bc

SELENDRINO (Maledictus Princeps) TAGALOG

book_age18+
496
FOLLOW
2.3K
READ
adventure
mystery
magical world
secrets
superpower
witchcraft
supernatural
special ability
kingdom building
war
like
intro-logo
Blurb

Paano kung nalaman mong ikaw ang nararapat na tagapagmana ng kaharian ng Miharla?

Kailangang itago ng taong nagligtas sa'yo ang iyong katauhan sa likod ng pangit na mukha. Sa pamamagitan ng isang babae ay unti-unti mong natuklasan ang iyong tunay na pagkatao.

Siya si Selendrino, ang prinsipe ng Miharla. Lumaki siyang nasanay na sa panlalait ng mga tao dahil sa pangit niyang kaanyuan.

Ngunit sa isang halik ng babaeng tunay na nagmamahal sa kanya ay lumalabas paunti-unti ang totoo niyang mukha.

Kailangan niyang bawiin ang kaharian sa kamay ni Haring Gazin na siyang pumatay sa ama niyang hari.

Dapat niyang iligtas ang inang reyna kay Haring Gazin.

Maraming pagsubok ang dinaanan niya para lang ipaglaban ang dapat ay sa kanya.

Paano kung hindi mo rin alam kung sino sa dalawang babae ang nakapag-alis ng sumpa?

Si Prinsesa Izazna na siyang kinikilalang anak ng ina niya? O ang matalik na kaibigang si Aniyah?

Kaninong halik kaya ang nagsilbing susi para malantad ang tunay niyang katauhan?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Lakad-takbo ang ginawa ng matandang may hawak ng isang sanggol. Naririnig pa niya sa di kalayuan ang tunog ng takbo ng mga kabayo. Kahit nahihirapan na sa paghinga ay hindi pa rin siya tumitigil. Hindi sila maaaring maabutan ng mga kawal ni Haring Gazin. Naaawang tiningnan niya ang maamong mukha ng sanggol habang tumatakbo. Hindi niya napansin ang nakausling sanga ng kahoy kaya't napatid ito ng mga paa niya na siyang ikinadapa niya sa lupa. Tumilapon ang sanggol na hawak-hawak niya kanina. Mabilis na ikinilos niya ang isang kamay at itinuon sa sanggol na pabagsak na sana. Biglang natigil sa ere ito at nanatiling nakalutang lang habang itinatayo niya ang sarili. Papalapit na ang tunog ng mga kabayo at mga kawal. Iginalaw niya ang isang palad para papuntahin sa direksiyon niya ang nakalutang na sanggol. Maagap na kinarga niya agad iyon. Hindi man lang umiiyak ang bata habang nakatitig sa kanya. Ipinikit niya ang mga mata at idinikit sa mukha nito. "Deformem vultus abscondere veros vultus. Personalitas non debet ab aliquo revelariDeformem vultus abscondere veros vultus. Personalitas non debet ab aliquo revelari." Paulit-ulit na sinasambit iyon ng matanda hanggang sa biglang may liwanag na nanggagaling sa palad niyang nasa mukha ng sanggol. Nang imulat niya ang mga mata ay malungkot na tiningnan niya ang sanggol. Ang kanina'y maamong mukha nito ay napapalitan na ng kakaibang hitsura. Ang manipis at maayos na kilay ng sanggol ay naging makapal. Ang labi nito ay hindi rin nakaligtas at bigla ay umusli ang ibabang parte nu'n. Ang orihinal na tuwid na buhok nito ay naging kulot na mukhang nagbubuhol-buhol sa ulo ng sanggol. Kinuha niya ang kwintas na suot ng bata. Idinikit niya ang bilog na pendant na may simbolo ng kaharian ng Miharla sa noo nito. Bumuka uli ang bibig ng matanda para sa isang orasyon at maya-maya ay unti-unting naglaho ang kwintas. Pumalit sa noo ng sanggol ang isang malaking pigsa na napapalibutan ng mumunting buhok. Bumuntunghininga ang babae at matamang pinagmamasdan ang kargang bata. " Patawarin mo ako, Prinsipe. Kailangan kong itago ang tunay mong anyo para sa ikabubuti mo. Isang halik ng babaeng tunay na nagmamahal sa'yo ang siyang magiging simula ng pagkawala ng sumpang ito. Sana mahanap mo siya sa panahong kailangan mo nang bawiin ang kaharian mo sa kamay ng kaaway." Biglang pumalahaw ng iyak ang sanggol kung kailan nasa malapit na nila ang mga kawal. " Iyak ba iyon ng sanggol?" Tumigil ang mga kabayong nagsitakbuhan kanina. Kinakabahang tumayo na ang matanda at tahimik na sanang magpatuloy sa paglakad. " Hoy, tanda! Ano iyang hawak mo?" Nakakatakot na boses ng isang kawal ang nagpatigil sa kanya. Huminga pa muna ito nang malalim bago humarap sa kawal na iyon. " Apo ko ito. Naabutan kami ng gabi sa daan at kailangan ko nang umuwi agad dahil masama sa sanggol ang abutan ng dilim dito sa kagubatan," malumanay na sagot ng matandang babae habang pilit na itinatago sa dibdib ang mukha ng sanggol. " Akina ang bata. Mahigpit na ipinag-uutos ni Haring Gazin na kunin ang lahat ng mga bagong silang na sanggol," lumapit na sa kanya ang kawal na may mabagsik na mukha. " Parang awa mo na. Kailangan ko talagang umuwi na at kanina pa nagugutom ang apo ko," pagmamakaawa ng matanda. " Sabi nang akina yan, tanda!" Walang nagawa kundi iabot ng matanda ang sanggol sa kawal bago pa nito hablutin iyon sa kanya. " Naku naman, tanda! Dapat ay hindi mo na binuhay ang apo mo. Papahirapan mo lang ang buhay ng batang ito paglaki niya!" Mabilis na ibinalik sa kanya ng kawal ang sanggol na parang rinding-rindi sa nakita. " Bakit, Menandro?" Sumabat na ang isa sa mga kasamahan nito na nakasakay pa rin sa kabayo. Umiling-iling ang kawal na tinawag nitong Menandro habang pabalik na sa kabayong sinakyan nito kanina. " Ang pangit ng mukha parang isinumpa!" Tumawa pa ito nang malakas na ikinatawa na rin ng iba pang mga kasamahan nito. " Huwag na huwag mo na iyang ilabas ng bahay ninyo kapag nakauwi ka na. Mahihintakutan kung sinuman ang makakakita diyan. Pwe!" Dumura pa ang kawal pagkatapos nitong sabihin iyon. Nakasakay na ito uli sa kabayo at inutusan nang umalis na rin ang mga kawal na kasama nito. Saka lang nakahinga nang maluwag ang matanda nang tuluyan nang nakaalis ang mga ito. " Tibayan mo ang loob mo, Prinsipe. Kayanin mo ang lahat ng pagsubok na pagdadaanan mo. Huwag mong hayaang ang huwad na kaanyuan ang magiging kahinaan mo," bulong ng matanda sa sanggol na tumahimik na rin habang pumipikit-pikit na ang mga mata. Hindi na niya kailangang tumakbo para iwasang makita ng mga kawal ngayong naitago na niya ang tunay na anyo ng prinsipeng sanggol. Naglakad pa siya nang halos isang oras bago tumigil sa isang tahimik na kubo. Kumatok siya ng tatlong beses sa pinto nu'n. " Sandali lang at nariyan na," sabi ng boses babae sa loob ng kubo. Inilapag niya agad sa ibaba ang kargang sanggol sa harap ng pinto at mabilis na nagtago sa isang malaking puno sa tabi. Sumilip siya habang nakatago roon. Nakita niyang bumukas ang pinto at iniluwa nu'n ang isang matabang babae na may mabait na mukha. Napakunot-noo ito nang walang makita. Biglang umiyak uli ang sanggol kaya't napatingin ang babae sa may paanan nito. Nanlaki pa ang mga mata ng babae nang makitang may sanggol doon. " Kalim!" Yumuko ito para kunin ang sanggol. Sumigaw uli ang babae na parang may tinatawag sa loob habang pinaghehele ang sanggol na patuloy sa pag-iyak. " Bakit, Gertrude?" Pupungas-pungas pa ang mukha ng lalaki nang tumabi na sa babae. " Tingnan mo. Isang munting anghel ang iniwan sa labas ng bahay natin," nakangiting sabi ng babae na hindi inaalis ang tingin sa sanggol. Tumahimik na uli ang bata nang isayaw-sayaw ito ng babae. " Kaninong anak iyan, Gertrude?" Gulat na tanong ng asawa nito. " Iniwan siya rito sa atin kaya't mula ngayon ang batang ito ay magiging anak na natin." Hindi umimik ang lalaki habang tinitingnan na rin ang sanggol na hawak ng asawa. Walang makikitang bakas ng pandidiri o pagkatakot sa mukha ng mag-asawa. Bagkus ay parehong napapangiti ang dalawa habang hindi inaalis ang mga mata sa sanggol. " Ano ang ipapangalan natin sa kanya?" tanong ng lalaki. " Papangalanan natin siyang Selendrino Benedictio dahil isa siyang biyaya sa atin," nakangiting sabi ng babae. " Sa tingin ko ay gutom na gutom na ang anak natin. Ipasok na natin sa loob," mungkahi naman ng asawa nito. Inilibot muna ng babae ang tingin sa palibot bago pumasok. Pilit na hinahanap kung sino man ang nag-iwan ng sanggol sa labas ng bahay nila. Pagkasara ng pinto ng kubo ay saka lang umalis sa pagkakakubli sa malaking kahoy ang matandang babae. Alam niyang iniwan niya sa mabubuting mga kamay ang prinsipe. Matagal na niyang alam na hindi kailanman magkakaanak ang mag-asawa at ang pinakihiling ng mga ito ay ang magkaroon ng isang anak. Ibinigay niya ang sanggol sa mga taong alam niyang hindi ito pababayaan. Ikinumpas niya ang mga kamay pataas at unti-unti na ring nag-iba ang anyo niya. Ang kanina'y matandang babae ay naging maganda at batang dilag na ngayon. Iyon ang tunay niyang anyo. Kailangan lang niyang magtago sa mukha ng isang matandang babae para hindi malaman ng kapatid ang tungkol sa pagtakas niya sa prinsipe. Ang kapatid niya ay ang kinakatakutang mangkukulam ng Miharla na si Nimwe. Nagpanggap siyang katiwala ng kaharian nang manganak ang reyna kahapon. Ang kapatid niyang si Nimwe ang nagpaanak kay Reyna Amara. Niloko ng kapatid niya ang reyna at sinabing itatago nito ang anak nito kung magiging lalaki man iyon. Ipinag-utos kasi ng bagong hari ng Miharla na si Haring Gazin na ipapatay ang anak ng reyna kung saka-sakaling maging lalaki iyon. Nasa propesiya kasi na ang anak na lalaki ni Haring Alanzo ang papatay sa kanya. Mahigpit na kaaway niya si Haring Alanzo. Hindi iilang beses na naglabanan sila para sa kaharian ng Miharla at lagi ay umuuwi siyang bahag ang buntot. Nakilala ni Haring Gazin si Nimwe at binigyan siya nito ng kapangyarihan upang matalo si Haring Alanzo. Magtatatlong