ISANG malakas na sampal ang natanggap ni Aubrey, mula sa ama. Kararating lang niya sa kanilang bahay, mula sa police station kasama ang abogado. Agad din siyang nakalabas ng kulungan matapos magbayad ng malaking piyansa ang kanilang family Lawyer na inutusan ng amang senador. "Wala kang k'wentang anak! Puro kahihiyan na lang ang binibigay mo sa pamilyang ito. Wala kanang ginawang matino, Aubrey!" nag e-echo ang malakas na boses ni Senador Reid Uson Ledesma sa buong kabahayan, dahil sa galit nito sa nag-iisang anak. "Dad, I'm sorry if you think I'm a worthless daughter. I just want to be with Jay! I love him so much, and I feel so empty when he's not around." umiiyak na paghingi niya ng paumanhin sa ama. "Sorry!? Lagi na lang sorry! Tapos ano, bukas o sa makalawa, ibang eskandalo na

