“Anong ginawa mo Fritz? Hindi moba alam kung anong problema itong ginawa mo?” nang gagalaiti sa galit na saad ng kaniyang ama. Galit na galit ito dahil sa mga balitang isinumbong dito ni Mica, maging ang pag sampal niya sa babae.
“tsss, she deserve it Pa! Ewan koba sa inyo, pilit niyo parin pinag pipilitan saakin si Mica, samantala naibangon kona ang kompanya niyo. Wala na tayong problema dahil maayos na ang lahat sa AC pero hindi parin kayo nakukuntento!” ani ni Fritz, habang naka kuyom ang kaniyang mga kamay. Dahil sa labis na disappointment sa kaniyang ama
“Paano ako makokontento kung nasa Top Four palang ang AC Company, kumpara sa Alvararo's Company na nasa Top Two na—
“it's not a big deal Pa, ang mahalaga ay patuloy parin ang pag takbo ng mga negosyo natin at hindi na buma-bagsak kagaya nuon” saad ni Fritz
“humingi ka ng tawad kay Mica at yayain mo siya mag pakasal. That's Final Fritz” giit pa ng ama
“seriously Pa? ipag pipilitan niyo parin ang kasal naiyan? Eh kung ikaw nalang kaya ang mag pakasal kay Mica, tutal ikaw naman ang may gusto. Dahil kung ako lang ay baka maulit na naman ang kahihiyan na ginawa ko noon” saad ni Fritz at hindi na niya hinintay na maka pag salita ang ama. Dahil tinalikuran na niya ito, bago pa siya masinghalan na naman nito.
Kina bukasan, pag katapos pa lamang mag almusal ni Fritz ay naisipan niyang pumunta sa bahay ni Samantha. Gusto niya rin makumusta ang Nanay Susan nito maging ang mga kapatid ni Samantha. Naging malapit sa kaniya ang pamilya ng babae nung mag-kasintahan pa lamang sila noon.
Pagka tapos niyang maligo at makuntento sa kaniyang ayos ay lumabas na siya ng bahay at nag tungo sa garahe kung nasaan ang kaniyang brand new color block Ferrari, habang nasa biyahe ay para siyang tanga habang pina-practice kung paano niya ya-yayain kumain sa labas at mamasyal si Samantha. Nag-aalala siya na baka tanggihan siya ng babae
Gusto niyang ligawan ulit ito, gusto niyang ipakita at iparamdam kay Samantha ang sinsiridad na gusto niyang pumasok ulit sa buhay nito maging sa puso nito.
Dumaan muna siya sa isang Flower shop at bumili ng iba‘t-ibang kulay ng rosas, alam niyang mahilig sa rosas si Samantha. kaya binili niya lahat ng kulay ng mga rosas na nakikita niya sa shop na iyon. Bumili rin siya ng expensive chocolates, kung kina-kailangan niyang ligawan si Samantha araw-araw ay gagawin niya
“D*mn anong nangyare dito?” nag tatakang sambit niya,nang maka rating siya lugar nina Samantha. Inihinto niya ang sasakiyan kung saan malapit sa nag kukumpulang mga tao. Napansin niya rin ang napaka raming reporters ng mag kakaibang channel
Habang naka kunot-nuo niyang pinag mamasdan ang nasa labas at hina-hanap ng kaniyang mga mata si Samantha o kahit sino sa pamilya nito ay hindi parin niya nakikita. Hanggang sa may dumaan na isang matandang lalaki, kaya naman ay ibinaba niya saglit ang tinted na salamin ng kaniyang sasakyan, tsaka mahinang tinawag ang pansin nito.
“Manong mawalang galang na ho, mag tatanong lang po. Ano po bang nangyare dito?” pakiki-usisa niya sa lalaki na nag titinda ng pahayagan.
“nako iho! Hindi moba nakikita? Naging abo na lahat, labing-apat na bahay ang nasunog kagabi. Kawawa nga ‘yung mga nasunugan at namatayan” sagot ng lalaki
Buhat sa narinig ay bigla na lamang binundol ng malakas na kaba ang dibdib ni Fritz, naisip niyang kalalabas lamang sa hospital ni Samantha. May sugat ito sa kanang kamay at hindi pa gaanong magaling ang sugat nito sa ulo at isa pang inaalala niya ay alam niyang may malubhang sakit si Aling Susan. Sa isipin na baka napano ang mga ito lalo na ang kaniyang asawa ay parang gusto niyang sisihin ang sarili. Kung bakit pumayag pa siyang e uwi ito.
“manong saan ho ba dinala ‘yung mga taong nasunugan?” aniya
“sa evacuation center iho” tugon nito,
Pagka tapos niyang mag pa salamat ay kaagad na siya nag tungo sa sinabi ng lalaki.
Suot ang face mask at itim na sombrero ay pumasok siya evacuation, kung nasaan ang mga taong nasunugan.
Habang pinag mamasdan niya ang mga kawawang tao na naroroon ay mas lalong tumindi ang kagustuhan niyang makita si Samantha. At upang hindi pagka guluhan ng mga tao roon, ay nag pautos na lamang siya na hanapin ang asawa kasama ng pamilya nito
“Sir ito, ang lahat listahan ng mga taong sugatan at namatay sa sunog” wika ng isang lalaki na isa sa inutusan niya, bumalik kaagad ito kasama ang anim na lalaking inutusan niya.
“wala rin po dito sa Evacuation center ang hinahanap mo Sir, kaya diyan niyo lang po tignan ang pangalan ng hinahanap niyo” wika ng pangalawang lalaki
Nag tataka naman niya tinignan ang listahan ng mga taong nasaktan at nasawi sa nangyaring sunog. hindi niya alam kung bakit parang may bumubulong sa kaniya na tignan niya iyon. Kaya naman ay inumpisahan niyang buklatin at una niyang nakita ay ang mga pangalan ng mga taong sugatan at kasalukuyang nasa pagamutan na. Nag tataka siya dahil wala ruon ang pangalan ni Samantha, kasama na ang pamilya nito
Halos magimbal at mabitawan ni Fritz ang hawak na mga papel, dahil sa kaniyang nabasa. Hindi siya maka paniwala na nabasa niya ang pangalan ng babaeng mahal niya, sa listahan ng mga taong nasawi
Walo ang namatay sa sunog at kasama na doon si Samantha maging ang buong pamilya nito. Hindi alam ni Fritz kung anong gagawin o sasabihin, hanggang sa namalayan na lamang niya ang kaniyang sarili na naka luhod na ang dalawang tuhod niya sa sementong sahig, habang napapa-tulala na lamang at walang boses na lumalabas sa bibig niya at kusa naman nag silabasan ang mga luha niya.
ISANG TAON ang lumipas
“Happy Birthday Inay” naka ngiting wika ng babae, habang naka hawak sa wheelchair ng kapatid.
“Ate kasama na ni Inay si Tatay, kaya huwag kanang umiyak d'yan, sige ka baka multuhin tayo ni Nanay dahil hindi mo parin siya pinapatahimik.” ani ni Mara
“Oo nga ate, dapat masaya parin tayo kahit wala na si Inay at Itay, lalo na‘t kaarawan niya ngayon. Hindi magugustuhan ni Nanay kung lagi kang gan'yan ” saad naman ni Mira, habang hawak nito sa kaliwang kamay si Samara.
Pilit naman ngumiti si Samantha
“Happy Birthday po, super duper miss na miss napo kita lola” malungkot na wika ni Samara
Isang taon naarin mag mula ng mangyare ang isang napaka samang bangu-ngot sa buhay ni Samantha, bangu-ngot na kailan man ay tumatak na sa kanilang isipan lalo na‘t iyon ang dahilan kung bakit nawala ang Nanay Susan nila.
Ang akala ni Samantha ay duon na tuluyan matatapos ang buhay niya, kasama ng mga kapatid niya. Masakit man para sa kanila ang pagka wala ng kanilang ina ay pinilit parin nila mag paka tatag.
Hanggang sa may dumating na isang tao sa buhay niya na hindi niya inaasahan na dudulot sa kaniya ng malaking pag babago. At iyon ay si Donya Leonora Smith
Pagka tapos nilang mag alay ng dasal at ilang sandali lamang ay na pag pasyahan na nilang umalis roon.
“Ate, hanggang kailan tayo dito?” tanong ni Mira, mag mula ng mawala ang kanilang ina ay pumayag sila sa kagustuhan ni Donya Leonora, na sa US na sila manirahan at baguhin ang lahat sa kanila. Kasama na duon ang kanilang pangalan at pagka tao. Hindi na sila Gomez kundi isa na silang Smith.