Chapter 24

1851 Words

Bigo ni Mikael maidilat ang mga mata. Kung pipilitin, ito’y ikasisilaw niya kaya naman, tulad noong una, hinintay niyang maubos ang sinag nang hindi mabigla ang bintana ng kaluluwa. Banderitas. Concrete na daan. Higit sa lahat, walang kasundaluhan. Napasadlak siya sa sahig. Naluha. Natawa. Mahigit isang buwan sila sa nakaraan, pero tila ba katumbas lang ng limang minutong water break ng Maestro kung sila’y nakabalik. Ibig sabihin, makatutugtog pa rin siya sa Festival of Talents sa Australia. Ibig sabihin, hindi nagsampa ng missing person ang ina. Ibig sabihin, buhay siya. Pero si Felix… Kagyat siyang nalingon at gumapang sa direksyon ng malamig na lalaki. Pinahiram niya rito ang kandungan bilang unan samantalang ang gintong plawta’y lunok-laway tinitigan. ‘Gagana ba kaya?’ tanong ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD