BAGONG PAG-ASA‼️

1660 Words
Mabilis akong gumapang paloob sa bakuran nila Tyang Caring. Pagkalusot ko mula sa ilalim ng barbwire ay narinig ko naman ang malakas na boses ni Tyang Magda na tumatawag sa pangalan ko. "Joy!... Nasaan ka bang babae ka!? Joy!... Pvt@ng in@, hindi ka pa nakakalinis ng bahay. Ang dumi ng kusina! Tambak pa ang mga hugasin sa lababo." Bahagya akong napatingin sa bahay namin, pero muli akong sinenyasan ni Tyang Caring, kaya mabilis akong kumilos at mabilis na tumakbo patungo sa kusina nina T'yang Caring. Para akong hinahabol ng mabangis na tigre, dahil sa bilis kong nakapasok at nagtago sa ilalim ng lababo. Nanginginig akong umupo sa pinaka sulok ng lababo, para hindi agad ako makita ni Tyang Magda, kahit pumasok pa siya dito sa bahay nila Tyang Caring. "Bvwis!t ka talaga, Joy! Hindi ka pa nakakalinis ng bahay, umalis kana. Ang dami pang mga platong huhugasan dito sa lababo. Ang mga labahin nagtambak na dito. Makikita mo'ng babae ka, kakalbuhin talaga kita 'pag nakita kita! Dugyot! Tamad!" muling pagtatalak ni Tyang Magda. May mga pinagbabagsak pa siya sa loob ng kusina, dahil sa galit niya sa akin. "Pati dito sa harapan ng bahay, hindi pa nawawalisan. Kung bakit kasi ang mga puno sa paligid, hindi na lang tanggalin ng mga nagtanim, para hindi makaperwisyo sa iba! Pati mga pinagkainan ng chitcherya, hindi pa maitapon sa tamang lugar, para hindi pumapasok dito sa bakuran ko ang mga basura nila. Sakitan sana ng tiyan ang nagtatapon ng basura dito sa loob ng bakuran ko. Mga pvt@ng !n@ kayong lahat!" patuloy na pagmumura niya. Parang ako ang nahihiya sa mga kapitbahay namin, dahil sa masamang pag uugali ni Tyang Magda. Wala siyang kasundo dito sa lugar namin, dahil sa sama ng kanyang pag uugali. Naramdaman kong pumasok si Tyang Caring dito sa kusina nila, kaya dahan-dahan akong sumilip sa kanya. "Lumabas kana dyan, para makakain ka. Alam kong gutom na gutom kana, dahil hindi ka pinakain mula pa kagabi." mahinang sambit ni Tyang Caring. Nakita ko rin ang mga pagkain na inihain niya sa lamesa, kaya agad akong lumabas para makakain. "Tyang, puwede ba akong makiligo muna?" nahihiyang tanong ko. Napakadumi ko na kasi at naamoy ko rin ang sarili ko. Maghapon akong nasa ilalim ng araw kahapon. Pawisan, marumi ang mga kamay at paa, dahil nagtanim ako ng kamoteng baging. Hindi ako nakapaglinis ng katawan, dahil sa ginawa nila sa akin. Akala ko nga, mam@mat@y na ako kagabi pa. Pero buhay pa naman ako hanggang ngayon. Hindi pa rin ako pinabayaan ng dios. Iniligtas niya ako, at nagpadala pa ng taong tutulong sa akin para maka alis sa bahay ko na inangkin ng mag iinang d3m0nyo. "Sige, pumasok kana sa banyo at maligo. May inilagay akong plastic dyan sa sabitan. Mga damit ang laman, para may magamit ka." saad ni Tyang Caring. "Salamat, Tyang." pasalamat ko. Nagbubulungan lang kaming dalawa, para hindi kami marinig ni Tyang Magda. Malayo naman ang bahay, pero nag aalala pa rin kami, baka bigla siyang lumapit sa may bakod at makiramdam dito sa bahay ni Tyang Caring. Pumasok ako sa loob ng banyo nila Tyang Caring, para maligo. Kinuha ko muna ang plastic na nakasabit at kinuha ang bagong toothbrush na bigay sa akin ni Tyang Caring. Nag toothbrush muna ako bago naligo. Kompleto sa gamit ang loob ng banyo nila Tyang Caring, kaya nakigamit na ako sa mga gamit nila panligo. Ang tagal ko na ring hindi nakakapag shampoo, dahil wala akong pambili. Kapag nagpupunta ako sa bayan para magtinda ng gulay ay saka lang ako nakakabili. Sobrang pagtitipid pa ang ginagawa ko, para hindi maubos agad. Lalo na ang toothpaste ko. Konting konti lang talaga ang ginagamit ko, para umabot ang isang sachet sa isang linggo. May bigay din si Tyang Caring na maliit na face towel, kaya ito ang ginamit kong kuskusin ang katawan ko. Nang matapos akong maligo ay agad ko namang sinuot ang damit na bigay niya sa akin, bago ako lumabas ng banyo. Magkatabing nakaupo sina Tyang Caring at Tyong Pedro sa harap ng lamesa nang lumabas ako. Nahihiya akong tumingin sa mag asawa, dahil sa mga ginagawa ni Tyang Magda. "Halika na dito, para makakain na tayo." mahinang pagtawag sa akin ni Tyong Pedro. "Salamat po, Tyong." nahihiyang sagot ko, saka ako umupo sa harapan nila. "Kumain ka nang marami, para madaling makabawi ang katawan mo. Ang payat-payat mo na pala ngayon, tapos sasaktan kapa ng mag iinang d3m0ny3ta." umiiling na sambit ni Tyong Pedro. Inabot din niya sa akin ang malaking plato na nilagyan ng kanin. "Sige na, kumain kana para magkalaman ang tiyan mo. Ihahatid ka namin mamaya sa kabilang bayan, para hindi kana makita ng babaeng baliw. Hihintayin lang natin na maka alis siya para sunduin ang dalawa niyang anak na nagmana sa kanya." mahinang sambit ni Tyang Caring. "Maraming-maraming salamat po sa inyo, Tyang, Tyong... Hulog kayo ng langit sa akin." naiiyak na sambit ko. "Huwag kanag iiyak, Joy. Dapat noon pa namin ito ginawa eh! Pero hindi naman namin alam kung saan ka namin dadalhin. Hindi ka naman namin puweding patirahin dito sa bahay namin, dahil siguradong hindi kami titigilan ng babaeng baliw na 'yon." sabi ni Tyong Pedro. "Ang tagal kasing hindi nagbabakasyon 'yong kapatid kong nagtatrabaho sa Maynila, kaya hinintay lang namin ang bakasyon niya para matulungan ka niyang makahanap ng magandang trabaho sa Maynila." sabi naman ni Tyang Caring. "Ngayon pa lang po ay nagpapasalamat na ako sa inyo. Tatanawin ko po'ng malaking utang na loob ang pagtulong niyo na ito sa akin. Sana po, balang araw ay magkaroon din ako ng kakayahan para makabawi po ako sa inyo." sambit ko sa kanila. Tumango lang silang dalawa sa akin, pero nangingilid naman ang luha sa kanilang mga mata. Matapos akong kumain ay dinala ako ni Tyang Caring sa kuwarto para magpahinga. "Matulog ka muna dito. Gisingin lang kita mamaya, kapag aalis na tayo." sabi sa akin ni Tyang Caring. Humiga ako sa kama at ipinikit ang mga mata. Talagang inaantok ako ngayon. Masakit din ang katawan ko, dahil sa pananakit sa akin ng mga iina. Hanggang sa muli akong gisingin ni Tyang Caring. Pinamadali niya akong lumabas ng bahay at pinasakay sa kanilang lumang Pickup jeep. Pinahiga nila ako sa upuan sa may likod, para daw walang makakita sa akin. May kumot pa silang binigay sa akin, para ibalot sa katawan ko. Ang lakas ng kabog sa dibdib ko, habang papalabas ang sasakyan ni Tyong Pedro. Madadaanan pa kasi namin ang paaralan kung saan pumapasok ang dalawang anak ni Tyang Magda. Halos hindi ako huminga, dahil sa takot na baka makita ako ng mag iina at muli nilang iuwi sa bahay. Saka lang ako nakahinga nang sabihin ni Tyang Caring na puwede na akong umupo. Nakalampas na kami ng bayan at tinatahak na namin ang highway patungo sa kabilang bayan. Mahigit isang oras din ang biyahe, bago namin narating ang bahay nila Tyang Caring. "Siya ba ang sinasabi mong ihanapan ko ng mababait na pamilya, Ate?" tanong ng kapatid ni Tyang Caring sa kanya. "Oo, siya nga! Nakakaawa naman kasi ang batang ito. Ulilang lubos na, tapos yung nag iisang kapatid ng yumao niyang ama ay napakalupit naman sa kanya. Tingnan mo nga ang ginawa sa kanya, oh! Mabuti't nataon na nakauwi ka ngayon, kaya itinakas namin siya sa baliw na kapatid ng Kumpare namin." tugon ni Tyang Caring. "Ganon ba, Ate? Kawawa naman pala. Ang ganda-ganda pa namang bata, tapos sinasaktan lang ng sarili pang kaanak?" sambit ng babae. Malungkot ang kanyang mukha na tumingin sa akin, dahil sa awa niya sa akin. Sino nga ba ang hindi maaawa sa mukha ko ngayon? Puro pasa at kalmot ang mukha ko. Pati kamay at paa ko ay nangingitim, dahil sa ginawa sa akin ng mag iina. "Ano nga pala ang pangalan mo?" tanong sa akin ng babae. "Joy Bautista, po!" nahihiyang sagot ko. "Ilang taon kana, Joy? Nakatapos ka ba ng high school?" muli niyang tanong sa akin. "Eighteen pa lang po ako. High school lang po ang tinapos ko. Pinatigil na po akong mag aral ni Tyang, dahil magastos daw po ang koleheyo." sagot ko. "Okay, Joy! Isasama kita sa maynila para makapagtrabaho ka doon. Pero sa agency ka muna tumira pansamantala ha! Papagalingin muna natin ang mga pasa at sugat mo, bago ka magsimulang magtrabaho. Bawal kasing i-deploy ka namin na ganyan ang ayos. Baka kami pa ang makasuhan doon." saad ng babae. "Sige po, sasama na po ako sa inyo. Ang mahalaga po sa akin ngayon ay makalayo ako kina Tyang Madga." sabi ko sa kapatid ni Tyang Caring. "Sige, isasama ka namin mamayang gabi, pagbalik namin sa maynila." sabi ng babae, kaya natuwa ako. Ginamot din nila ang mga pasa, at sugat ko para madaling gumaling. Hindi rin ako iniwan nina Tyang Caring at Tyong Pedro. Dito na rin sila matutulog na dalawa, para makita pa nila ako bago ako tuluyang umalis sa probinsya namin. "Joy, lagi mong tatandaan ang mga pangaral sayo noon ng Papa mo, ha? Magpakabait ka doon at mag ingat. Iba na ang lugar na iyon kaysa dito sa probinsya natin." bilin sa akin ni Tyang Caring. Umiiyak siya at niyakap pa niya ako ng mahigpit. "Joy, kunin mo itong konting halaga na ipapabaon namin sayo. Bigay namin yan sayo ng Tyang Caring mo, para may magamit ka doon sa maynila. Mag iingat ka lagi, Joy. Saan ka man makarating ay huwag kang makakalimot tumawag sa nasa itaas. Lagi kang magdarasal, para gabayan ka ng dios sa lahat ng sandali." saad naman ni Tyong Pedro. Inabot din niya sa akin ang tatlong libong pesos para may baon ako. Niyakap ko silang dalawa at nagpasalamat sa lahat ng naitulong nila sa akin. Alam kong hindi ito ang huling pagkikita naming tatlo. Balang araw ay muli akong babalik sa lugar na ito, para bawiin ang lahat ng para sa akin. Makikita ko pa rin sila. Makakabawi pa ako sa lahat ng tulong nila sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD