Pinagpahinga si Felix buong maghapon nang madatnan ito ni Padre Nuñez na nakahandusay sa may pinto ng simbahan. Palaisipan rito kung bakit nakahubad at may duguang benda sa kanyang katawan gayong noong kanya itong usisain, wala naman siyang mga sugat. Inutusan lang naman siya nito alamin kung ano ang pagkalampag na nangyari sa baba subalit ito ang bumungad sa kanya. Pinabuhat siya sa mga kapwa tiga-bantay papunta sa kanilang barracks; ngayong gabi lang siya nagising. “Juan Miguel, kumusta? Hindi ka ba manonood ng pagtatanghal?” tanong ng isang tiga-bantay nang mapansin gising na ang kaibigan. Nagkwekwentuhan sa likod nito ang tatlo pa nilang kasamahan. Inangat niya ang sarili’t sumandal sa uluhan ng kanyang kama. “Susunod na lang ako. Salamat.” Lumabas ang mga kaibigan nito’t sinar

