PAGE (2)

1436 Words
Alas kuwatro pa lang ng madaling araw ay gising na gising na ang diwa ko, maliban sa nag iipon ako ng tubig, nagpapakulo, at nagsasaing, ay dinadama ko ang maalinsangang hangin sa bintana ng kuwarto ko. Iisang kuwarto lang naman kami ni Liezel, gawa sa light materials ang bahay na ito, sapat lang sa two thousand five hundred na upa bawat buwan. katabi ng bintana ay ang study table ko na pinamana lang ng dating umuupa dito, may maliit aking de sinding lampara na kailangan ng gas. mga ballpen, na madalas ay nakukuha ko lang sa ilalim ng upuan. Notebook, pinaglumaan ni Liezel at 'yong iba bigay ni Ms. Candei. katabi ng study table ko ay kama agad, na nagsilbi ko na ring upuan. may luma ngunit gumagana pa akong type writer, I can't afford computer, pero minsan nanghihiram ako kay Liezel. Doon ako nagsusulat ng mga kwento. Kapag ganitong oras gustong gusto ko na nasa harap ako ng bintana, ganitong oras din ang writing habit ko. pero ngayon, nakatunganga lang ako, marahil ay kinakabahan at nag aalala na wala pa rin akong mahanap na trabaho. Napaigtad ako sa pagkakaupo ng umuga ang kama ko, nakaupo na si Liezel sa kabilang parti ng kama at may dalang umuusok na mug sa amoy nito'y alam kong paborito namin ito nescafe stick. Mabilis ko itong inabot sa kanya kasi wala nang hawakan ang mug ko na kulay black, paborito ko to at ayaw ko naman palitan. Parti na yata ng buhay ko ang mug na to. "Salamat," saad ko. "Ano iniisip mo Guada?" "trabaho." Umuga ang kama ng umusog siya at humiga, may sarili naman siyang kama e. Pero alam ko na kaoag ganito siya ay gusto niyang maramdaman ko na hindi ako nag iisa. "Don't loss hope, marami diyan. Hindi lang natin nasusuyod." "Alam ko," natahimik kami pareho, alam kong nakatingin siya saakin at tila inuusisa ako. "Guada, I know what you are thinking. I wont leave you." Napaangat ang gilid ng labi ko habang sumisimsim sa tasa ng kape. "You have your choice, Liz." Matapos naming magkape ay kanya-kanya na kaming bihis ni Liezel, masiyadong mahaba ang araw na ito kaya nag jeans lang ako at tenernohan ko ng black mockneck na katamtaman ang pagkakahapit sa katawan ko, wala akong choice kundi isuot ang halos pasuko ko ng tennis shoes. Pangit naman na aaply ako ng work, tapos naka dragon na tsenelas ako. pinusod ko ang mahabang buhok, habang nakaharap sa salamin ay hindi ko maiwasang mapangiti sa brown complexion ng aking balat, hindi ako kaputian dahil sa araw-araw na pagbibilad sa araw ng campus journo pa ako. Katamtaman lang din ang pangangatawan, sapat na dahilan siguro kung bakit wala pang nagkakamaling manligaw sakin. Maliit ang hulma ng aking mukha, maliit na ilong pero hindi naman failure, maliit din ang manipis kong labi at natural ang pula nito dahil hindi naman ako nag a-apply ng kahit na ano. Ang pinakamadaling mahalata sa akin ay ang mga makakapal kong kilay, wala halos nakakapansin ng mga mata ko dahil sa kapal ng glasses ko. Compare to Liezel, siya 'yong mahinhin, dalagang Pilipina! Maraming nagkakagusto sa kanya, at kilala siya sa University dahil sa intellectual capacity niya. She has her porcelaine complexion, sa tangkad na 5'7 ay lagi akong nangangalay kakatanga kapang nag uusap kami. Kung ako medyo maalon ang brown na buhok, ganon naman ang kintab at straight niyang kulay itim na buhok. Marami kaming pagkakatulad, pero perfect opposite naman kami when it comes to external beauty. "Idaan natin ang mga requirements ko tapos may nabasa ako kanina habang naliligo ka, hiring ang bagong bukas na kainan dito. Malapit lang 'yon sa Cheesy Bite!" Nahimigan ko ang excitement niya para magkaron din ako ng trabaho. Sana matanggap ako. Kasi mas gugustuhin kong malapit lang sa Cheesy bite kung saan nag pa-part time si Liezel. SUCCESSFUL ang pagsumite ni Liezel ng mga requirements, at mamayang gabi na ang shift niya. "Congrats, Liz!" Para kaming mga baliw na nagyakapan pa. Malaking bagay sa amin ang part time job, ito lang ang paraan para makapagtapos kami ng pag-aaral. "Sigurado akong uuwi tayong dalawa ngayon na may trabaho pareho!" Sabi nito na punong-puno ng pag-asa. Kinapitan ko na lang din ang positive vibes ni Liezel. Pero parehong nalaglag ang mga