PARA akong sinas@ks@k sa dibdib, dahil sa sakit na nararamdaman ko. Bakit ba ganito ang pakiramdam ko sa tuwing makikita ko si Jay sa TV o social media na may kasamang ibang babae? Mahal ko na nga ba siya talaga? Gabi na rin pero hindi pa ako inaantok. Hindi rin pumapasok sa isip ko ang mga binabasa ko, kaya tinigil ko na ang pagbabasa ng mga lesson ko. Kahit pilitin kong ipikit ang aking mga mata ay hindi ko magawang makatulog. Mukha pa rin ni Jay ang nakikita ko, kahit pilit ko siyang winawaglit sa aking isipan. Dahil sa inis ko ay bumangon na lang ako. Nagsuot ako ng bathrobe at nagtungo sa may sliding door patungo sa balcony. Hinawi ko ang kurtina ng glass door. Binuksan ko ito at lumabas ako, para magpahangin. Lumapit ako sa duyan na parang sofa na nakasabit sa ceiling. Umupo ako

