JERLYN "Good afternoon po, Mo-Mommy, Dad-daddy." Nau-utal at nahihiya ko'ng bati sa mga magulang ni Arnel pagdating namin sa kanilang living room. Lumapit ako sa kanila at nagmano. Ganun din ang ginawa ni Arnel sa kanyang mga magulang. "Good afternoon din ijah." Magkasabay na bati ng mga magulang ni Arnel. "Kamusta ang trabaho sa munusipyo?" Tanong ni Daddy sa amin pagkaupo namin sa couch. Nakasuot pa rin si Daddy nang pang opisina kaya baka kararating niya din galing kapitolyo. "Mom, Dad. We're married." Wika ni Arnel sa halip na sagutin ang tanong ng kanyang Daddy. "What." Magkasabay na tanong ng magulang ni Arnel na tila gulat na gulat. Katulad din kanina sa reaction ng mga magulang ko nang sinabi ko na kasal na kami ni Arnel. Duon kami dumiretso sa bahay pagka galing namin sa mun

