Nag-message siya kay Suzy para mag-video call silang dalawa. Noong huling tawag kasi niya ay hindi man lang nila napag-usapan iyon dahil nga party ng anak ni Gilly. Hindi nito pinatay ang video para daw kasama pa rin siya ng pamilya sa celebration. At ngayon niya sasabihin iyon sa kaibigan. Kailangan na talaga, bago pa man siya uuwi ng Hawaii dahil pagdating doon ay siguradong tambak ang trabaho niya. 'I'll call you in an hour, Besties. I am with Brad right now,' mensahe nito sa kanya. Napa-ngiti siya. Lagi na talagang magkasama ang dalawa lalo na ngayong palapit na ang kasal. Pati si Brad kasi ay hands-on sa kasal kaya naman natutuwa siya dito at masaya siya para sa kaibigan. Napaisip tuloy siya kung ano ang ginagawa ng dalawa. Malamang ay nagsusukat ng gown si Suzy dahil tand

