BIGLANG dumating ang Professor namin, kaya tumigil na rin sa pagtatanong sina Yasmine at Beth. Pagkatapos ng exam namin ay ginawa naman namin ang group project. Magkakasama pa rin kaming siyam sa pag gawa. "Joy, nasa kotse ko pala 'yong binili mong photo frame. Kunin mo na lang mamaya, paglabas natin dito." saad ni Quinn. "Ay, oo nga pala! Nakalimutan ko palang kunin last friday." sagot ko. "Pa'no mo makukuha, eh, bigla ka nalang tinangay ng asawa mo!" sambit naman ni Beth, ngunit ang tingin ay nasa ginagawa namin. Bigla akong kinabahan, dahil sa sinabi ni Beth. Hindi ko tuloy malaman kung paano ko sasabihin na hindi si Jay 'yon. Kung bakit naman kasi bigla na lang akong hinila sa harap nang maraming tao. "Beth, Yasmine, puwede ba akong hindi muna sumama sa practice ngayon? Kail

