ANG PAGBABALIK‼️

1566 Words
NAGING maayos ang pagtatrabaho ko dito sa bahay ng mga Del Valle. Unti-unti din akong nasanay sa bago kong buhay. Pati ang katawan ko ay unti-unti ring naka recover, mula sa payat ay nagkaroon na ako ng konting laman. Ang balat kong sunog sa araw ay unti-unting pumuti, at bumalik sa dati kong kutis na natural na maputi. Nagkaroon na rin ng buhay ang mga mata kong dati'y balot sa lungkot at takot. Maganda na rin ang mga kuko ko, dahil hindi na ako naghuhukay ng lupa sa bukid. "Joy, grabe ha! Ibang-iba na ngayon ang mukha at katawan mo. Lalo ka pang gumanda ngayon dahil nagkakalaman kana. Ang puti rin ng balat mo, hindi gaya sa akin na kahit ilang taon na dito sa mansion ay morena pa rin ang balat ko." tuwang-tuwa na pagpuri sa akin ni Ate Gema. "Oo nga, Ate Gema! Para siyang anak ni Madam Emily kung titingnan. Wala sa hitsura niya ang isang kasambahay lang." sabi naman ni Ate Jaquie. "Natutuwa rin ako, anak, dahil dito ka sa pamilya Del Valle napunta. Higit talagang pinagpapala ang mga api. Mahal ka ng panginoong dios, anak, dahil tinuro niya sa iyo ang daan patungo sa bahay na ito." nakangiting sambit ni Nanay Maring. Nanay na ang tawag ko sa kanya ngayon, dahil para ko na siyang ina. Wala din siyang sariling pamilya, dahil dito na daw siya tumandang dalaga sa bahay ng mga Del Valle. Ang mga amo namin ang itinuturing niyang pamilya, dahil wala na rin daw siyang balita sa mga kaanak niya sa Bicol. Mula nang mamatay ang dalawang kapatid niyang lalaki doon ay naputol na rin ang ugnayan niya sa kanilang lugar. "Salamat, Nanay! Dahil sa matiyaga niyong pagtuturo sa akin at pag gabay ay naging maayos ako dito. Muli akong nagkaroon ng pamilya, dahil sa inyong lahat." naluluhang pasalamat ko. "Naku! Mukhang may iiyak na naman dyan. Bigyan niyo nga ng chocolate, para ngumiti." bigla kaming tumawa dahil kay Ate Denz. Kapapasok pa lang niya dito sa kusina, pero napatawa na niya kaming lahat. "Baka gusto mo rin akong pasalamatan, Joy? You're welcome!" dagdag pa niya. "Salamat, Ate Denz. Lagi mo talaga akong napapatawa." tugon ko. "Ang seseryoso niyo kasi! Madali kayong tatanda, kapag lagi kayong nag iisip ng problema. Ang mga problema, kakambal na yan ng ating buhay. Pero kung poproblemahin pa n'yo ang problema, hindi malayong mabal*w kayo. Kaya dapat ay tawanan na lang natin, para laging masaya." pahayag nito. "Mag meryenda ka muna, Denz, baka yang tiyan mo naman ang magka problema, dahil nalilipasan ka ng gutom." saad ni Nanay Maring sa kanya. "Ayan ang gusto ko sayo, Nanay! Alam na alam mong gamutin ang problema ko." tugon nito at hinalikan pa si Nanay Maring, bago umupo at kumain ng pancit. "Siya nga pala. Uuwi daw ang bunsong anak nina Madam Emily at Master James. Baka magtagal siya dito sa Pilipinas. Kailangan nating mag general cleaning sa buong kabahayan, dahil mahilig iyong magdala ng mga bisita dito sa Mansion." pagbibigay alam sa amin ni Nanay Maring. "Ipapalinis ko din ang harden at swimming pool, dahil doon madalas tumatambay sina Sir Jay at mga kaibigan niya." dagdag pa niya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, dahil sa sinabi ni Nanay. Ewan ko ba, para akong kinakabahan at na e-excite. "Naku, Joy, kapag nandito na si Sir Jay, huwag kang gaanong lalapit sa kanya ha! Sa ganda mong 'yan, baka isama ka sa mga collection niyang babae. Napaka playboy pa naman ng batang iyong. Akala ko noon ay si Nathan ang playboy, pero mas malala pala itong bunso, hay! Pero hindi ko naman masisi 'yong bata, dahil talaga namang may hitsura siya. Mga babae na rin ang mismong naghahabol sa kanya, kahit hindi niya pansinin ang mga ito." paalala sa akin ni Nanay Maring. "Opo, Nay..." sagot ko. Lalong lumakas ang kab0g ng dibdib ko, dahil sa tinuran sa akin ni Nanay. Iiwas na lang ako kay Sir Jay, kapag nandito na siya. Kung kaya kong huwag magpakita sa kanya ay gagawin ko, para maiwasan ang anumang sigalot sa buhay ko. Kailangan kong makapag ipon ng malaki, para makapag aral ako sa college. Sisikapin kong makatapos ng pag aaral ko, para mas madali akong makahanap ng mas magandang trabaho. ***** "Jay!... Welcome back to the Philipinnes!" "Oh my God! Hayan na si Jay! Ang guwapo-guwapo talaga niya." "Jay, I love youuuuuuu!" Sa kabila nang mga naririnig ni James 'Jay' Del Valle Jr. na mga sigaw ng kanyang mga fans ay hindi siya nag abalang tumigil sa tapat ng mga ito upang batihin sila. Sanay na sanay na rin siya sa ganitong senaryo, dahil mula pa noong bata siya at maging male model-endorser siya sa kanilang family business na Natasha's Collection. Isa siya sa pinaka sikat na