3 DAYS LATER... PATAKBONG lumapit ang Security Guard sa gate, para tingnan kung sino ang nasa labas na walang habas kung mag-doorbell. Ilang beses itong nag-doorbell nang sunod-sunod, at ngayon naman ay sumisigaw na ito sa labas habang kinakalampag ang bakal na gate. Binuksan ng guard ang maliit na bintana upang makita kung sino ang nasa labas. Sumilip siya sa labas at nakita nito ang isang kulay pulang kotse na naka parked sa harap ng gate. Kunot noo ang guard nang makita ang sexy na babaeng nasa labas. "Ms. bakit ka ba nambubulabog dito? Sino ka ba, at anong kailangan mo dito? Wala naman tawag mula sa main gate Security na may darating na bisita ang amo ko." tanong ng guard. Kinuha na rin niya ang cellphone at nagsimula nang magpindot, para ma-contact ang kanyang boss. Lalo namang

