KULANG na lang ay takasan ako ng ulirat, dahil sa takot na lumukob sa akin. Hindi rin ako makagalaw, dahil ang buong akala ko ay ito na ang katapusan ko. Isa sa mga bodyguard ko ang nagpaputok ng bar*l. Pinatamaan nito ang kamay ni Pia, para hindi niya maituloy ang plano niyang pagbar*l sa akin. Agad naman niyang nabitawan ang hawak niyang baril. Sumisigaw siya at namimilipit sa sakit, dahil sa tama ng b@la sa kanyang kamay. Napaupo siya sa lupa, habang hawak nang kaliwa niyang kamay ang natamaan ng b@la. D*gųan ang mga kamay niya na nagpapalahaw sa iyak. "Mga hayøp kayo! Hayøp kayong lahat!..." malakas niyang sigaw. "Ikaw ang mas hayøp, dahil sa pagtatangka mong saktan ang amo namin! Nagkamali ka ng binangga mo! Hindi ka patatawarin ng Boss namin." narinig kong sambit ng isang B

