JOY'S POV... NAGISING ako dahil sa gulat, matapos akong makarinig ng malakas na tunog. Dahil sa gulat at biglang pagkagising ko ay halos hindi ko alam ang aking gagawin. Saka ko lang napagtanto ang nangyayari, pagkakita ko kay Jay. Nakatayo siya sa may pinto, at muli niyang binagsak ang ito para magsara at walang makakita at makarinig sa aming dalawa. "J-Jay, anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Ang bilis din niyang nakarating sa harapan ko. Parang hangin lang siyang nakarating sa tabi ko. Kahit ang lakas ng tahip sa dibdib ko'y, nagawa ko pa rin siyang tanungin. Hindi ko inaasahan na uuwi siya ng biglaan. Ang sabi ni Ate Gema ay umaabot ng isang buwan o higit pa, bago siya muling bumalik ng Pilipinas. Pero depende pa rin sa trabaho niya kung tatawagan siya ng manager niya dito sa Pi

