Abala si Aling Nemia sa pinababastong pantalon nang tumunog ang de pindot niyang selpon. Tumatawag si J.M. Nasanay na siyang ito ang itawag sa lalaki, tulad ng pagkasanay ni Mikael na tawagin siyang ‘Felix’. “O, anak, napatawag ka?” Nakasasanayan na rin ni Felix ang tawaging ‘anak’ ng ginang, at tumawag ng ‘Ma’, mga bagay na hindi niya noon nagagawa dahil sa siya’y ulila. “Buksan mo ang t.v., Ma! Binabalita ang pagtatanghal ng Colatura.” Iniwan ni Aling Nemia ang gawain, pumunta sa sala’t nilipat sa nasabing channel. Kinarga niya si Chubby, ang itim na pusa sa simbahan, na noo’y natutulog sa tapat ng t.v. at kinandong nang maayos na mapanood si Mikael. At tulad ng gabing nagtapat si J.M ng pag-ibig sa kanyang anak, wala rin siyang tulak-kabigin nang makita ang solo performance ng ana

