"E$TUP!ÐØ!" malakas na sigaw ni James, kasabay ng pagdapo ng palad niya sa ulo ni Jay. Galit na galit siya sa kanyang bunsong anak, dahil sa ginawang kapangahasan kay Joy. Agad namang hinila ni Emily ang asawa, dahil naawa siya sa bunsong anak. Halos hindi na ito makapag mulat ng mata, dahil sa pamamaga ng buong mukha nito. Namamaga din ang labi nito na may sugat sa bandang ibaba, kaya hangga't maari ay ayaw ni Emily na madagdagan pa ang mga pasa nito. Labis siyang nahihirapan na makita si Jay sa ganong kalagayan, dahil anak niya ito at mahal na mahal. Dinala niya ng siyam na buwan sa kanyang sinapupunan at ipinanganak sa pamamagitan ng C-Section, inalagaan ng husto at halos ayaw niyang padapuhan ng lamok o langaw. Pero ngayon ay makikita niyang lamog na lamog ang mukha nito, dahil sa gi

