“Ayy! So–sorry, sorry hindi kopo sinasad'ya” naka yuko paring wika ni Samantha, habang napapa kagat na lamang nang ibabang labi, dahil sa kahihiyan
Pakiramdam niya ay nawala lahat ng pinag aralan at mga itinuro sa kaniya nung nasa US pa siya. kung paano ang tamang kilos at pananalita ng isang taga pag-manang heredera
“Samantha, Is that you?” wika ng lalaking nabangga niya. Sa pag tataka ng dalaga ay kunot-nuo siyang nag angat ng ulo. At ganuon na lamang ang pagka gulat na rumehestro sa kaniya ng mapag sino niya ang lalaki. Maging ito ay nagulat rin dahil nanlaki ang mga mata nito at napa buka ang bibig nito.
“Cla–Clark” sambit ni Samantha, sa pangalan ng bestfriend ni Fritz.
“Mamamiya! Ikaw ba talaga iyan Samantha, Buhay ka?!” hindi maka paniwala nitong sabi
Samantala, sa kabilang dako naman, ay pilit parin pinapakalma ng binata ang kaniyang sarili, gusto pa niyang uminom ng alak, subalit na ubos na niya lahat ng alak sa Mini refrigerator niya. kaya napag pas'yahan ni Fritz ang pumunta na lamang sa mini bar ng kanilang bahay. Nasa second floor lamang siya at ang party ng kaniyang ama ay nasa ground floor.
Lumabas si Fritz sa kaniyang kuwarto at pasuray-suray pa itong nag lalakad papunta ng mini bar. Wala siyang suot na pang itaas at tanging maong na pantalon lamang ang suot niya. Maging ang kaniyang mga paa ay wala rin itong sapin. kaya ramdam niya ang lamig ng kaniyang tinatapakan. Nang maka rating si Fritz sa Mini Bar ay kumuha lang siya ng apat na boteng alak at napag pasyahang bumalik na sa kaniyang kuwarto. Wala siyang balak mag pakita sa mga tao, lalo na sa party
Mag gusto na lamang niyang mag mukmok at lunurin sa alak ang kaniyang sarili. Malapit na siya sa kaniyang silid ng makita niya si Clark na may kausap na babae.
Naka harap sa gawi niya ang kaibigan, habang ang babae naman ay naka talikod sa kaniya. Napapailing na lamang siya ng ulo dahil napaka babaero talaga ng kaibigan niya.
“Clark, huwag kang mag kalat dito” aniya, dahilan upang mapa tingin sa kaniya ang kaibigan. Habang ang kausap nitong babae ay nanatiling naka talikod lamang.
“Bro—hey wait! Samantha”
Hindi na naituloy ng kaibigan ang sasabihin nito sa kaniya ng biglang tumakbo ang babaeng kausap nito.
Nawala naman ang ngisi ni Fritz ng marinig niya ang pangalan ng babae. “Samantha!” tawag ulit ng kaibigan niya At hinabol ang babae, maging siya ay naki habol narin. Hindi alam ni Fritz kung bakit gusto niyang habulin ang mga ito.
Hanggang sa naka baba na ang mga ito ay naka sunod parin siya. Hanggang sa may mabangga ang babae dahilan upang mapa upo ito sa sahig. At dahil duon ay naabutan nila ito ni Clark at ganuon na lamang ang labis na pagka gulat niya ng makita ang mukha ng babae. May mga luha sa mga mata nito at kahit hindi ito naka tingin sa kaniya ay nakita niya sa mga mata nito na labis itong nahihiya sa nangyare dito. Nakita niyang akmang bubuhatin na sana nang kaniyang kaibigan ang babae subalit mabilis ang naging kilos niya.
Kaagad niyang iniharang ang kaniyang braso at nag salita “Don't touch my Samantha Bro!” tiim bagang niyang sabi sa kaibigan, hindi niya alam kung bakit naka ramdam siya ng galit sa kaibigan
Pinag titinginan narin sila ng mga tao at may mga media na kumukuha ng larawan sa kanila. Wala na siyang pakelam kung nag mukha na siyang model ng pantalon, dahil iyon lamang ang suot niya.
Hindi na niya hinintay na bumaling sa kaniya ang babae, basta na lamang niya itong binuhat ng pang bridal style
Narinig paniya ang pag singhap ng babae, maging ang ibang bulungan ng ibang mga bisitang naruroon. Subalit wala siyang pakealam
Samantala hindi naman alam ni Samantha ang kaniyang sasabihin at gagawin, halos mabingi na siya sa lakas ng t***k ng puso niya, lalo na ng buhatin siya ng lalaki. Sa pag mamadali niyang maka layo sa dalawang lalaki na humahabol sa kaniya ay hindi na niya napansin ang isang kasambahay na may dala-dalang inumin.
Hindi sinasad'yang nabangga niya ito. dahilan upang bumagsak siya sa sahig at mahulog ang mga hawak nito kasabay ng malakas na ingay ng mga basong nabasag. Kaya naagaw nila ang atensyon ng mga naroroon. Hiyang-hiya siya dahil sa nangyare, kaya hindi alam ni Samantha ang kaniyang gagawin. Hanggang sa may mga bisig na nag paangat sa kaniya mula sa kina bagsakan niya.
hinayaan na lamang niya ang kaniyang sarili na buhatin siya ni Fritz palabas ng party. Rinig paniyang tinatawag ng mga matandang Aguilar ang pangalan ng lalaki, subalit nanatiling tahimik lamang ito. At nag patuloy na sa pag lalakad
Para siyang kawawang paslit, dahil naka yuko lamang siya habang malayang napapakinggan ang malakas at mabilis na pag t***k ng puso ni Fritz.
Nang maka labas na sila ng mansyon ay napansin ni Samantha na papunta ang dereksyon nila sa isang kulay itim na sasakyan. Subalit bago paman sila maka lapit sa sasakiyan ay biglang narinig ni Samantha ang boses ng kaniyang abuwela dahilan upang bumalik sa katinuan ang kaniyang isip.
“Aguilar! Saan mo dadalhin ang apo ko?”
Huminto sa pag lalakad ang lalaki at kunot-nuong nilingon ang matanda
“Pardon, She is my Wife, kaya dadalhin ko siya kahit saan ko gusto” tugon ni Fritz
Akmang mag sasalita pa sana ang matanda, subalit tumalikod na ang lalaki. Dahilan upang maalarma ang dalaga.
“tumigil ka” mahinang saad ni Samantha, dahilan upang mapa hinto sa pag lakad ang lalaki. “ibaba mona ako” dugtong paniya, subalit tumiim bagang lamang ito at nag patuloy sa pag lakad hanggang sa mabuksan ng isang kamay nito ang pinto ng sasakyan. Hindi maka paniwala si Samantha na kinaya siyang buhatin nito ng isang kamay lang.
Narinig pani Samantha ang pag tawag ng lola niya sa kaniyang pangalan, hanggang sa maipasok na siya ng lalaki sa sasakiyan nito.
Habang ang matandang Smith naman ay sumilay ang masayang ngiti sa labi nito. nang maka alis na ang itim na sasakyan kung nasaan ang kaniyang apo. Hinayaan niyang itangay ni Fritz Aguilar ang kaniyang apo. Dahil kitang-kita niya ang labis na pag mamahal at pangu-ngulila sa mga mata ng lalaki at alam Donya kung para saan iyon.