model-endorser ng NATHAN. Isa itong clothing line na para sa mga lalaki. Sikat na sikat ang kanilang Brand name sa buong mundo, kaya kilalang kilala siya ng mga tao kahit saan siya makarating. Kumaway na lang siya sa mga taong naka abang sa kanyang paglabas sa Airport, para hindi na siya matagalan doon. May mga reporters at cameraman din na naka abang sa labas, kaya sigurado siyang malalaman na naman ng buong Pilipinas na naririto na siya sa bansa. Nasa mismong exit naman na naka abang ang kanyang mga bodyguard at naghihintay ang mga ito sa kanya. Agad na naharang ng mga ito ang mga reporters na bigla na lang naglabasan, pagkakita nilang palabas na siya sa Airport. "Welcome back, Sir Jay." pagbati sa kanya ng mga bodyguard. Tanging tango lamang ang kanyang naitugon, dahil sa pagmamadaling makasakay sa kanilang sasakyan. Pagkasakay ni Jay ay agad na umandar ang Limousine, paalis sa Airport. Naiwan muna ang ibang mga tauhan, para harangan ang media sa paghabol sa Limousine. Ngunit marami pa rin nakasunod na sasakyan sa Limousine. Mga sasakyan ng ibang mga tauhan ng mga Del Valle, para siguruhin ang kanyang kaligtasan at maka uwi siya na hindi naaabala at nasasaktan ng mga tao sa paligid. "Where's my parents?" malamig na tanong niya sa dalawang lalaki sa harapan. "Naghihintay po sila sa inyo doon sa mansion, Sir. Gusto nga po sanang sumama ni Madam Emily, pero pinigilan siya ni Master James, dahil baka daw maraming taong naka abang sa inyong pagdating. Bagay na totoo po, Sir, dahil talagang nahirapan ang mga kasama naming i-control ang crowd." tugon sa kanya ni Romero. Ang head ng kanilang Private security. "I don't understand, paano nalaman ng mga tao ang pagbabalik ko dito sa Pilipinas? Hindi ko naman pinagsabi, except my family." nagtatakang tanong ni Jay. "Baka po may kasama kayo doon sa Paris na nagpapakalat ng imformation tungkol sa mga plano niyo sa buhay, Sir Jay. Kung totoo man po ang hinala ko na isa sa mga malalpit niyong kaibigan o kakilala doon ang imformer ng media ay mabuti sigurong huwag muna kayong makipag ugnayan sa kahit sino sa kanila. Mahirap na, Sir, Pilipinas na ito. Kahit marami pa kaming magbabantay sa iyo, kung may taong gusto talaga kayong sirain ay gagawa at gagawa ng paraan 'yon, para masira ang inyong reputasyon." mahabang pahayag ni Romero. Hindi na muling nagsalita si Jay, dahil nasisira lamang ang araw niya sa kakaisip kung sino ang may kagagawan ng pagpapakalat nang kanyang pagbabalik sa Pilipinas. Inayos niya ang pagkakalapat ng kanyang likod sa upuan at ipinilig ang ulo, saka siya pumikit. Mabagal ang usad ng kanilang sasakyan dahil sa matinding traffic, palabas ng Airport. Ang matinding traffic dito sa Pilipinas ang isa sa pinaka hate niya sa lahat, kapag nasa bansa siya. Ang daming oras ang nasasayang kapag naipit siya sa traffic. Mahigit dalawang oras din ang itinagal nila sa daan, bago naka uwi sa kanilang Mansion. Mabuti na lang at nakatulog siya, habang nakasakay siya sa Limousine, kaya hindi siya nainip sa tagal nilang naipit sa traffic. Pagdating nila sa mansion ay naka abang na ang kanyang mga magulang sa Porch ng kanilang napakalaking bahay. Kasama ng mga ito ang mga kasambahay nila na nakatayo sa Porch. "Welcome back home, Anak!" tuwang-tuwa na pagbati ni Emily sa kanyang bunsong anak. Sinalubong niya ito ng yakap at hinalikan sa magkabilang pisngi. "I miss you, Mommy!" saad ni Jay, at niyakap din ang ina. Lumapit din ang kanyang Ama, at nakiyakap ito sa kanila. "Welcome home, Son!" pagbati ni James sa bunsong anak, habang yakap niya ang kanyang mag ina. "Dad!" tanging nasambit ni Jay, at niyakap din ang Ama. Nakayuko naman ang mga kasambahay sa kanila, bilang paggalang. Welcome back, Sir Jay!" sambit ng mga ito, habang bahagyang nakayuko ang ulo. Naging tradisyon na ito sa pamilya Del Valle, dahil mula pa noon ay ginagawa na nila ang ganito. Samantalang tahimik lang si Joy na nakayuko sa bandang likuran ng mga kasama. Nahihiya siyang magpakita sa bagong dating na anak ng kanilang mga amo, at naiilang din siyang makita siya ni Jay. Pagkapasok ng mag anak sa loob ay agad naman na pumunta sa kusina ang mga kasambahay, para ipaghanda ng hapunan ang pamilya. Dumating din ang ibang mga anak nila Emily at James, kaya halos mapuno ang kanilang dining area, dahil sa dami nilang mga apo. Kulang pa nga sila, dahil naiwan sa Paris si Jayden. Ang panganay na anak ni Jasmine Del Valle-Altamera. Kaedaran ito ni Jay at madalas din silang mapagkamalang kambal. Ngunit mas nauna pa ng ilang buwan si Jayden Altamera, kaysa kay Jay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD