Dahil sa katahimikan ng byahe at nahulog sa malalim na pag iisip si Samantha, ay hindi na nito napansin na huminto na pala ang sasakyan sa tapat ng bahay nila.
Habang si Fritz naman ay naka titig lamang sa naka tulalang babae, naisip niyang napaka lalim ng iniisip nito dahil hindi man lang nito namamalayan na naka rating na pala sila. Hinayaan niya muna ang kaniyang sarili na titigan ito ng ilang Segundo. Napansin niyang mas lalong gumanda ito kumpara noon. Napaka ganda rin ng pagkaka hubog ng katawan nito, mas lalong tumapang ang expression ng mukha nito, ang singkit nitong mata na laging nag papalambot sa kaniyang kalamnan at ang labi nitong kay sarap hagkan.
Hindi na namalayan ni Fritz na unti-unti na pala siyang minamagnet ng mapang akit nitong mga labi. Kaya namalayan na lamang niya ang kaniyang sarili na sinasakop na pala niya ang labi ng babae.
Ramdam niyang nagulat si Samantha sa biglaang pag halik niya, ilang segundo itong natigilan hanggang sa unti-unti na nitong tinutugon ang kaniyang halik, puno ng pag mamahal at labis na pananabik ang mga halik na ginagawa ni Fritz sa babaeng mahal. Mas lalo pang lumalim ang kanilang halikan nang yumakap ang mga braso ng dalaga sa leeg ni Fritz
Pareho silang hinihingal nang matapos ang maalab nilang halikan, magka dikit ang kanilang nuo habang pareho silang naka pikit at dinadama ang mga hangin na pinapakawalan nila
“I miss you” mahinang saad ni Fritz, dahilan upang mapa mulat ng mata ang dalaga.
Habang si Samantha naman ay nag tatalo ang kaniyang kalooban maging ng kaniyang isipan. Dahil naging mahina na naman siya at nag padala sa halik ng lalaki. Dapat magalit siya, ngunit hindi niya magawa dahil puso niya mismo ang nag sasabing ginusto niya ang mga halik nito at ipokrita siya kung itatanggi niyang labis siyang nangulila sa mga halik at yakap nito.
“Sa-salamat” aniya nang maka bawi siya ng lakas na loob para basagin ang katahimikan at hindi na niya hinintay na maka sagot pa ang lalaki, dahil kaagad na siyang bumaba ng kotse nito.
Nag tataka rin siya kung paano nalaman ng lalaki ang kaniyang tinitirahan, ngunit sinawalang bahala na lamang niya at walang lingon likod na nag patuloy siya sa pag lalakad papasok ng kanilang bahay.
“Atee!” masayang sabi ng kambal at isa-isa itong yumakap at humalik sa kaniyang pisngi. Kahit nag dadalaga na ang mga ito ay para parin itong mga bata kung mag lambing sa kaniya.
“oh mukhang masaya kayo ah” aniya at ipinatong ang sling bag sa upuan na yari sa kawayan.
“dahil may magandang balita ang mga iyan sa'yo” naka ngiting wika ng kaniyang nanay Susan habang ito ay nasa bungad ng pinto at naka sakay sa wheelchair nito.
Nilapitan ni Samantha ang ina upang mag mano dito at yakapin. Kahit isang gabi lang niya hindi nakita ang kaniyang ina ay sobrang nag alala na siya dito.
“talaga ano ‘yon?”aniya ng balingan niya ang mga kapatid
“top one ako ate sa school at top two naman po si Mara” masayang pag babalita ni Mira sa kaniya na ikinalaki ng mata niya
“talaga? Ang gagaling naman congratulations kambal” aniya at niyakap ang mga ito. Napapa gitnaan siya ng dalawa habang may ngiti sa labi na yakap ang mga ito.
“para po sa inyo ni Nanay ang pag sisikap namin ni Mira ate. Ikaw ang nag papaaral saamin at kumakayod sa pamilya natin kaya super thank-you talaga ate” naka ngiting wika ni Mara, dahilan upang mangilid ang kaniyang mga luha.
“dahil diyan at walang pasok bukas ay mag se-celebrate tayo. Pupunta tayo ng mall bukas” aniya na ikina tuwa ng mga ito.
“teka anak, saan kaba nang-galing? Bakit naka benda iyang kamay mo at nuo mo? tsaka, bakit hindi mo kasama si Samara, nasaan ang apo ko?” mag kakasunod na tanong nang kaniyang ina
“kasama ni Calla inay, masyadong malayo ang bahay ni Calla, kaya bukas ko nalang ho susunduin ang anak ko. tsaka wala ho ito Inay nagka roon lang ho ng aberya sa pinag tatrabahuan ko at malayo naman po ito sa bituka kaya huwag po kayong mag alala ” tugon niya sa ina at niyakap ito
Kina gabihan, alas-onse nang gabi, kasalukuyang katabi ni Samantha sa pag tulog ang kaniyang ina. Hindi niya alam kung anong nag udyok sa kaniya upang sa silid ng ina niya siya matulog. Naisip niyang marahil ay namimiss lamang niya itong maka-tabi
Nasa malalim na pagkaka tulog si Samantha nang magising siya, dahil sa ingay ng mga tao mula sa labas.
“Sunog! Sunog!” sigawan ng mga taong nag kakagulo sa labas. Dahilan upang siya ay mapa balikwas ng bangon, maging ang kaniyang ina ay nagising narin.
“anak anong—
Saglit itong naputol sa pag tatanong, dahil sa mag kakasunod na pag ubo nito.
“u–usok! May usok anak!” na hihintakutang wika ni Susan, nang makitang may makapal na usok ang pumasok mula sa siwang ng kanilang pinto.
“Nay! may sunog!” tarantang sabi ni Sam at mabilis na bumangon upang tulungan sa pag bangon ang kaniyang ina.
“Mira, Mara!” malakas na tawag niya sa pangalan ng mga kapatid upang gisingin ang mga ito. Pagka tapos niyang paupuin sa wheelchair ang ina ay mabilis niyang kinuha ang manipis nilang kumot, tsaka binasa iyon at isinukob niya sa ina upang hindi nito malanghap ang makapal na usok. Lalo na't bawal iyon sa kaniyang ina.
“aaay Jusko!” malakas na sabi niya, nang makitang napapaikutan na ng apoy ang kanilang bahay. Kahit saan siya lumingon ay nababalutan ng apoy ang kanilang bahay. yari sa kahoy lahat ang bahay nila at napapaikutan ng kortina bawat pader nila kaya mabilis kumalat ang apoy
“Jusko anak, wala na tayong madadaanan! Puntahan mo ang mga kapatid mo bilis!” malakas at puno nang pag-aalalang wika ng ina.
“hindi kopo kayong puwedeng iwan Inay!” umiiyak niyang sagot sa ina. Hindi niya alam kung saan sila dadaan dahil napaka lakas ng apoy.
“Ate!, Ate Tulong!” umiiyak na saklolo ng kaniyang kapatid na si Mira, kaya mas lalo siyang nataranta. Nahihirapan nanga siya kung paano niya unang mailabas ang kaniyang ina na may malubhang sakit.
“Samantha anak, pu–puntahan mo ang mga kapatid mo” ani ng Nanay Susan niya at napansin niyang namumutla na ito at nahihirapan ng huminga dahil sa makapal na usok. Maging siya ay napapa ubo narin, konting-konti nalang ay ma aabot na ng apoy ang kina tatayuan nila.
“Ate! ”muling sigaw ni Mira habang umiiyak, rinig na rinig niya rin ang malakas na pag iyak ni Mara at ang pag kakagulo ng mga tao sa labas.
“tulungan mo ang mga kapatid mo Samantha anak, unahin mo ang mga kapatid mo” nang hihinang wika ng ina kaya mas lalong napapaiyak si Samantha
“Nay! Makakaalis po tayo dito. Huwag napo kayong mag salita. Pupuntahan kopo sina Mara at Mira, babalikan kopo kayo ” aniya, tsaka patakbong sinalubong ang naka harang na apoy sa pintuan ng silid ng kaniyang mga kapatid. At dahil kinakain na ng apoy ang yari sa kahoy nilang pintuan ay kaagad iyong nasira.
“Ate! Tulong si Mara nasa ilalim!” malakas na sabi ng kapatid habang ito ay umiiyak at pilit itinataas ang natumbang aparador
“Mara!” gulat niyang sambit sa pangalan ng kapatid at tinulungan niya si Mira na alisin ang malaking aparador na naka dagan dito.
“Mara!” magka sabay nilang sambit sa pangalan nito, nang maiyalis na nila ang naka dagan dito. Magka sabay nilang itinayo ang walang Malay na kapatid habang duguan ang isang binti nito
“Mira! Kaya mobang ilabas si Mara? Pupuntahan ko si Inay!” ani Sam habang patuloy sa pag ubo.
“ako na ang bahala kay Mara ate, puntahan mo si Inay” tugon ni Mira sa pagitan ng pag ubo. Tumango naman si Sam at sinalubong na naman ang mainit at makapal na usok na naka harang
“Nay!” sigaw niya, at ganuon na lamang ang pag laki ng mata niya ng makitang naka handusay na sa sahig ang kaniyang ina.
Wala siyang pakealam kahit masunog pa siya ang mahalaga sa kaniya ay ang mailabas niya ang kaniyang ina. Lakas loob niyang sinalubong ang init, habang naka harang ang kaniyang braso sa kaniyang mukha
Nang maka lapit siya sa walang malay na ina ay kaagad niya itong pinasan sa likod. Kahit may sakit ang kaniyang ina ay napaka taba parin nito. Kaya hindi niya ininda ang bigat nito. Habang ang kumot naman ay itinakip niya sa likod at ulo ng kaniyang ina upang protektahan ito mula sa apoy. Subalit hindi paman niya naihakbang ang kaniyang mga paa ay isang umaapoy na kahoy mula sa kanilang kisame ang bumagsak sa harapan niya dahilan upang siya ay matumba at dahil napaka rami naring usok ang nalanghap niya kasabay ng pag kirot ng kaniyang sugat sa ulo ay dahilan upang mawalan rin siya ng malay. Ngunit bago paman niya maipikit ang kaniyang mga mata ay merong apat na bulto ng tao ang kaniyang nakita at bago pa matangay ng kadiliman ang kaniyang diwa ay naramdaman paniya ang pag buhat sa kaniya ng isang hinding nakikilalang lalaki.
Samantala kaagad naman naka rating ang masamang balita kay Donya Leonora, kaya kaagad siyang nag papunta ng mga tauhan sa pinang-yarihan ng sunog.