JOY'S POV... KINAKABAHAN ako, habang naghihintay dito sa loob ng kuwarto. Nakabihis na ako ng damit pang kasal. Bigay ito sa akin ni Ma'am Jasmine. Siya rin daw mismo ang nag design sa gown na ito. Simple lang siya, pero napaka eleganting tingnan. Sabi naman ni Ma'am Samantha ay napakamahal daw nito sa Natasha. Limited edition din ito, dahil sa mahal ng mga beads crystal na naka design dito. Sila din dalawa ang nag ayos sa akin, para maganda daw ako sa araw ng aking kasal. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiiyak. Hindi ko inaasahan na makakasal ako sa edad na dese-otso, at sa lalaking hindi ko pa nakikilala nang lubusan. Natatakot din ako sa maaring maging buhay ko sa piling niya. Sana lang ay maging mabait siya sa akin kapag nakasal na kaming dalawa. Sabi ni Ma'am Jasmine kanina

