“A-Ate” anang basag na boses ang umagaw sa kanilang pansin. Napa baling si Samantha sa pinang galingan nun at mas lalo siyang napa luha ng makita niya si Mira, naka balot ang kanang braso nito at marahil ay natamo nito mula sa sunog. Napa luha siya dahil ligtas ang kaniyang kapatid
Umiiyak itong lumapit sa kaniya, tsaka yumakap ng sobrang higpit. Kaya hindi maiwasang kabahan ni Samantha, palagay niya ay merong hindi magandang nangyare maliban sa bahay nilang nasunog. Mas lalo pa siyang kinakabahan nang humagulgol si Mira sa kaniyang balikat. Halos mabingi na siya sa pag-iyak nito. Kaya saglit niyang inihiwalay ang sarili sa kapatid upang tignan ito sa mukha.
“Mira Bakit—
“Ate, ate! Wala na si Nanay, wala na si Nanay patay siya ate” umiiyak nitong sabi tsaka napa yakap ulit ito sa kaniya.
Bigla namang natigilan si Samantha at parang bombang sumabog ang sinabi sa kaniya ng kapatid. Patuloy nag rere-play sa kaniyang pandinig ang sinabi nito
Nang maka bawi sa pagka tulala ay mas lalong nag sibagsakan ang kaniyang mga luha. May dumating nga sa kaniyang buhay pero may nawala naman at iyon ang kaniyang pinaka mamahal na ina.
Napuno ng iyakan ang silid, habang magka yakap parin ang mag-kapatid. Kaya saglit na umalis mona ang Donya upang alamin ang pangyayari. Hindi na hahayaan ni Donya Leonora na may manakit o mag pahirap sa kalooban ng kaniyang apo. Ayon sa kaniyang mga tauhan ay hindi aksidenteng sunog ang nangyare at iyon ang aalamin niya. Mag babayad kung sino man ang nasa likod ng pang-yayareng iyon”
End Of Flashback
*
“What ano nang mang yayare saatin Dad?!” problemadong saad ni Mica sa ama, pagka tapos sabihin ng kaniyang mga magulang na ipinag benta ng mga ito ang kanilang Kompanya at mansyon. Gulat na gulat Si Mica, dahil ang buong akala niya ay walang problema ang kanilang kompanya at nanatiling nasa Top-two ang posisyon nang kanilang pamilya sa may pinaka mayaman sa larangan ng business world
“Malaki ang pagkaka utang ng kompanya natin sa Bangko ng mga Smith, akala ko ay maiisalba kopa pagka tapos kong isanla ang mansyon natin. Pero nabigo ako Mica, mas lalo pang bumagsak ang Wine Company matapos mag back out lahat ng mga investors natin at lumipat silang lahat sa Samara's Company” paliwanag ni Mr Alvararo
Samantala, nag mumukmok sa isang sulok ang isang lalaki na labis na nangu-ngulila sa babaeng minamahal niya. Pumayat ito, at kumapal narin ang balbas nito sa panga at umabot na sa balikat ang buhok nito. Habang hawak ng kanang kamay nito ang bote ng alak at sa kaliwang kamay nito ay isang umuusok na sigarilyo. Araw-gabi na siyang nag papakalunod sa alak. Sa isiping namatay na si Samantha ay gusto narin niyang tapusin ang kaniyang buhay. Namatay ang babaeng mahal niya na hindi parin siya pina-patawad nito, ni hindi man lang nito nalaman ang buong katotohanan kung bakit niya ito nasaktan nuon
“Ma–mahal I'm sorry” mahinang saad ni Fritz, tsaka napa-iyak na naman
“Jesus! Oh my god, Son anong ginagawa mo sa sarili mo? Nag sisimula na ang party sa ibaba!” gulat na sabi ni Farah ng maka pasok ito sa kuwarto ng anak. Nag kalat na mga damit, mga basag na bote ng alak, maging ang mga unan ay nag kalat narin. Animoy dinaanan ng isang malakas na bagyo ang kuwarto ng binata. Lumapit si Farah sa anak hinawakan ang isang braso nito, napaka sakit para kay Farah na makita ang kaniyang nag-iisang anak sa ganong itsura.
“anak isang taon ka ng ganiyan, please anak bumalik kana sa dati—
“I want Samantha Ma, si Samantha lang Ma ang kailangan ko, gusto ko nalang na mawala, gusto ko na siyang maka sama” umiiyak na ani ni Fritz at parang batang paslit ito na humihingi sa isang magulang.
“Madam, hinahanap na po kayo ni Sir, bumaba naraw ho kayo” ani ng isang lalaki na secretary ni Mr Franco Aguilar
“Anak, please ayusin mo ang sarili mo kailangan ka sa party sa ibaba, hihintayin ka namin ng Papa mo” wika ng ginang at hinagkan nito sa nuo ang binata.
*
HINDI mapigilang mamangha ni Samantha, nang maka pasok na siya sa malaking mansyon, nag kikintaban ang mga babasahing antique at bawat desenyo na kaniyang nakikita ay talagang nakaka mangha lalo na ang mga paintings na palagay niya ay nasa milliones na ang halaga ng mga iyon. Nasa gitna parin siya ng red carpet papasok sa malawak na bulwagan ng mansyon. Sa sobrang pagka mangha niya sa ganda ng mansyon na iyon, ay hindi na niya napansin na naiwan na pala siya ng kaniyang lola sa pag lalakad.
