TINAWAGAN ni Nathan ang kaniyang mga tauhan, para ipahanap ang kambal na nasa video. Gusto nitong malaman kung sino ang ama nila, para patunayan sa kaniyang asawa na hindi niya mga anak ang kambal na babae. Mula sa paulit-ulit nitong panunood sa video ay bigla siyang nagkaroon ng idea kung kaninong mga anak ang kambal na babae. Kahit wala siyang sapat na katibayan ay malakas ang kutob niyang tama ang kaniyang hinala. Inaral din niyang mabuti ang petsa, at buwan ng kaarawan ng mga ito, pati ang taon. Sa mga nabuong sagot sa kaniyang isipan ay tumutugma sa isang pangyayari nang nakaraan. Matapos makausap ni Nathan ang kanang kamay na si Mike ay tumayo ito at humakbang patungo sa side ng kaniyang higaan. Binuksan ang drawer, at inilagay sa loob nito ang bar*l na laging naka sukbit sa kani

