“Hindi ko alam Mira, pero kayo ni Mara kailangan niyong bumalik ng States para sa pag-aaral niyo at sa weekly therapy ni Mara” sagot ni Samantha sa kapatid
“kung ganun maiiwan kayo dito ni Samara Ate?” saad ni Mara, habang ito ay naka upo sa harapan. At mataman lamang nag mamasid sa mga nadadaanan nila.
Malaki ang naging dagok nang pang-yayaring sunog noon. Hindi lang ang pag-kawala ng kanilang ina ang nag papalungkot para sa kapatid ni Sam na si Mara. dahil napinsala ang buto sa binti nito kaya‘t naparalisa ang mga binti nito, matapos mabagsakan ng aparador ang kalahating katawan nito. Kaya naman ay lagi na itong naka upo sa wheelchair, dahil hindi na ito nakakalakad at sa loob ng mahigit isang-taon ay lagi na itong nag hihirap. Subalit hindi parin sila nawawalan nang pag-asa lalo na't malaki ang posibilidad na muli pa itong makaka lakad, ayun narin sa sinabi ng doctor nito.
Matapos ng isang taon na pamamalagi nila sa US, ay muli silang bumalik ng pilipinas. Upang saksihan ang nalalapit na pag papakasal ng kaniyang kaibigan na si Calla. Hindi niya kilala ang mapapang asawa ng kaibigan, dahil hindi pa niya ito nakikita at minsan lamang ito e kinu-kwento sa kaniya ni Calla. Pero ayon sa mga sinabi sa kaniya ng kaibigan ay isang businessman umano ang mapapang asawa nito.
Kahit magka layo sila ng kaibigan, ay hindi iyon naging hadlang sa kanila. bagkus ay patuloy parin ang communication nilang dalawa ni Calla. Dahil bago nila ito iniwan sa pilipinas ay binigyan ito ng kaniyang lola ng isang Malakimg Restaurant. Malapit sa Mall na siyang pag-aari naman ni Mira. Kung saan tanging mayayaman lamang ang kayang mag afford.
Isa sa dahilan kung bakit sila umuwi ng Pilipinas, maliban sa pag papakasal ng kaniyang kaibigan. Ay sinabihan rin siya ng kaniyang lola na oras na para ipakilala siya nito sa bagong Kompanya na kaniyang pag tatrabahuan, hindi bilang empleyado kundi bilang isang New President ng Wine Company.
Nabanggit rin sa kaniya ni Donya Leonora, na baon sa utang ang kompanya na iyon sa kanilang bangko, at dahil hindi na kayang ibangon ng may-ari ang Wine Company at hindi rin kayang mag bayad ng mga ito. Kaya naman ay isa ang kompanya na iyon sa mga ibabayad ng pamilyang nagka utang sa kaniyang lola. At bukas ng umaga ay ipapakilala na siya bilang bagong may-ari ng Wine Company.
Hapon na ng maka rating sila sa mansyon ng mga Smith. Kahit isa na siyang Smith at nasabi narin nang kaniyang lola na siya ang nag-iisang taga pag mana nito. maging ng kaniyang namayapang ama, Ay hindi parin niya magawang sanayin ang sarili sa buhay na hindi niya kinalakihan at naka sanayan, Sanay siyang napapagod at napupuyat. Kaya kahit umabot na siya nang isang taon sa US ay nasa puso parin niya ang buhay na kaniyang naka sanayan.
“mommyta!” malakas na tawag ni Samara, habang patakbong lumapit sa Donya. kalalabas lamang nito mula sa elevator. Hindi na ito maka pag hagdan dahil matanda na ito kaya meron itong elevator, mula sa kwarto nito pababa sa sala.
“dumating na pala ang mga apo ko” naka ngiting wika ng Donya, habang naka sunod parin dito ang tatlong bodyguards at isang Butler nito na si Gimmi
Tuwang-tuwa ang Donya mag mula ng kilalanin siya ni Samantha bilang lola nito, at ang labis pa na ikina saya ng matanda ay nang malaman na may apo na pala ito sa tuhod
“Mommyta” naka ngiting wika ng tatlong mag kapatid, mag kakasunod na nag mano ang mga ito, habang si Samara naman ay naka yakap sa isang braso ng Donya.
