ARNEL Panay ang ngiti ko habang nag pi-perma ng mga papelis sa aking mesa. Habang panay ang tingin ko sa aking asawa. Yes asawa ko na siya dahil totoong pinermahan niya ang marriage certificate. Pagkatapos namin mag perma pinadala ko kaagad sa NSO office para maging legal ang kasal namin. Naka handa na rin naman ang kasal namin sa simabahan sa kanyang birthday after two months pero hindi niya pa alam. Planado ko na talaga ang lahat at siya nalang ang kulang. Sobrang saya ng puso ko na nagkabalikan na kami ni Jerlyn. Mabuti nalang sinabi ni Brent na may planong aalis si Jerlyn pagkatapos ng kasal nila ni Joy. Narinig daw ni Brent na nag-uusap si Joy at Jerlyn ang plano na pag-alis ni Jerlyn. Kaya kaagad na sinabi sa akin ni Brent. Hindi ko na kaya na magkalayo kami kaya sinundan ko siya s

