nag sikap siyang maibangon muli ang kompanya ng mga magulang niya. At hindi naman siya nabigo dahil napag tagumpayan niyang maibangon ang kompanya ng mga ito. Hanggang sa muling tumayog ang kanilang pangalan at negosyo. Pagkatapos ay pinangako niya sa kaniyang sarili na oras na makita niya o mag tagpo sila muli ni Samantha sa hindi inaasahang pag kakataon ay hindi na niya ito papakawalan pa. Sinad'ya niyang huwag nang hanapin ito dahil alam niyang labis niyang nasaktan ito at hahayaan na lamang niya ang tadhana na pag tagpuin sila muli.
“ayaw ko ng maki pag talo pa, pagod na pagod na ako Fritz. Mag maneho ka nalang gusto ko nang maka uwi” malamig na wika ni Samantha
Bumuntong hininga naman ang lalaki at nag sisikip parin ang kaniyang kalooban dahil talagang hindi parin naniniwala sa kaniya si Samantha. Kilala niya ang babaeng mahal niya, napaka hirap nitong suyuin at ayaw nito sa taong sinungaling
Si Samantha ang uri ng tao na kapag nag sinungaling ang isang tao ay mahirap na nitong muling pagka tiwalaan at paniwalaan pa.