36

1235 Words

Natuloy ang paglipat ni Eric sa ibang university.  Hindi naman imposible dito na gawin iyon agad dahil sa yaman at koneksyon ng pamilya nito.   Matapos nang nangyari sa kanila sa kotse ay hindi na ito nakipag-kita pa sa kanya.  Ni hindi nga nagawang mag-sorry man lang na lalong nakapag-painis sa kanya.   Nagpatuloy ang buhay niya nang wala ito.  Hindi nga niya napansin na patapos na patapos na pala ang school year nila.  Sinabihan siya na kung gusto niyang magpatuloy magtrabaho kahit bakasyon ay puwede kaya agad siyang pumayag tutal wala naman siyang gagawin.  Nga lamang ngayon ay mas mahaba na ang oras ng trabaho niya. "Are you okay, Lou?"  Nag-aalalang tanong niya sa kaibigan.  Nalaman kasi niya mula sa kanyang kapatid na hiwalay na ito at si Mason ngunit hindi na ito nagkuwento pa. 

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD