CHAPTER ONE
JAMIL ROXANNE
Nagising ako sa mahimbing ko'ng pagtulog dito sa sofa ng may naramdaman ako'ng malamig sa aking katawan. Kaya napabalikwas ako ng bangon. Basang-basa ako dahil sinabuyan pala ako ni Tiyang ng tubig. Galit na galit ang mukha niya na parang ba'ng sasakalin ako. Basta ganito siya, panigurado talo na naman siya sa sugal. Sa sobrang pagod at gutom ko kanina ang plano ko lang sana magpahinga, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Masama rin kasi ang pakiramdam ko kaya hindi ko na talaga mapigilan na makatulog.
"Ang sarap ng buhay mo'ng bwesit ka! Pa tulog tulog ka lang." Sigaw niya saka tinapon sa akin ang hawak niyang balde. Kaya napahawak ako sa aking ulo sa sakit. Hindi pa ako naka hulma sa sakit nang lumapit siya at sinabunutan ang buhok ko.
"Tiyang, tama na po! Ang sakit po Tiyang. Sorry po, kung nakatulog ako. Sobrang pagod at gutom na kasi ako Tiyang." Umiiyak ko'ng sabi habang hawak ang kamay niya na naka sabunot sa buhok. Parang pati ulo ko mawawala sa leeg ko sa sobrang sakit sa ginagawa niya sa buhok ko.
"Marunong ka nang mag reklamo? Ano ba ang trabaho mo dito? Pasalamat ka inalagaan pa kitang bata ka na walang silbi bwesit. Magluto ka ng hapunan nagugutom na ako. Wala ka talagang silbi." Sigaw niya, saka pabalya niyang binitawan ang buhok ko, kaya napa sobsob ako sa sahig. Parang walang pakialam na umalis siya harapan ko. Napahawak ako sa ulo ko sa sobrang sakit. Kahit nanghihina ako, tumayo pa rin ako para kumuha ng pamunas para punasan ang sahig. Sobrang lamig dahil medyo masama ang pakiramdam ko. Pero hindi pa ako pwedi mag bihis dahil kailangan ko munang unahin ang sahig para kung ano na naman ang gagawin niya sa akin.
Ganito ang buhay ko sa poder ni Tiyang Belen, simula ng mamatay ang Nanay ko. Sampong taon palang ako nang namatay ang Nanay ko dahil naaksidente. Nasagasaan si Nanay ng delivery truck habang naglalako siya ng kakanin. Tinulungan naman siya ng driver para madala sa hospital, ngunit hindi na umabot si Nanay sa hospital at tuluyan ng nawalan ng buhay. Hindi ko rin kilala ang tatay ko dahil hindi sinabi ni Nanay at hindi ko na daw kailangan alamin dahil may ibang pamilya na si Tatay. Pagkatapos ng libing ni Nanay si Tiyang Belen na ang nag alaga sa akin dahil siya lang naman ang nakilala ko'ng pamilya. Sa Manila siya nakatira, pero n'ong namatay si Nanay umuwi siya para asikasuhin ang libing ni Nanay. Ang akala ko mamahalin at alagaan niya ako katulad ng ginawa ni Nanay pero hindi pala. Dahil sa una lang siya naging mabuti sa akin n'ong binigyan kami ng pera ng may-ari ng truck. Ang akala ko nga magpa tuloy ako sa pag-aaral, ngunit pagkatapos ko ng grade six hindi na ako pinaaral ni Tiyang Belen.
Araw-araw nasa sugalan siya. Hindi ako nagtatanong o reklamo dahil palagi niyang sinasabi na magpasalamat ako dahil inalagaan niya pa ako. Pero parang hindi naman, dahil ako ang gumagawa ng lahat na trabaho sa bahay. Kahit bata pa lang ako nuon, alam ko na ang gawain sa bahay dahil tinuruan ako ni Nanay. Sa tuwing sinisigawan at sinasaktan niya ako, wala ako'ng imik sa lahat habang umiiyak ng tahimik. Lahat tiniis ko hanggang sa tumuntong ako ng disi-otso. Parang sanay na ako sa mga masakit niyang salita at pananakit niya sa akin lalo na kapag natalo siya sa sugal. Wala naman ako'ng mapuntahan kaya tiniis ko nalang. Nang maubos ang pera na binigay sa amin. Nagka utang si Tiyang Belen sa lahat na pwedi mautangan. Marami ang nagreklamo sa kaniya hanggang sa umalis siya sa Mindanao at sinama niya ako sa bahay niya dito sa Tarlac. Ayaw ko sanang sumama kaya lang sinabi niya na ako ang sisingilin ng mga pinag-utangan niya. Kaya kahit ayaw ko, wala naman ako'ng pag pilian.
Pagdating namin sa Tarlac akala ko magbabago na siya , ngunit hindi pa rin pala. Mas lalong masalimuot ang buhay ko sa kaniya. Naglalaba ako ng mga damit na hindi ko alam kung kanino dahil hindi naman ako makalabas ng bahay. Kapag lumabas siya, pagbalik niya sa bahay marami na siyang mga labahin na dala at pinalaba sa akin. Sobra pa ako sa isang preso sa kaniyang bahay. Dahil hindi niya ako binibigyan ng pagkain. Kung maganda ang mood niya saka niya ako bibigyan pero sobrang kunti naman. Makalipas ang isang buwan, mabuti may trabaho siya ngunit hindi ko alam kung ano ang trabaho niya dahil tuwing gabi lang siya umalis. Lahat na trabaho sa kaniyang bahay ako ang gumagawa. Hindi niya rin ako binibigyan ng pagkain sa tuwing aalis siya. Kaya minsan kahit tinatapon niya na sa basurahan kinakain ko, para may laman lang ang tiyan ko.. Natatakot naman kasi ako umalis dahil wala ako'ng kilala dahil ayaw niya ako'ng lumabas. Wala nga akong kilala kahit isa na kapitbahay namin. Saka lahat na pintuan naka lock sa tuwing aalis siya. Kulang nalang lagyan niya rin ako ng kandado. Hindi ko alam kung hanggang saan ko kakayanin ang mga ginagawa ni Tiyang Belen sa akin. Palagi nalang ako'ng nagdadasal na sana dumating ang araw na maka alis ako dito.
"Bwesit ka, tutunganga ka lang diyan? Di ba sinabi ko sa iyo na magluto ka na dahil aalis pa ako papunta sa trabaho. Bwesit ka talaga, bobo." Sigaw ni Tiyang saka binato niya naman ako ng kaniyang suot na tsinelas.
Kaya napabalik ako sa malalim na iniisip. Mabilis ako'ng tumakbo sa maliit ko'ng silid at nagbihis. Sobrang sama talaga ang pakiramdam ko dahil ang init at naluluha pa ang mata ko. Nanginginig pa ang katawan ko sa gutom dahil hindi ako naka kain ng tanghalian. Kanina isang tinapay lang ang binigay ni Tiyang na parang matagal na rin. Hindi naman ako maka kuha ng pagkain sa ref dahil naka lock.
Mabilis ang bawat kilos ko, dahil baka bugahan na naman niya ako ng apoy. Pagkatapos ko'ng magbihis kahit nanghihina ako, kaagad ako'ng pumunta sa kusina. May isang paa ng manok at kahalating tasa na bigas na nakapatong sa mesa. Tumulo na naman ang luha ko dahil wala naman para sa akin. Nanghihina ako na niluluto ang pagkain ni Tiyang. Nang maluto na, sakto na dumating siya. Naka bihis na siya pero may tuwalya sa kaniyang buhok.
"Labas, ano pa ang ginagawa mo dito? Ayaw ko makita ang pagmumukha mo habang kumakain ako, baka mawalan ako ng gana." Sigaw niya saka umupo.
"Tiyang sobrang sama ng pakiramdam ko. May paracetamol ka ba? Saka pwedi maka hingi ng pagkain? Nagugutom na talaga ako Tiyang kanina pa ako hindi kumakain." Pagmamakaawa ko sa kaniya baka kahit kunting konsensiya meron pa naman siya. Ngunit tinapunan niya lang ako ng masamang tingin at sumubo ng pagkain.
"Bakit may pera ka ba'ng binili dito? Di ba wala? Saka ang arte mo, kahit wala ka'ng sakit, nag sakit sakitan ka para hindi ka makapag trabaho dito. Kung hindi ko lang kapatid ang Nanay mo, hindi kita alagaan. Perwisyo ka lang sa buhay ko. Kung bakit ba naman nagpa buntis si Ate sa lalaki na walang silbi. Sana binigay ka nalang ni Ate sa Tatay mo na walang silbi. Labas naiirita ako sa pagmumukha mo." Sigaw niya kaya umiiyak ako'ng lumabas sa kusina. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya na siya naman ang umubos ng pera na binigay ng driver ng truck na para sa akin. Kaya lang baka saktan na naman niya ako
Nakita ko ang pinto na nakabukas kaya lumabas muna ako. Para maka langhap ng hangin. Pwedi naman siguro lumabas muna para makita ko rin ang paligid.
Tumingala ako sa langit at pinag masdan ang mga bituin na nag ki-kislapan. Ang ganda ng gabi at liwanag ng buwan at bituin.
"Nanay, kamusta ka na diyan? Nanay miss na miss na kita. Mahal na Mahal kita Nanay kaya tinitiis ko lahat ng ginagawa ni Tiyang Belen sa akin dahil kapatid mo siya. Na tandaan ko lahat ng sinabi mo na respituhin ko ang mga tao na naka paligid sa akin. Pero Nanay bakit parang sobra sobra naman ang ginawa niya s akin? Parang hindi niya ako pamangkin. Mabait naman siya nuon sa akin n'ong unang dating niya sa bahay. Pero isang linggo lang pagkatapos ng libing mo. Hindi na siya mabait sa akin Nay. Nanay pwedi ba pahingi ng pagkain at gamot? Nanay nagugutom na talaga ako." Umiiyak ko'ng sabi na parang kinakausap ko si Nanay. Na para ba'ng mabigyan niya ako ng pagkain kahit impossible naman. Habang nakatingala pa rin ako sa langit na parang naghihintay ng isang himala.
Bigla ako'ng napatingin sa kabilang bahay nang may marinig ako'ng kaloskos at sumisitsit sa akin kaya nakaramdam ako ng takot. Iniisip ko na baka aswang. Akmang babalik na sana ako sa loob ng bahay, nang bigla ako'ng napa tigil sa pag hakbang.
"Pssst! H'wag ka'ng matakot. Kaibigan ako." Narinig ko'ng sabi ng boses babae. Kaya nakaramdam ako ng pag-asa na baka matulungan niya ako kahit kanin lang. Tumingin muna ako sa loob ng bahay kung nasa kusina pa ba si Tiyang. Nang makita ko siya na nakaupo pa rin siya at parang may kausap sa cellphone. Mabilis ako'ng lumapit sa direction kung saan may tumatawag sa akin.
"Nandito ako." Sabi ng boses babae. Dahil kinakabahan ako na baka hanapin ako ni Tiyang. Hindi na ako nag dalawang isip na humingi ng pagkain.
"Hello magandang gabi. Kahit hindi kita kilala hindi na ako mahihiya. Pwedi ho ba makahingi ng pagkain kahit medyo panis na. Saka may paracetamol ka ba. Ako si Jamil." Walang paligoy-ligoy ko'ng sabi.
"Kaya nga tinawag kita. Matagal na ako'ng nakaabang sa iyo na lumabas ka. Nakita kasi kita isang beses n'ong dumating kayo. Nagtaka ako na hindi na kita ulit nakita Samantha nakita ko naman ang kasama mo. Na lumalabas, nagtaka nga ako na bumalik pala siya. Akala ko nuon n'ong umalis siya, hindi na siya babalik dahil maraming naghahanap sa kaniya na inuutangan niya." Wika ng babae.
"Ako si Melody, wait lang babalik ako." Muling sabi niya saka mabilis na pumasok sa bahay nila. Makikita ko naman kasi kahit sinagot lang ng buwan dahil cyclone wire lang ang bakod. Pa linga-linga pa ako baka hanapin ako ni Tiyang. Ilang minuto lang ang hinintay ko, bumalik si Melody at may dalang tupperware na nakalagay sa plastic.
"Ito kanin at ulam saka maraming paracetamol at vitamins diyan." Saad ni Melody. Napa talon ako sa gulat ng marinig ko ang malakas na boses ni Tiyang.
"Jamil lintik na bata ka nasaan ka na." Sigaw ni Tiyang mula sa loob ng bahay.
"Maraming salamat Melody. Pero hindi na ako magtatagal. Maraming salamat dito. Isusulat ko nalang sa papel lahat ng sasabihin ko. Kapag makalabas ako ulit at dito ko ilagay. Maraming salamat talaga. Hulog ka talaga ng langit." Mangiyak-ngiyak ko'ng sabi.
"Sige na, pumasok ka na, ilagay mo sa likod mo ang tupperware at sa bulsa mo naman ang gamot at vitamins. Kapag makahanap ako ng tyempo, tutulungan kita na maka-alis diyan. Mag-ingat ka, maglagay din ako ng bigas at noodles dito. Kapag maka labas ka ulit, tingnan mo dito. I-sik-sik ko lang para walang maka kita." Bilin ni Melody. Nagpasalamat ako muli saka tumakbo pabalik sa bahay. Sobrang takot at kaba ko habang papasok sa bahay. Sobrang ingat ko na hindi mahulog ang tupperware sa likod ko. Pagpasok ko sa bahay, nakahinga ako ng maluwag ng wala si Tiyang at narinig ko ang boses niya sa kaniyang kwarto. Kaya mabilis ko muna na tinago sa likod ng cabinet ang tupperware at niligpit ang pinagkainan niya. Nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan niya, lumapit ako para humingi ng pasensya.
"Tiyang pasensya na ho, nanggaling ako sa labas para magpa hangin. Ayaw mo naman kasi ako'ng makita habang kumakain ka, kaya nang makita ko na bukas ang pinto. Lumabas nalang muna ako. Pasensya na ho." Magalang ko'ng sabi.
"Tsk! Iyun lang ang kaniyang sinabi. Pagkatapos umupo siya sa sofa at nagsuot ng kaniyang sandal na mataas. Naka make-up na rin siya kaya tiyak na aalis na siya.
"Maglinis ka dito habang wala ako, kapag may makita ako na dumi o alokabok sa bahay ko, malilintikan ka sa akin." Aniya, saka tinalikuran ako at lumabas na siya ng kaniyang bahay. Limang minuto na umalis si Tiyang. Kinuha ko ang tupperware para kumain. Pagbukas ko, napaiyak ako dahil adobo na atay ng manok at baboy ang ulam.
"Maraming salamat, Nanay, maraming salamat Melody. Maraming salamat papa Jesus." Humihikbi ko'ng sabi saka nag umpisa na ako'ng kumain. Sobrang gutom ko, kaya naubos ko ang kanin at ulam. Pagkatapos ko'ng kumain, uminum na rin ako ng paracetamol. Nagpahinga Ako saglit saka hinugasan ko pinagkainan ni Tiyang at ang tupperware ni Melody. Dinala ko sa kwarto Ang tupperware para itago para hindi makita ni Tiyang. Medyo gumaan ang pakiramdam ko nang maka kain at maka inum ako ng gamot kaya ready na ako muli mag trabaho sa buong bahay ni Tiyang.