“ay!”mahinang anas niya ng gulatin siya ng nag kikislapang mga Camera. Mag tataka na sana siya kung bakit siya kinu-kuhanan ng larawan, gayung wala namang nakaka kilala sa kaniya. Kaya nang makita niyang bumalik pala ang kaniyang lola sa kaniyang tabi at naka ngiti ito sa harap ng mga media ay nawala ang pag tataka niya.
*
Samantala sinad'ya namang dalhin ni Donya Leonora si Samantha sa party ng gabi na iyon, dahil gusto niyang maipa kilala ito sa mga Aguilar at sa iba pang mga Tao ruob bilang apo niya. At gusto niyang makita ang magiging reaction ng mag-amang Aguilar na sina Fritz at Franco. Alam na alam ni Donya Leonora ang tungkol sa naka raan nina Samantha at Fritz, alam lahat ng Donya kung bakit nasaktan ng lalaki ang kaniyang apo noon. at alam rin ng Donya kung gaano kaayaw ni Franco Aguilar sa kaniyang apo.
Lahat inalam ng donya, maging ang lahat ng ginawa ng isang Alvararo sa kaniyang Apo ay nalaman rin niya. Kasama na ruon ang pag papasunog nito sa pobreng bahay ng kaniyang apo at dahil roon ay nawalan ng ina ang kaniyang apo. nawala si Susan na hindi man lang siya naka pag pa salamat at naka bawi sa mga panahong mag-isa lamang nitong pinasan at tinaguyod ang kaniyang apo.
Maging ang mga inosenteng tao ay nadamay rin sa sunog na kagagawan lahat ng isang Alvararo. Marami ang namatay at nawalan ng tinitirahan, dahil lamang sa galit ng nag-iisang anak ng mga Alvararo.
Walang ka alam-alam si Samantha sa mga pinag gagawa ni Donya Leonora, lingid sa kaalaman ng dalaga ay tahimik na ipinag hihiganti ito ng Donya sa mga taong nag pasakit at nag pahirap sa kalooban ng dalaga.
Pagka tapos pabagsakin ng Donya ang mga Alvararo ay gusto munang makita ng Donya kung may halaga paba o mahal paba ni Fritz Aguilar si Samantha. Dahil kung wala na ay isusunod niyang pabagsakin ang mga Aguilar. Pero kapag nakita niyang mahal parin ng lalaki ang kaniyang apo, ay siya mismo ang gagawa ng paraan para magka ayus ang mga ito. Gusto ni Donya Leonora na bago siya mawala sa mundo ay masigurado niya munang nasa tahimik at maayos sina Samantha at Samara, gusto niyang tuluyang maging masaya ang mga ito. At mang-yayare lamang iyon kapag nagka ayos ang dalawa at makilala ni Samara ang tatay nito
“Mommyta kaninong mansyon po ito? At ano pong meron?” pag uusisa ni Samantha habang paminsan-minsan ay sumusulyap sa mga bisitang naroroon. Hindi niya mapigilang mamangha sa ibang mga bisita na nakikita niya, lalo na sa mga ka edad lamang niya. Nag gagandahan at puro mga elegante ang mga ito at halatang nag mula lahat sa may sinabing pamilya.
“Nandito tayo sa mansyon ng isa sa magiging business partner mo sa Wine Company, kaarawan ni Franco Aguilar at lahat ng mga bisitang nakikita mo ay puro mga negosyante, nag punta lang ang mga iyan dito para mag hanap ng investors o makaka tulong sa kabuhayan nila” mahinang saad ng Donya.
Bigla naman natigilan si Samantha sa pangalan na binanggit ng kaniyang lola, halos hindi niya narinig ang iba pa nitong sinabi. dahil paulit-ulit sinisigaw ng kaniyang isipan na naroroon siya sa mansyon na pag-aari ng mga magulang ng lalaking pilit niyang kina-kalimutan.
Sa isipin na posibleng mag kita sila ni Mica o ni Fritz ay bigla siyang naka ramdam ng kakaibang kaba, At nag umpisa narin siyang pag pawisan ng malapot.
“Lola, restroom muna po ako, ka-kailangan korin mag retouch pinag pawisan ata ako eh” mahinang saad niya sa Abuwela
Napangiti naman ito tsaka tumango “sige apo, take your time” tugon nito, kaya tumayo na si Samantha at hinayaan na lamang niya ang kaniyang mga paa kung saan siya dadalhin nito sa kakahanap ng restroom, hanggang sa dalhin siya ng mga paa niya sa second floor. Naisip niyang mas mainim na duon siya mag hanap ng restroom, dahil kung sa baba ay posibleng mag kita sila ni Fritz o ni Mica. Hindi na niya gustong maka harap ang mga ito.
Parang gusto tuloy pag-sisihan ni Samantha, kung bakit hindi paniya sinabi sa kaniyang lola ang tungkol sa ama ni Samara. Kung alam lang siguro nito na isang Aguilar ang ama ng kaniyang anak at dating nobyo. Ay maiintindihan siya nito kung bakit gustong-gusto na niyang umalis duon.
At kung alam lang sana niya na isang party pala ng mga Aguilar, ang pupuntahan nila ay hindi na sana siya sumama pa.
Habang nag hahanap ay paminsang naka yuko lamang siya, nag-iingat lamang siya na hindi siya makita ni Fritz o kahit na sinong malapit dito.
Subalit para namang pinag lalaruan siya ng kapalaran, dahil habang abala ang kaniyang isipan at naka yuko pa siya habang nag lalakad. ay hindi na niya nakita o napansin man lang ang likod ng isang lalaki habang ito ay may kausap sa cellphone.