balikat namin ng wala na palang hiring sa resto na sinasabi ni Liezel at ng isang linggo pa pala tapos 'yon. Napabuga na lang ako ng hangin. "wala na po ba talaga manong? Kahit dishwasher na lang po." Desperada kong tanong. "Sorry, Hija. Wala na talaga." Nanlumo ako ng wala na talagang pag-asa na makapag work ako malapit kay Liezel. "Ayos lang yan, Guada. Maghanap pa tayo." Nagkibit balikat lang ako, at aalis na sana. Ngunit may lalaking nagmamadaling maabutan kami sa b****a ng resto kung saan kami kinakausap ng guard. "Ms. Mercedez!" umugong ang baritono nitong boses. Nakasuot ito ngayon ng malaking puting t-shirt, maluwag na jeans, at naka dragon pa rin. . . Is he really an editor in chief? Napakurap ako ng nasa harap ko na si Sir luke. halos hindi ako makatingin sa knaya ng deritso, naalala ko nanaman ang katangahan ko! 'yong text na aksidente kong na i-send sa kanya. "ano ginagawa niyo dito?" "we are looking for a part time job, Sir." Sabat ni Liezel. "Kaso punuan na pala rito, matagal nang tapos ang hiring." dagdag ko. bahagya itong natigilan, at napahawak sa ibabang labi niya na animo'y may bigote siya kahit wala naman. "You know guys, my publishing company is hiring. Besides Mercedez has a session with me, why not join my company in binding department. Wala kayong gagawin kundi mag assist sa printing at pag bi-bind ng mga libro." "talaga Sir?" Tila isang liwanag ang ang mistulang lumitaw sa harsapan ko. "Wala rin kayong problema sa pagkain, sagot lahat ng company 'yon." Dagdag pa nito. It's too good to be true! Pero talagang katotohanan ito, may matino na akong part time Job! "Hindi ka na mahihirapan sa workshop mo Mercedez, kasi araw-araw tayong magkakasama sa printing shop." "Sir, sobrang maraming salamat." Inabot ko ang kamay nito para makipag shake hands. "You can start you job tomorrow, here's the address." May kinuha ito sa wallet niya at inabot sa akin. "Dalawa kayo, pwedeng pwede." sumilay ang mga mapuputi nitong ngipin. Sir Luke seems an angel in disguise, thanks to Ms. Kath. Dahil sa kanya nakilala ko si Sir Luke. "Thank you, Sir." Halos Pareho kaming napatili ni LIezel sa natanggap naming trabaho. Wala na daw requirements since kilala naman na kami ni Sir. NAPAGDESISYONAN ni Liezel na e-withdraw na lang ang contract niya sa Cheesy bite, kasi mas maganda ang offer ni Sir. MUla 8:00 am to 4:00 pm lang kami sa shop, unlike don night shift siya. Makakapagpahinga pa kami ng maayos at hawak ko ang oras ko sa pagsusulat. Naghanda na kami ni Liezel para sa unang trabaho namin bukas, maaga kaming nag hapunan at pinagsaluhan namin ang cup noodles at malamig na kanin. Tahimik lang akong nakatunganga sa study table ko. . . isa isang iniisip ang mga nangyari ngayong araw. Parang ang bilis naman yata na pawi ang pag-aalala ko. Ngayon pa lang nag iisip na ako kung paano kami makakabawi kay Ms. Kath at Sir Luke sa kabutihan nila. Hindi rin ako pinapatulog ng isipin kung anong plot ng story ang ipapalimbag ko sa publication ni Sir Luke. I have lot of ongoing stories, pero ni isa don ay wala akong maisip kung alin do'n ang ipapasa ko. Nakatulog ako ng gano'n pa rin ang iniisip, ang totoo maliban sa Hiatus syndrome ko ay wala run aking permanenteng genre na masasabi kong gamay ko. "Good morning, Tiny!" Masiglang bungad ng malumanay na boses ni Liezel. Nakabihis na ito ng puting dress niya na hanggang tuhod. "Bigay todo ka sa pormahan ngayon, a." Saad ko matapos pasadahan siya ng tingin. "Remember tiny Guada, That you can't do a second impression. Kaya MAke the most of it." napapailing na lang ako at sinuot na ang black bonnet ko. Nag t-shirt lang ako at jeans, saka ko isinukbit sa likod ang korean style kong bag. We are now heading for our first day of work! Napabuntong hininga ako, akala ko talaga proproblemahan ko ng work sa loob ng isang linggo. Halos manlaki ang mga mata ko ng makapasok na kami sa bulding ng publishing company ni Sir Luke, kulang ang salitang wow para ilarawan ang buong esteblishemento. Sumabog sa ilong ko ang amoy ng mga papel, amoy libro talaga ang loob. Kahit saan ako tumingin ay mga busy ang tao, kanya-kanya may ginagawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD