Kumalat na sa himpapawid ang usok na siyang nagpadilim ng paligid at nagbigay impresyon na sila’y nasa malubhang panganib. Hindi magkamayaw katatakbo ang mga tao palayo sa pamilihan. May mga tulad ni Rosa na maswerte pang nakapagbalot ng mga paninda, si Aling Liway nakapagbaba pa ng trapal, at ang iba mas pinili na lang iwanan ang mga buslo, mga paninda kaysa madamay sa disgrasyang dulot ng Himagsikan. Subalit kung ang iba’y palayo sa mata ng bagyo, tila ba si Mikael gustong pumunta rito. Bagamat nakatatakot ang pangyayari isang malaking kawalan (sa kanya) kung `di niya masaksihan ang noon lang ay nababasa sa mga librong pang –kasaysayan. Alam niya kung ano ang Himagsikan sa teorya. Gusto niyang makita ito sa personal. Pero mariin itong tinutulan ni Felix. “Hindi `to kathang-isip o pa

