Chapter 23

2775 Words

“Makakauwi na tayo!” Matamis ang ngiti ni Mikael sa magandang bungad ng maikli niyang pagtulog, singtamis noong sabihin ng maestro na siya’y magsosolo sa ikalawang yugto ng pagtatanghal. Inayos niya ang sarili, maging si Felix naghanda na rin sa paggayak nang lumapit si Tandang Sora’t nagtanong, “Aalis na kayo? Subalit malalim na ang gabi. At ang sugat mo, iho, hindi pa `yan magaling.” “Wala na ho kaming oras, `Nay,” ani Felix, hawak ang kamay ni Mikael. “Delikado na ang mga nangyayari. Kailangan na naming makabalik sa aming panahon.” Sandaling natigilan ang matanda subalit dagli rin huminahon at nangiti. “Tama nga ang kutob namin. Kayo’y hindi tiga-rito. Bueno, gabayan sana kayo ng Maykapal.” Nagmano sila’t nagpasalamat. Pinadadala sila ng sulo na siya nilang tinanggihan upang `di ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD