Kasalukuyan siyang nagbabasa ng script sa loob ng tent nang may biglang pumasok doon kaya napalingon siya. Hubad baro din kasi siya dahil maalinsangan ngayong araw. It's Mari, the lead girl in the movie. She played the priestess in the movie and his love interest. "Mari," naghanap bigla ang mga mata niya ng maisusuot na tshirt. Nagulat kasi siya sa basta na lang pagpasok nito ng walang pasabi. Nakasuot ito ng manipis na telang puti at nababanaag ang suot nitong puti ding pang-loob. Maganda ang katawan ni Mari, hindi niya puwedeng itanggi iyon at maganda rin ang mukha. Mixed race din kasi ito. Spanish-Chinese-Nordish ang lahi ng babae. Dalaga pa ito at walang napapabalitang nobyo. Naupo ito sa kama niya. "Did you read the script?" Tanong nito sa kanya. "I did," he knows what