“May lakad po ba kayo mommyta?” ani ni Samantha, nang mapansin na bihis na bihis ang abuwela
“yes apo, at kasama ka saakin”
“po? —
“nasa kuwarto mona ang isusuot mo, hihintayin kita dito” agap ng Donya sa akmang sasabihin niya
“saan po kayo pupunta ni Nanay?” ani ni Samara habang naka tingala ito sa Domya
“meron lang kaming dadaluhang importante apo, dito kalang kasama ng mga Tita mo” tugon ng Donya sa bata sabay haplos sa magandang mukha nito.
Pagka tapos mag ayos ni Samantha sa kaniyang sarili ay bumaba narin siya. Isang evening red backless dress ang suot niya, na hindi umabot sa tuhod niya. Kaya litaw na litaw ang maputi at mahaba nitong mga binti, hinayaan niyang naka lugay ang maitim niyang buhok na hanggang balikat
Kitang kita niya sa Mirror wall ng Elevetor ang kaniyang sarili. Maging siya ay namamangha parin sa laki ng ipinag bago niya, hindi niya alam kung ano na kaya ang nangyare sa kanilang mag-kakapatid kasama na ang kaniyang anak. kung sakaling hindi dumating sa buhay nila ang kaniyang Lola Leonora. Marahil ay nag papakahirap parin siya sa mga raket-raket niya at walang pahinga sa pag tatrabaho. Kaya laking pasasalamat niya dahil dumating ang kaniyang Lola sa panahong hirap na hirap siya, dahil nasunugan nanga sila, namatay pa ang kaniyang ina.
Flashback!
Nilinga ni Samantha ang kaniyang paningin sa loob ng isang silid na kulay puti. Nag tataka siya kung nasaan siya, pero ng makita niyang may naka kabit na maliit na tubo sa kaniyang kamay ay napag tanto niyang nasa hospital siya.
Inisip niya kung anong nangyare, kung bakit siya dinala ruon. Bigla ay nanlaki ang mga mata niya ng maalala ang mga nangyare, mula sa pagka sunog ng bahay nila at sa pag pasan niya sa kaniyang ina. Akmang babangon na sana siya upang hanapin ang kaniyang ina at mga kapatid, subalit bigla rin siyang natigil nang bumukas ang pinto at pumasok duon ang isang matanda
Nag tataka niya itong tinitigan, dahil naluluha ang mga mata ng natanda habang naka titig rin sa kaniya at dahan-dahan ang bawat hakbang nito palapit sa kaniya.
“Apo ko, thanks god nagising kana” mahinang saad ng matanda
“sino po kayo at anong apo—
Hindi na naituloy ni Samantha ang kaniyang sasabihin ng maka lapit ang matanda at bigla na lamang siya nitong niyakap.
“Don't worry Apo, no one can hurt you nandito na si Lola, hinding hindi kana mag hihirap” ani ng matanda habang hinahaplos na nito ang pisngi ng nag tatakang dalaga.
“Sino ho ba kayo? Hindi ko ho kayo kilala” nag tatakang saad ni Samantha at inilayo ang kaniyang mukha sa kamay ng matanda
“Ako ang Lola Leonora mo, anak ko ang Daddy Edwardo mo iha” tugon ng matanda, buhat sa narinig ay nag init ang bawat sulok ng mga mata ni Samantha at mag kakasunod ang pag daloy ng kaniyang mga luha. Kilala niya ang binanggit nitong Edwardo, dahil iyon ang pangalan na sinabi sa kaniya ng Nanay Susan niya. Nag tanong siya tungkol sa kaniyang ama nuon kaya ekinuwento ng Nanay niya ang tungkol sa kaniyang ama. Kung sino ito at kung anong klaseng buhay ang meron ito at kung bakit hindi nagka tuluyan ang mga ito. Lahat alam ni Samantha dahil sa mga kuwento ng kaniyang ina. Pero labis siyang nagulat at tuwa dahil may isang matanda na ngayon ay nasa harapan niya umiiyak at tinatawag siyang Apo. Masaya siya sa isiping meron pa pala siyang lola.