JERLYN "Mimi, Didi." Bigkas ng quintuplets namin. Kaya sobrang tuwa namin ni Arnel. Unang beses nilang binigkas ang salitang Mimi at Didi. Nandito kami sa bahay ni baby Angel habang nasa sahig. Mula n'ong marunong nang gumapang ang quintuplets pinalagyan si Arnel ng malambot na carpet ang buong sahig upang malayang maka gapang ang mga bata na kahit humiga sila ay okay lang. Kahit sa bahay namin ang mayruon din, minsan dito kami natutulog. Parang ginawa na namin bahay dito, para kahit nasa heaven na ang baby Angel namin parang kasama pa rin namin siya. At makilala siya ng quintuplets. "What did you say babies? Can you please call Mimi and Didi again." Pang baby talk ni Arnel sa babies namin. "Mimi, Didi." Magkasabay na sabi ulit ng quintuplets saka pumalakpak pa. Kaya sa sobrang tuwa