linggo na mula nang mapatay ni Haring Gazin si Haring Alanzo, ang asawa ni Reyna Amara. Nagsimula ang pagiging mortal nilang magkaaway nang pareho silang umibig sa iisang babae na si Amara. Nagmamadaling umuwi na si Tiana. Natatakot siyang maghinala si Nimwe. Nasa kaharian ngayon ang kapatid at kasalukuyang binabantayan ang kapapanganak lang na reyna. Sa likod na parte ng palasyo siya dumaan. Sumilip siya sa kwarto ni Reyna Amara. Pupuntahan niya sana ang reyna para damayan ito sa paghihinagpis. Alam niyang hindi madali ang pinagdaanan nito. Kakamatay lang ng lalaking pinakamamahal nito at ngayon ay inakala nitong patay na rin ang bagong silang nitong sanggol. " Reyna Amara, ikinalulungkot ko pong..." " Saan ka galing, Tiana?" Ang boses ng kapatid ang nagpahinto sa kanya sa pagsasalita. Hindi niya kasi ito nakita kanina kaya't akala niya ay nag-iisa lang ang reyna. " Ahm, m-may pinuntahan lang akong mag-asawang humingi ng tulong para magkaanak," pinilit niyang huwag gumaralgal ang boses sa kaba. " Ilang beses na ba kitang pinagsabihan na huwag mong sayangin ang kakayahan mo sa mga ordinaryong tao?" Hindi siya umimik. Ayaw na ayaw ng kapatid niya na ginagamit niya ang kapangyarihan niya para tumulong sa mga tao. Tumingin uli siya sa reyna. Nagtaka pa siya nang nakatuon ang tingin nito sa isang nakabalot ng kumot sa tabi nito. Lumapit siya sa reyna at saka ito tumingin sa kanya nang nakangiti habang naiiyak. " Hindi man lang nakita ni Alanzo ang anak namin. Napakaganda ng aming prinsesa," itinuon uli nito ang mata sa tabi nito at saka lang niya napansin ang isang sanggol. Prinsesa? Paanong... Napalingon agad siya sa kapatid na lumapit na rin sa kanila. " Babae ang anak ng reyna at ipinayo kong pangalanan siyang Izazkan para mag-iba ang ihip ng kanyang kapalaran," nakangiting sabi ni Nimwe na nasa sanggol na rin ang mga mata. Izazkan? Pangalan iyon ng pamangkin niya! Kapapanganak lang din ni Nimwe nu'ng isang linggo. Para siguraduhin ang hinala ay sumampa siya sa kama para makita nang malapitan ang sanggol na ikinagulat ng reyna. Isang magandang sanggol ang nakikita niya. Anag anak ng kapatid niya ay hindi kasingganda ng sanggol na iyon. Itinago rin ba ng kapatid niya ang totoong anyo ng anak nito para ipaako sa reyna? Nagtatanong ang mga matang tumitig siya sa kapatid. " Siya si Prinsesa Izazkan ang anak ng Reyna Amara at Haring Alanzo. Siya ang natatanging tagapagmana ng kaharian ng Miharla," walang gatol na sabi ni Nimwe. Sa sinabi nito ay alam na niya kung bakit kusang-loob nitong ibinigay sa reyna ang sariling anak. Walang kaalam-alam si Amara na ang totoong anak nito ay nasa kagubatan at inaalagaan ng ibang tao. Masama ang tinging ipinukol niya sa kapatid. Paalis na sana siya ng silid na iyon nang pigilan siya nito at saka binulungan. " Walang sinuman ang dapat na makaalam tungkol sa pagkatao ni Izazkan. Ang totoong anak ni Amara ay patay na at ipinakain ko na sa mga aso. Huwag mo akong tatraydurin dahil hindi ako magdadalawang-isip na patayin ka sa isang pagkakamali mo lang," pagbabanta nito sa kanya. Wala siyang naramdamang takot sa sinabi ng kapatid. Galit ang nangingibabaw sa kanya. Mabilis na umalis na siya nang bitiwan siya ni Nimwe. Ang katawan ng sanggol na ibinigay niya sa babae nu'ng magpalit anyo siya bilang katiwala ay hinukay niya lang sa isang libing kagabi.Malalaman kasi nito kung bibigyan niya ito ng isang bangkay ng hayop at papalitan lang ng anyo ng sanggol. Gusto niyang maiyak sa kaalamang ipinakain nito sa mga aso ang bangkay na hinukay niya pero kailangan niyang gawin iyon para maprotektahan ang prinsipe. Ipinapangako niya sa sarili na hinding-hindi niya pababayaan si Prinsipe Selendrino.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
79.9K
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
26.3K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
2.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.6K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Ang lihim ni Prof [SSPG]

read
19.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook