Mabilis kumalat sa Social Media ang nangyari sa mansyon ng mga Aguilar. maging sa pahayagan ay napa balita narin. Kaya labis-labis ang pagka gulat ni Mica sa kaniyang nababasa at nakikita. Hindi siya maka paniwala na buhay si Samantha.
Ang buong akala nila ay namatay na ito sa sunog, kasama ng ina nito.
Kitang -kita niya rin ang pag babago kay Samantha, nag mukha itong elegante sa suot nitong dress. At dahil isa siyang modelo noon ay alam niyang mamahalin ang suot ng babae sa larawan. Dahil minsan na niyang nakita iyon sa runaway model na dinisenyo pa ng isang magaling na fashionista designer sa South America.
“Mica, wala ng gamot ang Daddy mo. Hindi kona alam kung bakit nang-yayare saatin lahat ng mga ito. Nawala nanga ang kompanya at lahat ng negosyo natin ay heto. Parang mas mahirap pa tayo sa daga. Maging ang mansyon ay wala narin. Hindi ko alam kung saan tayo makaka kuha ng perang pampa gamot sa Daddy mo. konting konti nalang ang natitira sa pera natin, At hindi na iyon aabutin ng isang linggo” naluluhang saad ni Mrs Alvararo, ang siyang umagaw ng pansin ni Mica. Hindi na niya namalayan ang pag lapit ng kaniyang ina. ibinulsa muna niya ang hawak na cellphone tsaka humarap sa kaniyang ina. Hinawakan niya ang kamay nito bago nag salita.
“susubukan ko ulit mag apply ng trabaho, kahit saan at kahit anong trabaho para maipagamot si Daddy” tugon ni Mica at bumontong hininga.
Maging siya ay problemado rin dahil walang kompanya ang tuma-tanggap sa kaniya. Marami na siyang inaplayan subalit wala parin. Kahit pag we-wetress ay sinubukan narin niya, ngunit tanging sagot lamang sa kaniya ay tatawagan lang umano siya. Subalit wala parin siyang natatanggap
Hindi niya alam kung bakit walang tumatanggap sa kaniya, gayung pasado naman lahat ng qualifications niya.
Maging ang mga dating kakilala at mga kaibigan ni Mica ay iniwasan rin siya, walang ni isang gustong tumulong at hindi rin alam ni Mica kung bakit. Pakiramdam tuloy niya ay kinarma siya dahil sa malaking kasalanan niya. Walong buhay ang namatay sa sunog at maraming pamilya ang nawalan ng tahanan dahil sa kaniya.
Mga negosyo, bahay, sasakyan, alahas lahat ay nawala nalang sa isang iglap. Noon ay naka tira siya sa napaka laking bahay, ngayon ay napalitan na ng napaka liit at kung ikukumpara iyon ay mas malaki pa ang sarili niyang banyo, kumpara sa tinitirahan nila ngayon. Noon ay napaka rami nilang katulong, driver pati bodyguards. Ngayon ay tatlo na lamang sila ng mga magulang sa iisang bubong at nag sisiksikan pa sa pag tulog. Mag mula ng mag hirap sila ay hindi iyon kinaya ng kaniyang ama. Mas lumalala ang sakit nito sa puso
*
Samantala, nagising si Samantha nang maramdaman niyang may mga matang naka titig sa kaniya at hindi nga siya nag kamali. Dahil pag mulat pa lamang niya ng kaniyang mata ay kaagad ng nag tama ang kanilang mga mata ng lalaking akala niya ay nakalimutan na niya. Napaka tagal na ng panahon, ngayon lamang ulit narinig ni Samantha ang mabilis at malakas na pag t***k ng kaniyang puso. At tanging si Fritz lamang ang nakaka gawa niyon sa kaniya.
Kitang-kita ni Samantha ang labis na pananabik sa mga mata ng lalaki. lungkot at may naka kubling saya. Kung hindi lang siguro sa mga mata ng lalaki ay hindi niya kaagad ito makikilala. Dahil ibang-iba na ang nakikita niyang lalaki sa kaniyang harapan. Nagka balbas ito sa panga at nagka bigote rin, na animoy ilang buwan ng hindi nahahitan. Humaba rin ang buhok nito hanggang balikat at nabawasan rin ang dating malaman nitong mukha. Halata ang panga-ngayayat nito na animoy napaka tagal na nitong pinabayaan ang sarili.
Hindi niya alam kung bakit nasasaktan siya sa kaniyang nakikita. Kaya wala sa sariling inangat niya ang kanang kamay at dahan-dahan iyon humaplos sa pisngi ng lalaki.
“anong ginawa mo sa sarili mo Fritz?” mahinang saad ni Samantha, nag-init ang sulok ng mga mata niya at bago paman tuluyang kumawala ang kaniyang mga luha ay kaagad niyang niyakap ang lalaki upang hindi nito makita ang mga luha niya.
Parang bulang nag laho ang galit na nararamdaman ni Samantha noon para sa lalaki. Ang akala niya ay tuluyan na niyang naka limutan si Fritz mag mula ng mabago ang takbo ng buhay niya. Noong nasa US pa lamang siya at nag-aaral ay nag research siya tungkol sa lalaki. At duon nga‘y napag tanto niyang hindi nga nag sisinungaling sa kaniya si Fritz. Totoo ngang hindi nito asawa si Mica
Napanuod niya rin ang video, kung saan umalis ng simbahan si Fritz at iniwan nitong mag-isa si Mica sa harap ng altar at sa maraming tao.
Hindi pa sana siyang handang maka harap si Fritz o kahit na sino lalo na si Mica, wala na siyang galit sa lalaki. Pero kay Mica ay nanunuot parin ang galit niya sa kaniyang puso dahil sa mga nalaman niya tungkol sa babae.
“Anong ginawa mo sa sarili mo?” Pag uulit ni Samantha, humiwalay muna siya sa pag kakayakap sa lalaki at muling hinaplos ng isang palad niya ang mukha nito. Sa nuo pababa sa pisngi nito. Habang nangi-ngilid parin ang mga luha niya sa kaniyang mga mata.
“Tell me, I'm not dreaming” mahinang tugon ni Fritz, habang may mga luha rin na nag silandasan sa pisngi nito.
Tumango naman si Samantha bilang pag tugon “Hi–hindi” sagot niya. Nasasaktan siya at na aawa sa nakikitang pag ka misirable ng lalaking minahal niya at minamahal parin niya, hindi niya alam kung bakit naging ganito si Fritz. Sobrang pinabayaan nito ang sarili
“hash! Stop crying, alam mong ayaw kong umiiyak ka” ani ng lalaki at hinagkan ang mga mata ni Samantha pababa sa pisngi nitong may mga luha.
“ano ba kasing nangyari saiyo? Bakit nagka gan'yan ka? Ang haba-haba na ng buhok mo” tugon ni Samantha
“ahh ito ba? Ummm balak ko kasing maging modelo ng shampoo, bagay naman diba? Guwapo parin ako” pag bibiro ng lalaki, kaya pinalo ito ni Samantha sa balikat.
“puro ka kalokohan, eh iyang pag payat mo? Huwag mong sabihin na diet ka. At itong mga balbas mo at bigote ang hahaba narin. Huwag morin sabihin na wala kang pang ahit, kundi bibigwasan kita” ani ni Samantha dahilan upang mapa tawa ng mahina si Fritz tsaka yumakap sa babaeng mahal niya.
“Akala ko na nanaginip lang ako, dahil kina-kausap mo ako ng maayos. Hindi morin ako pina-pagalitan at higit sa lahat ay.. Ay nandito kana, akala ko ay wala kana talaga” wika ni Fritz habang naka yakap parin at isinubsob ang mukha nito sa leeg ni Samantha
“anong wala?” nag tatakang tanong nito.
“akala namin kasama ka sa nasunog nuon. Kaya naging ganito ako, dahil buong akala ko nawala kana. Kaya pinabayaan kona ang sarili ko at gusto ko nalang na mamatay dahil wala kana.” tugon ng lalaki, dahilan upang muling umagos na naman ang mga luha ni Samantha
'Ganun ba talaga siya ka mahal ni Fritz, para gustuhin na lamang nitong mawala sa mundo. Dahil lang sa isiping patay na siya?' Ani ng isipan niya
Umiling siya at mahinang itinulak ang lalaki upang matanggal ang pag kaka-yakap nito. “Pinalabas lang ni Lola na wala na kami ng mga kapatid ko, dahil gusto niyang mag simula kami ng bagong buhay kasama siya, tsaka si Nanay lang ang nawala, hindi siya nasunog pero hindi niya kinaya ang mga usok na nalanghap niya dahilan ng pag sikip ng pag hinga niya at iyon ang ikinamatay niya” paliwanag ni Samantha
“You mean, grandma mo si Mrs Smith? 'yung matandang babaeng humabol pa at tinawag kang apo?” hindi maka paniwalang saad ni Fritz. Kilala niya ang matandang Smith, dahil ito ang number one Multi-Billionaire business tycoon at ito rin ang naka kuha sa Alvararo's Company na pag mamay-ari nuon ng mga magulang ni Mica at sa lahat ng ari-arian ng mga Alvararo ay sa Bangko ng Smith napunta lahat.
Tumango si Samantha at hinawakan ang mga kamay ng lalaki “Oo siya ang Lola ko, nakilala ko lang siya nung gabing pinasunog ni Mica ang bahay namin”
“pinasunog? Si Mica.. Sinasabi mong si Mica ang nag pasunog ng bahay niyo noon?” hindi maka paniwalang saad ni Fritz, oo nga‘t alam niyang maldita at spoiled brat si Mica pero hindi niya maisip na kayang gawin iyon ng babaeng kababata niya.
“Oo, narinig ko si Mommyta kausap ang detective agent niya, narinig kong pina imbistigahan niya ang tungkol sa sunog at nalaman ngang si Mica ang may kagagawan” tugon ni Samantha at muling nabuhay ang galit sa kaniyang puso nang ma-alala niyang dahil duon ay nawala ang kaniyang Nanay Susan.
“D*mn, hindi dapat tayo dito nag-uusap. Mamaya na tayo mag patuloy mahal” ani ni Fritz nang mapag tanto nitong nasa loob parin sila ng sasakiyan.
Samantala, hindi naman mapigilan ni Mica ang kaligayahan sa kaniyang puso, dahil sa wakas ay meron na siyang trabaho. Kahit mababang trabaho lamang ay ayus na sa kaniya. dahil ang mahalaga lamang sa kaniya ay meron na siyang pambili ng gamot nang kaniyang ama. Kailangan niyang mag trabaho dahil mamatay sila sa gutom kapag hindi niya tinanggap ang pagiging Janitress. Siya lang ang nag-iisang anak kaya siya lang ang inaasahan ng kaniyang mga magulang. Malubha narin ang sakit ng kaniyang ama kaya hindi ito maiwan-iwan ng kaniyang ina.
Mag mula ng mag hirap sila ay napaka raming natutunan si Mica, kung noon ay nag wawaldas lamang siya ng pera sa mga walang kwentang bagay. Ngayon ay napag tanto niya sa kaniyang sarili na napaka hirap pala nang buhay kapag walang trabaho, pera at mga kaibigan. Nuon ay buhay prinsesa siya, tinatapak tapakan niya lamang ang mga katulong nila noon, maging ang mga empleyado nila dati ay napaka sama ng kaniyang ugali sa mga ito. Kaya marahil ay karma na nga niya ang mga nang-yayari sa kaniya ngayon.
Nag sisisi na siya, dahil naisip niya kung sakaling naging mabait lang siguro siya nuon ay marahil ay meron pa siyang totoong kaibigan na handa siyang tulungan at damayan. tsaka hindi siya pag lulupitan ng panahon. Pinag sisihan narin niya ang mga masasamang bagay na ginawa niya lalo na kay Samantha.
Lahat ng alahas sa kaniyang katawan maging ang kaniyang mamahaling cellphone ay naibenta narin niya. Upang meron silang pambili ng makakain.
Pag papa-halaga at pag papa-kumababa ang mga natutunan ni Mica sa loob ng dalawang linggong pag hihirap niya kasama ng mga magulang niya. sa lugar ng squatters area sa Tondo Manila.
“Mica, pagka tapos mo d'yan, pumunta ka sa office ni Mr Haime darating ang girlfriend niyang si Ms Calla, dapat malinis iyon pag dating nila at iyon ang isunod mong linisan” wika ng manager nang isang boutique na kaniyang pinag tatrabahuan bilang Janitress
“Yes Ma'am” sagot niya