JERLYN "Sure ka na ba Daddy? Okay lang naman kami ng mga anak mo. Hindi mo naman kami pinabayaan." Sabi ko kay Arnel. Alas otso ng gabi pagkatapos niyang patulugin ang mga babies namin. Humiga na rin kami sa aming kama. Habang nakaunan ako sa kanyang balikat habang sinusuklay niya ang buhok ko gamit ang kanyang kamay. Sinabi niya sa akin ang plano niyang hindi na siya tatakbo bilang Mayor sa susunod na election. Matapos na kasi ang termino niya ngayong taon. Ang bilis lang ng panahon isang taon na ang quintuplets namin. Sa isang taon mula n'ong lumabas sila, very hands on sa amin si Arnel. Siya ang nagpapatulog sa mga bata. Kahit pag suot ng diaper at pagligo sa quintuplets siya pa rin. Ayaw niya raw ako'ng mahirapan at mapagod pero wala naman talaga ako'ng ginagawa. Gabi na siyang ma

