Chapter 11: Perya
“Ang tagal mo naman!” reklamo ko pag-labas niya ng kwarto.
Nauna akong mag-ayos sa kanya, dahil matagal daw ako mag-ayos at para double time ang magawa namin.
“Saglit lang naman,” depensa niya. Basa pa ang buhok niya, naka-suot lang siya ng short na hanggang tuhod at putting tshirt na bumagay sa suot niyang rubber. Halos naman ata ng suotin niya bagay sa kanya.
Ang ganda ng built ng katawan niya, ang lapad din ng dibdib at ang laki ng mga muscle. Hindi nga maitatanggi na mahilig siya sa mahihirap na Gawain.
“Aalis pa ba tayo o pag papantasyahan mo nalang ako? Pwede naman sa kwarto nalang tayo,” bumalik ako sa katotothanan dahil sa sinabi niya, kahit kalian talaga ay malibog siya, kung umasta ay akala mo wala siyang ginawang mali ng nakaraang araw.
“Pwede naman kayo nalang ni Sam ang pumunta sa kwarto,” may nangyari na kaya sa kanila ni Sam? Hindi Malabo, sa sobrang libog ng lalaking ‘to ay hindi talagang malabong na may nangyari na sa kanila. Napailing ako. Ano ba ‘tong iniisip ko?
“Ayaw ko. Gusto ko ikaw lang,” sabay akbay niya sakin.
“Bantayan niyo ang bahay!” sabay saludo sa dalawang alaga ko na nag-haharutan.
Sabay silang kumahol ng palabas na kami. Hindi ko alam na may talent pala ‘tong lalaki na to makipag-usap sa hayop. Ang galing.
“Ako lang daw,” bulong ko at pumasok na sa kotse. Akala ko naman ay malapit lang ang perya na ‘yon, yun pala ay aabutin pa ng 30 minutes ang byahe bago makarating. Malay ko ba. Pag nasa province pare-parehas lang naman ang makikita at ‘yon ang mga puno.
Kung papipiliin din ako, mas gusto ko tumira sa ganitong lugar kesa sa mapolusyon na lugar katulad ng manila. Puros busina nang sasakyan ang maririnig at kakaunti nalang ang puno dahil pinapatayuan ng mga matataas na buildings at factory.
“Ikaw lang naman talaga”
“Hindi ako naniniwala” hindi naman talaga kapani-paniwala ang ganon.
“Hindi ko naman sinabing maniwala ka” maldito niyang sabi at tumingin na sa daan.
Hapon na rin, papalubog na rin ang araw at ang ibang mga bahay ay nag uumpisa na buksan ang mga kani-kanilang ilaw. Mga ganitong oras ay traffic na sa pasay at wala ng masakyan papuntang Paranaque, ibang-iba talaga.
“May ano ba sa perya?” tanong ko sa kanya. Hindi na ako makapag-hintay na makapunta.
Sabi sa’kin dati ay masaya daw sa gano’n lugar at kahit maliit lang ang dalang pera ay mag eenjoy ka na.
“Ewan. Sampong taon lang ako ng huling makapunta ako sag anon. nakalimutan ko na, pero ang sabi sa’kin ay mga sugal daw.” Napataas kilay ko.
Sugal? Hindi naman ako nag susugal. Hindi nga ako marunong humawak ng baraha katulad ng iba, wala talaga sa sistema ko ang pagsusugal.
“Hindi naman ako nagsusugal,”
“Hindi naman ata katulad ng iniisip mo.” Sabi niya bago pinarada ang kotse niya sa hindi kalayuan ng makulay na parke.
“Parang sa moa, may mga prizes na teddy bear at games”
Napatango naman ako. Hindi ko maimagine pero hindi na kailangan. Nandito na kami!
“Ewan! Tara na, excited na ako!” hinila ko na siya. hindi siya pwedeng mawala sa tabi ko ngayon, wala akong perang dala noong pumunta kami dito kaya siya ang gagamitin kong ATM.
“Hala! Ang galing!” ani ko. Ang kulay ng buong lugar, marami rin mga bata at mga magjowa ang nasa paligid. May iba’t-ibang boots at ang iba naman ay may sarili pang mga kwarto. “Akala ko parang Enchanted”
“Baliw. Perya ‘to” nag umpisa na kami maglakad papasok sa loob.
“Kulay pula, idle!”
“100 sa green!”
Sigawan ng mga tao sa sulok. Mas maraming tao ang nandon kesa sa ibang booths na nakatayo.
“May ano doon?”
“Color game. Mag lalapag ka ng pera sa gusto mong color, pag tumama ang nilapagan mo ng pera. Ibibigay sa’yo ng doble,” maigsi niyang sabi.
Ibig sabihin kung mag lalapag ako ng 1,000 sa isang color at nanalo, ibig sabihin non may 2,000 na ako. Kaso pag hindi tama ang nilagyan ko, sayang ang 1,000 ko.
“Ayaw ko dyan” na sabi ko nalang. Naalala ko nang nag laro ako ng bingo sa lamay, natalo lang ako ng five pesos ay umuwi na ako.
“Doon nalang!” tinuro ko ang isang helera ng mga street foods. Kompleto sila at parang food court ay may mga table din sila kung saan pwede mag pahinga. “Bilhan mo nalang ako, nito, ‘yan pati ayun!”
“Yun po lahat ng tinuro niya. Tag-dalawa,”
“Dalawa?” tumango siya.
“Hindi mo ko papakainin?” nakataas ang kilay niyang kinaiinisan ko.
“Hindi. Bawal sa’yo yan, paano kung mag-kasakit ka sa baga!” ang sabi niya sakin dati bawal sila sa mga street foods. Yun daw kasi ang karaniwan na nagiging sakit ng mga marino kaya hindi na nakaksampa pa.
“Oo na,” nakangiti niyang sabi. Binayaran naman niya agad, nag hanap nalang kami ng medyoo malayong mauupuan para hindi gaanong mausok. Wala pa naman kaming dalang pamalit.
“Anong balak mong gawin?” ani niya “Hindi ka naman mahilig sa sugal”
“Hindi naman ako ang mag susugal. Gusto ko non!” tinuro ko ang isang booth na medyo malayo sa’min. may malalaking teddy bear at may mga malilit.
“Gusto ko yung teddy bear. Pautang muna ako, babayaran kita pag nakauwi na tayo sa manila.”
“San ba doon ang gusto mo?”
“Yung pink!” tili ko.
Kita ko naman na tumango siya. Sana’y madali lang makuha yun. Hindi na ako ulit nag salita pa, ang dami pala nang isang stick ng bawat isa at halos manlumo din ako sa presyo ng bawat isa.
Ang dami pa naman inorder namin.
“Catalina” tinignan ko siya. Seryoso ang mga mata niya na nakatingin lang sa akin. “Seryoso ako sa sinabi ko. Liligawan kita, hindi mo na kailangan maniwala sa mga sasabihin ko pero sisiguraduhin ko na mapapa-sakin ka ulit.”
Nakatingin lang ako sa kanya. Wala akong masabi. Alam ko hindi na mapipigilan ang gusto niya. Lahat ng sasabihin niya ay ginagawa niya.
“Kung hindi kita makukuha sa matinong panliligaw, bubuntisin nalang kita.” Halos maibuga ko ang kinakain ko.
Ang seryoso ng mukha niya sabay isisingit niya ang ganong bagay? Tinignan ko lang siya ng masama. Kahit kalian talaga ‘tong lalaki na to ang moody. Hindi maintindihan ang pag-uugali minsan.
“Libog lang ‘yan. Tara na!” tumayo na ako at ininom ang soft drinks, nauna na akong naglakad at nasa likod ko lang siya. agad namin pinuntahan ang isang booth, walang gaanong tao kaya naman nakaupo lang ang batang bantay.
“gusto ko non” tinuro ko ang isang bracelet na kulay itim. May angkla rin na pendant, gawa lang sa tela pero ang ganda ng pendant. Kahit sa malayo ay kumikinang at nakakaagaw ng pansin.
“Maganda ang napili niyo maam!” bati ng isang matandang lalaki na may kakaibang buhok “Ang bumili ng ganito sa’min dati ay nabalitaan ko nito ay nagkatuluyan”
We? Hindi naman ako naniniwala sag anon, ang swerte ay nasa tao. Nakasalalay ang buhay ng tao sa palad niya, hindi sa bagay o sa anong pinaniniwalaan niyang rehiyon o ano.
“Gusto mo ba?” tanong ni Miguel.
“Bilhin niyo na maam” tumango ako. Agad na inayos ng lalaki ang bracelet at talagang kumikintab ‘yon mas lalo na’t pag nasisinagan ng ilaw.
“Sigurado akong magkakatuluyan kayo,”
Ang creepy na niya. Iba ang tingin niya sa’min ni Miguel at halatang may tinitignan siya samin pero iba ang sinasabi ng mga ngiti niya.
“Talaga po? Maraming salamat,” nakangiting sabi ni Miguel bago binayaran.
“Kaso kailangan niyo maging matatag mas lalo na sa’yo ija. Hindi basta-basta ang kakaharapin niyong problema, tanging pag titiwala lang sa isa’t-isa ang mag-aayos at mag tuturo sa inyo ng tamang daan,” huling sinabi niya bago kami umalis.
Hindi ako naniniwala. Ayaw ko maniwala, hindi niya alam na ako ang nasasaktan ngayon dahil sa kasama kong lalaki para sabihan ng ganon.
“Magkakatuluyan daw tayo” nakangiting sabi ni Miguel at nilagay sa kamay ko ang bracelet. Sobrang nakaka-akit ang kulay nilang dalawa, kulay puti sila. Parang isang perlas pero kasing tingkad ng isang ginto ang pendat, kung titignan ng iba ay parang orihinal ‘to pero hindi.
“Naniwala ka naman?”
“Syempre!” nakangiti niyang sabi bago sinuot ang sa kanya, “Ang ganda nito para sa isang daan”
“Totoo.” Sang-ayon ko. Akala ko ako lang ang nakapansin non.
“anong gusto mong puntahan?” tanong niya. Tinuro ko ang isang booth kung saan may hinahagis na mga rings at kailangan ipasok sa ulo ng bote. Maraming mag jowa ang nanunuod, ang iba’y mga high school at ang iba naman ay mga mag tropa na nanunuod.
“300 nalang, 100 rings na!” sigaw ng lalaki na nag babantay. “Oh, boss! Gusto mo, bigyan na kita ng 20 rings na pa sobra,” alok niya kay Miguel.
“Sige, dalawang set”
“Yun!” binigyan kami agad ng dalawang set nang paso at dinagdagan niya nga ng tag 20 rings. “Sa isang set, isang ring lang ang ipapasok at pwede na mamili ng prize sir”
Tumango kami. Kinuha ko ang ilang rings at nag umpisa na mag haggis pero ni Isa ay walang pumasok.
“Sayang naman!” rinig kong sigaw ng isang bata. Napanguso nalang ako at tumingin kay Miguel.
“Mali ka ng pag-hagis kaya hindi pumapasok” kinuha niya ang natitirang rings sa paso ko at bumwelo. Sa isang subok ay pumasok agad ang tinira niya.
“Kailangan mong ipwesto. Pag pataas ang haggis mo ay tatalbog lang sa bote.”
Napatango ako sa paliwanag niya.
“Ang galing mo pumasok” napangisi naman siya at nilapit ang mukha niya sa tenga ko.
“Mamaya ikaw naman ang papasukin ko” manyakis!
“OHH! May nanalo nanaman ng napaka-gandang teddy bear!” kinalampag ng lalaki ang dingding na gawa sa yero.
Nakakuha tuloy ng ibang atensyon ng mga ibang dumadaan,
“At ang nag wagi! Salo!” sinalo ko ang hinagis niyang teddy bear. Kulay pink, kahit alam kong mabilis lang kumupas ang kulay niya ay halatang quality naman ang lambot.
“May tira pa” sabi ko. Isang paso lang naman ang nagamit namin.
“Gusto mo?” napatingin kami sa dalawang mag kasama.
“Ayoko, sayang pera. Ipangkain nalang natin, tsaka wala ka ng pamasahe pa-uwi. Baka mashort ka rin sa allowance mo.” sabi ng babae niyang kasama.
“Pasensya na talaga. Bawi nalang ako sa susunod.” Sabi ng lalaki at niyakap nalang niya ang kasintahan niya. Napangiti ako, ganyan na ganyan kami ni Miguel ng parehas kaming walang budget.
“Boy! Sa inyo nalang ‘to, sayang naman.” Sabi ni Miguel at inabot ang isang paso na hindi na galaw. “Pwede naman diba boss?”
“Oo naman!” sabi ng nag babantay.
“Hindi na po” sabi ng lalaki bago napakamot ng ulo. “Nakakahiya”
“Wag na kayong mahiya. Danas din namin ‘yan ng wala pa kaming trabaho.” Inabot ni Miguel sa kanila ang paso at tinanggap naman ng lalaki.
“Ingatan mo siya kung talagang mahal mo,”
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papalayo. Napansin ko ang bracelet na binili niya, malakas ang kinang dahil sa tumatamang ilaw.
“Bakit?” tanong ko ng huminto kami.
“Naalala mo?” tinaasan ko siya ng kilay. Ano nanaman pinag sasabi niya?
“Yung dati sa dalawang bata na yon?” tumango ako.
Panahon na walang-wala kami at pang-kain lang ang kaya namin bilhin. Napangiti ako, ang dami na nga palang nangyari.